Lingguhang YA
Tema sa Buwang Ito: Pagtutuon ng Inyong Buhay kay Jesucristo
Disyembre 2025 Liahona


Tungkol sa Isyung Ito

Tema sa Buwang Ito: Pagtutuon ng Inyong Buhay kay Jesucristo

isang composite image

Maligayang Pasko, mga kaibigan!

Bilang isang young single adult, ang aking buhay ay puno ng matitinding desisyon at karanasan. Inaasahan ko na kayo—mahal naming mga mambabasa—ay maaaring nasa gayon ding mga sitwasyon.

Ang mga nasa edad 18 hanggang 35 ay maaaring makaranas ng maraming mahahalagang pangyayari sa buhay: pag-alis sa bahay ng inyong pamilya, pagkatuto kung paano mangasiwa ng pananalapi, pag-aaral, pakikipagdeyt, pagpasok sa trabaho, pagbuo ng magandang pagsasama ng mag-asawa, pagiging magulang, at marami pang iba.

Mabuti na lamang, nakatanggap tayo kamakailan ng maraming payo mula sa propeta na makatutulong sa atin na pamahalaan ang ating mga inaasahan at listahan ng mga gagawin kapag mahirap ang buhay. Nagbahagi ng mensahe si Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol na talagang binago ang paraan ng pagbalanse ko sa aking buhay: “Anuman ang nasa inyong listahan ng mga gagawin, bigyan ninyo ng panahon, at hindi lamang ng natitirang oras, ang Panginoon.”

Ngayong Kapaskuhan, gusto naming ipaalala sa inyo ang masidhing pagmamahal at kamalayan ng Tagapagligtas para sa inyo. Nilikha namin ang isyung ito ng Lingguhang YA upang tulungan kayong isentro ang inyong buhay sa Tagapagligtas. Kapag nagtuon kayo sa Kanya, madarama ninyo ang Kanyang pagmamahal at patnubay habang tinatahak ninyo ang buhay bilang young adult.

Narito ang ilan sa mga artikulong maaasahan ninyo mula sa mga young adult sa buong mundo sa buwang ito:

May mga kuwento rin tayo na bahagi ng ating patuloy na serye:

Tandaan, ang Kapaskuhan ay hindi lamang tungkol sa himala ng kapanganakan ni Cristo—tungkol din ito sa himala ng Kanyang buhay at liwanag, na maaanyayahan nating lahat sa sarili nating mga buhay araw-araw sa buong taon.

Nagmamahal,

Maddy Poll, YA Weekly Editorial Intern