2021
Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Enero 2021


Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan

Bawat buwan, alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Pagpapanumbalik! Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.

cutout cards of Emma and Joseph Smith

Emma Hale Smith

“May gagawin tayong isang bagay na kamangha-mangha.”

Mga tala mula sa Relief Society ng Kababaihan mula sa Nauvoo, 17 Mar. 1842.

  • Pinakasalan ni Emma si Joseph Smith, at sumama siya kay Joseph para kunin ang mga lamina mula sa Burol ng Cumorah.

  • Nang isinalin ni Joseph ang mga lamina, siya ang unang taong tumulong na isulat ang mga salita.

  • Tinawag siya ng Diyos upang bumuo ng isang himnaryo para sa Simbahan.

  • Siya ang unang Pangulo ng Relief Society.

Joseph Smith

“Ito’y alam ko, at nalalaman ko na ito’y alam ng Diyos, at ito’y hindi ko maipagkakaila.”

Joseph Smith Kasaysayan 1:25

  • Noong 14 taong gulang si Joseph Smith, nanalangin siya para malaman kung aling simbahan ang tama. Ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagpakita sa kanya.

  • Tumulong siyang ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo.

  • Isinalin niya ang mga laminang ginto para mabasa natin ngayon ang Aklat ni Mormon.

  • Binigyan siya ng Diyos ng mga paghahayag (mga mensahe). Nakasulat ang mga ito sa Doktrina at mga Tipan.

1804–1879

1805–1844

Mga paglalarawan ni Brooke Smart