2021
Kilalanin si Stella mula sa Ghana
Enero 2021


Mga Matulunging Kamay sa Buong Mundo

Kilalanin si Stella mula sa Ghana

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

brother and sister reading scriptures together

Lahat ng tungkol kay Stella

Edad: 11

Mula sa: Ghana

Mga Wika: Ingles at Twi

Pamilya: Inay, Itay, at kapatid na lalaki, si Yaw

Mga mithiin at pangarap: 1) Magmisyon, tulad ng nanay niya. 2) Ikasal sa templo. 3) Maging fashion designer.

Binabasa ni Stella ang mga banal na kasulatan kasama ang kanyang kapatid.

Ang mga Matulunging Kamay ni Stella

Halos bawat araw, maaari mong makita si Stella at ang kanyang pamilya na bumibisita sa kahera ng gusali ng kanilang apartment. Hindi sila magkamag-anak, pero tinatawag siya ni Stella at ng kanyang kapatid na “Lola Cecilia.” Sabi ni Stella, “83 taong gulang siya, at wala siyang sariling mga anak.” Napansin ni Stella at ng kanyang pamilya na kailangan nito ng tulong at nagpasiyang “ampunin” ito.

Laging tumutulong si Stella sa pamamagitan ng pagwawalis at paglalampaso ng sahig ni Lola Cecilia. Ang pagkakaroon ng malinis na tahanan ay mahalagang paraan para manatiling malusog. Kaya ginagawa ni Stella ang isang bagay na talagang nakakatulong kay Lola Cecilia. “Naglingkod si Jesucristo sa iba,” sabi ni Stella, “kaya nakahikayat iyon sa akin para maglingkod sa kanya. Alam ko na si Jesucristo at ang Kanyang Ama ay masaya kapag naglilingkod ako.” ●

Mga Paborito ni Stella

Lugar: ang Accra Ghana Temple (“Para itong langit sa lupa.”)

Kuwento tungkol kay Jesus: “Nang pinakain Niya ang maraming tao sa pamamagitan ng dalawang isda at limang tinapay.”

Mga Awitin sa Primary: “Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod” at “Panalangin ng Isang Bata” (“Binibigyan ako nito ng lakas para magmahal at maglingkod.”)

Pagkain: fufu (minasang saging at kamoteng kahoy) na may kasamang sabaw at karne ng kambing

Kulay: dilaw

Klase sa paaralan: malikhaing sining