Ang Aming Mithiin sa Aklat ni Mormon
Noong nakaraang Pasko, nagpunta sa bahay namin ang buong pamilya ni Inay. Isinulat naming lahat ang mga bagay na ibibigay namin kay Cristo sa susunod na taon. Pagkatapos ay lumapit kami sa bawat isa at sinabi namin kung ano ang napagpasiyahan naming ibigay.
Sinabi ng lola ko na babasahin niya ang Aklat ni Mormon sa loob ng apat na buwan. Hindi pa nagsisimba ang lola ko mula nang siya ay siyam na taong gulang at nagbasa ng ilang bahagi lamang ng Biblia. Lahat kami ay nagulat. Gusto raw niyang basahin ito dahil lahat ng kanyang mga anak at karamihan sa kanyang mga apo ay nabasa na ito. Gusto niyang malaman kung bakit napakahalaga nito sa amin.
Lahat ng aking mga tiya, tiyo, at karamihan sa mga pinsan ko ay nagpasiyang basahin ang Aklat ni Mormon na kasama siya. Hindi ako sigurado kung gagawin niya ito, pero ngayon ay sinisimulan na niya ang Aklat ni Alma. Talagang nagustuhan niya iyon. Masaya ako kapag binabasa ko ang Aklat ni Mormon at alam ko na binabasa rin ito ng lola ko.