Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Si President Ballard ay Bumisita sa Canada
Naglalakbay ang mga Apostol sa iba’t ibang panig ng mundo para mag-minister at magturo sa mga tao tungkol kay Jesucristo.
Narito ang larawan ng pamilya Ballard nang manirahan sila sa Canada.
Naglakbay si Pangulong Ballard sa Ontario, Canada. Nakipagkita siya sa mga taong nakilala niya mula sa kanyang misyon noong araw. Napakasaya nilang makita siya!
Nakipagpulong din siya sa mga missionary na naglilingkod doon ngayon. Sinabi niya sa kanila na tinuturuan nila ang mga anak ng Diyos.
Sa ngayon ang Ontario ay may mahigit 50,000 mga miyembro ng Simbahan. Mayroon ding isang magandang templo doon!
“Ipadama ang pagmamahal ninyo sa Panginoong Jesucristo.”*