“Pisikal at Emosyonal na Kalusugan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pisikal at Emosyonal na Kalusugan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Pisikal at Emosyonal na Kalusugan
Pisikal at Emosyonal na Kalusugan
Buod
Bilang normal na bahagi ng ating mortalidad, nahaharap tayo sa maraming hamon sa pag-iisip, damdamin, at sa pisikal. Kapag humuhugot tayo ng lakas mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, tutulungan Nila tayong maging matatag ang damdamin, na natututo ng mabubuting kasanayan na makayanan ang anumang kinakaharap natin. Hinihikayat ng mga sumusunod na lesson ang mga estudyante na pangalagaan ang kanilang pisikal na katawan, magkaroon ng mabubuting paraan ng pag-iisip, at hingin ang tulong ng Panginoon kapag nakadarama ng stress, pagkabalisa, kalungkutan, depresyon, galit, at sa paglinang ng magagandang gawi sa kalusugan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaaring ituro ang mga lesson na ito sa anumang araw sa school year o sa anumang linggo sa iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gayunman, ang Lesson 181: “Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon” at Lesson 183: “Pagbuo ng Mabubuting Paraan ng Pag-iisip” ay nagbibigay ng saligang pag-unawa at mga kasanayan para sa mga lesson na sumusunod sa mga ito sa kategoryang ito. Ang pagtuturo ng mga lesson na ito bago ang iba pa sa bahaging ito ay maaaring makatulong sa mga estudyante na matuto ng mga kasanayang maaari nilang magamit habang natututo tungkol sa mabubuting paraan sa pagtugon sa kanilang mga emosyon.
Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng Lesson 61: “Josue 1.” Inaanyayahan tayo ng talata 8 na tanggapin ang lakas at tapang na ipinangako ng Panginoon sa mga taong nagbubulay-bulay (nagninilay-nilay) sa Kanyang mga salita kapag nahaharap sa mahihirap na hamon.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humugot ng lakas mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para makayanan ang kanilang mga emosyonal na hamon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan o magtanong sa isang kakilala nila tungkol sa mga karanasan nila sa pagharap sa mahihirap na damdamin. Kung naaangkop, maaari silang maghandang ibahagi ang karanasan sa klase.
-
Mga item na ipapakita: Mga larawan ng dalawang puno—isang nabunot ng malakas na hangin, at isang nanatiling nakatanim sa lupa; pahayag mula kay Elder Neil L. Andersen
-
Mga Video: “Mga Espirituwal na Buhawi,” time code na 0:00 hanggang 1:10 at time code na 1:33 hanggang 2:12; “Mga Espirituwal na Buhawi” time code na 3:45 hanggang 4:12 at time code na 4:12 hanggang 4:48
Pangangalaga sa Ating Pisikal na Katawan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano naaapektuhan ng ating mga pagpili ang ating pisikal at emosyonal na kalusugan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang tungkol sa kanilang mga pagpili sa kalusugan (pagkain, pagtulog, pag-eehersisyo, at iba pa) sa nakalipas na linggo. Hikayatin silang suriin kung paano nakaapekto ang mga pagpiling iyon sa kanilang pisikal at emosyonal na nadarama.
-
Mga item na ipapakita: Isang larawan ng isang tinedyer na gumagawa ng ilang pagpili na hindi mabuti sa kalusugan
-
Handout: “Pangangalaga sa Ating Pisikal na Katawan”
Pagbuo ng Mabubuting Paraan ng Pag-iisip
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magtiwala sa Tagapagligtas habang gumagawa sila ng mabubuting paraan ng pag-iisip.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na bigyang-pansin ang mga iniisip nila sa buong araw. Maaari pa nilang pagnilayan kung ano ang nararamdaman nila sa mga iniisip nilang iyon.
-
Mga item na ipapakita: Dalawang drowing mula sa lesson; dalawang stick figure, mga landas, hukay, mga thought bubble
-
Video: “Filling Our Minds with the Power of Jesus Christ” (2:07)
Pagtugon sa Stress at Pagkabalisa
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang lesson na ito ay gumagamit ng mga kasanayan na inilarawan sa payo ni Jetro kay Moises sa Exodo 18 upang matulungan tayo sa pagtugon sa nadaramang stress at pagkabalisa. Maaari mong ituro ang lesson na ito sa linggo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ng Exodo 14–18.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga kasanayang humuhugot ng lakas sa Tagapagligtas para matugunan ang stress at pagkabalisa.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan sila nakadama ng stress o pagkabalisa at mga paraan na maaari silang humingi ng tulong sa Panginoon.
-
Mga item na ipapakita: Pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson
-
Video: “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon” mula sa time code na 5:33 hanggang 5:55
-
Handout: “Stress at Pagkabalisa”
Pagdaig sa Kalungkutan at Depresyon
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang isang bahagi ng lesson na ito ay nagtuturo ng ilang paraan na matutulungan ng Panginoon ang mga estudyante na harapin ang kalungkutan at depresyon, tulad ng ginawa Niya kay Elijah. Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng iyong pagtuturo ng Lesson 82: “1 Mga Hari 18.”
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila tutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na makayanan ang nadaramang kalungkutan at depresyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng banal na kasulatan o sipi mula sa isang lider ng Simbahan na makatutulong sa isang tao na magtuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag sila ay nalulungkot o nalulumbay. Maaari silang maghandang ibahagi ang kanilang banal na kasulatan sa klase.
-
Mga item na ipapakita: Isang larawan ng mga hiker na may dalang mabibigat na backpack; pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson; isang larawan ni Elijah
-
Mga Video: “Because Jesus Christ died …” (1:06); “,” (1:42); “Mental Health: Compassion for Those Who Struggle” (2:26)
-
Handout: “Tinutulungan Tayo ng Panginoon na Magtiis”
Pagkontrol ng Galit
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ginamit ng lesson na ito ang kuwento nina Jacob at Esau upang ilarawan ang pangangailang tumugon nang wasto sa mga nadaramang galit. Maaaring makatulong na ituro ang lesson na ito malapit sa Lesson 30: “Genesis 25–27.”
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na sundin ang halimbawa ni Jesucristo kapag nakadarama ng galit.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maglista ng mga sitwasyon kung saan maaari silang matuksong tumugon nang may galit. Maaari din nilang suriin kung gaano kadalas sila nagagalit at kung paano nila makokontrol ang mga damdaming ito.
-
Mga item na ipapakita: Isang lata ng soft drinks o isang larawan ng lata ng soft drinks; isang larawan ng isang inalog na lata ng soft drinks na binubuksan; larawan ni Esau
-
Video: “Jacob and Esau” time code na 1:10 hanggang 1:53
-
Handout: “Mga Hakbang sa Pagkontrol ng Galit”
Paglinang ng Magagandang Gawi sa Kalusugan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para malinang ang magagandang gawi sa kalusugan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga bagay na ginagawa nila araw-araw na naging gawi na nila. Maaari din nilang pag-isipan kung paano naaapektuhan ng mga gawing ito, kapwa mabuti at masama, ang kanilang espirituwal na pag-unlad.
-
Mga item na ipapakita: Mga larawan ng isang weed patch, hardin, bulaklak, at damo; pahayag mula kay Pangulong Jeffrey R. Holland
-
Handout: “Pagtatatag ng Magagandang Gawi sa Kalusugan”