2025
Kiribati
Agosto 2025


“Kiribati,” Liahona, Ago. 2025.

Narito ang Simbahan

Kiribati

mapa ng mundo na may bilog sa paligid ng Kiribati
tanawin sa karagatan ng Tarawa, Kiribati

Noong 1973 at 1974, 25 estudyante mula sa Kiribati ang nagpunta sa isang high school na pag-aari ng Simbahan sa Tonga at sa pahintulot ng kanilang mga magulang ay sumapi sa Simbahan doon. Noong 1975 pinalawak ang Fiji Suva Mission at isinama ang Kiribati, at ang ilan sa mga estudyanteng iyon ay tinawag na maglingkod bilang mga unang missionary sa Kiribati. Mula noon, lumago na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa bansang ito ng mga isla at mayroon nang:

  • 22,600 miyembro (humigit-kumulang)

  • 2 stake, 12 ward, 31 branch

  • 1 inihayag na templo (Tarawa); groundbreaking noong Nobyembre 2024

Anameere Tennaba Schwalger

Naglalaan ng Paraan ang Diyos

Si Anameere Tennaba Schwalger ang una sa kanyang pamilya na sumapi sa Simbahan, nagmisyon, at nagtapos ng bachelor’s degree. Sabi niya: “Madalas, pakiramdam ko ay mahirap makamtan ang aking mga pangarap. Pero sa pamamagitan ng pananampalataya, pagtitiis, at biyaya ng Diyos, napagpala ako sa mga paraan na hindi ko kailanman naisip. Nakita ko ang Kanyang pagmamahal sa mga taong dinala Niya sa buhay ko.”