Pagtulong Tulad ni Jesus
Napansin ni Jesus ang Iba
Laging napapansin ni Jesus ang mga taong nangangailangan. Isang araw nasa gitna Siya ng malaking grupo ng tao.
Isang babae sa grupo ang maysakit sa loob ng 12 taon. Nanampalataya siya na mapapagaling siya ni Jesus. Kung kaya’t lumapit siya at hinipo ang Kanyang damit nang dumaan Siya.
Napansin ni Jesus ang babae. Tumigil Siya para panatagin ito. Pinagaling siya ng kapangyarihan ni Jesus.
Noong may COVID, kinumusta ko ang mga kaibigan ko para matiyak na ayos sila at binabati sila nang may ngiti kapag nag-uusap kami online. Ginamit ko ang mga kamay ko para tumulong sa mga gawaing-bahay at tulungan ang ibang nangangailangan.
Blaine H., edad 11, Ras Al Khaimah, United Arab Emirates