Isang Mensahe mula sa Unang Panguluhan
Minamahal Naming mga Batang Kaibigan,
Sa buwang ito ay ipinagdiriwang ng Kaibigan ang ika-50 kaarawan nito—at isang bagong simulain. Noon ang Kaibigan ay nakararating lamang sa mga batang nagsasalita ng Ingles. Ngayon ito ay mababasa na ng mga bata sa 48 wika sa buong mundo. Umaasa kami na bawat bata sa Primary ay masisiyahan sa Kaibigan sa kanilang bahay at maibabahagi ito sa iba.
Sa buong mundo, sinisikap ng mga batang Primary na tulad ninyo na sundin si Jesus. Bawat isa’y mahalagang anak ng Diyos. Habang binabasa ninyo ang Kaibigan, makikilala ninyo ang mga kaibigang ito. Matututuhan ninyo ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo. At mas mapapalapit kayo sa inyong pinaka-totoong Kaibigan, ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo.
Taos-pusong sumasainyo,
Ang Unang Panguluhan
Paghahanap ng Bandila
Hanapin ang mga pahina mula sa iba’t ibang bansang ito. Pagkatapos ay tingnan ang mga bandila sa ibaba!
-
Ghana
-
South Korea
-
Canada
-
Spain
-
Germany
-
Benin
-
Argentina
-
Mexico
Saan Natin Binabasa ang Kaibigan
Hawak ng mga batang ito mula sa Ghana ang kanilang mga kopya ng Kaibigan. Magpadala kayo sa amin ng isang retrato ninyo o ng inyong klase sa Primary na hawak ang Kaibigan. Tiyaking isama ang pahintulot ng inyong magulang (tingnan sa likod na pabalat).
Mga paglalarawan mula sa Adobestock.com