Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Joseph Smith at ang mga Laminang Ginto
Si Joseph Smith ay isang propeta. Tinulungan niya si Jesus na ibalik ang Kanyang Simbahan sa mundo.
Nagdasal si Joseph para malaman kung aling simbahan ang dapat niyang salihan. Sinabi ni Jesus na huwag pumunta sa alinman sa mga simbahan. Wala sa mga ito ang Kanyang Simbahan.
Dinalaw si Joseph ng anghel na si Moroni. Sinabi sa kanya ni Moroni ang tungkol sa isang espesyal na aklat na nakasulat sa mga laminang ginto. Nakabaon ito sa isang kalapit na burol.
Sa tulong ng Ama sa Langit, isinalin ni Joseph ang mga nakasulat sa mga lamina. Ang mga nakasulat na ito ay naging Aklat ni Mormon!
Ngayon ay maaari na nating basahin ang Aklat ni Mormon. At maaari tayong magpunta sa Simbahan ni Jesucristo! ●
Mga paglalarawan ni Apryl Stott