Seminary
Paglalaan para sa Ating Sarili at Pangangalaga sa mga Nangangailangan: Pagtulong sa Iba Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas


“Paglalaan para sa Ating Sarili at Pangangalaga sa mga Nangangailangan: Pagtulong sa Iba Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Paglalaan para sa Ating Sarili at Pangangalaga sa mga Nangangailangan: Pagtulong sa Iba Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Lesson 180

Paglalaan para sa Ating Sarili at Pangangalaga sa mga Nangangailangan

Pagtulong sa Iba Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas

Jesus healing a lame man.  Outtakes include some of the other cast members, Jesus and disciples, and Jesus helping the lame man up by the hand.

May naiisip ba kayong kakilala ninyo na mabuting halimbawa ng self-reliance? Si Jose ng Ehipto, na binigyang-inspirasyon ng Panginoon, ay isang magandang halimbawa ng isang tao na, tulad ng Tagapagligtas, ay nagpakita ng pagiging self-reliant at tumulong sa ibang tao na nangangailangan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na tukuyin ang mga paraan kung paano nagbibigay ng kakayahan sa kanila ang pagiging self-reliant sa pagtulong sa iba tulad ng gagawin ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan o basahin ang mga titik ng himnong ”Isang Taong Manlalakbay” (Mga Himno, blg. 22). Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang iba gaya ng gagawin ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga espirituwal na oxygen mask

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na talakayin kung paano magbibigay ng kakayahan sa atin ang paglalaan para sa ating sariling mga pangangailangan upang mas matulungan ang ibang tao. Ang isang paraan para magawa mo ito ay ipakita ang larawan ng mga oxygen mask sa eroplano, na kasama sa lesson na ito, at ang sumusunod na pahayag.

Father placing oxygen mask of son

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

14:49
Former Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.   Replaced September 2019.

Ilang linggo na ang nakalipas sumakay ako ng eroplano papuntang South America. Itinuon ng flight attendant ang aming pansin sa video tungkol sa kaligtasan. “Malamang na hindi naman mangyari,” pagbabala sa amin, “pero kung magbago ang cabin pressure, bubukas ang mga panel sa itaas ng inyong upuan, at lilitaw ang mga oxygen mask. Kapag nangyari ito, abutin at hatakin ang mask. Ilagay ang mask sa inyong ilong at bibig. Isuot ang elastic strap sa inyong ulo at i-adjust ang mask kung kailangan.” Sumunod ang babalang ito: “Tiyaking i-adjust muna ang sarili ninyong mask bago tulungan ang iba.” (“Joseph Smith,” o Liahona, Nob. 2014, 30)

  • Bakit mahalagang isuot muna ang sarili ninyong oxygen mask bago tumulong sa iba?

  • Ano ang ilang paraan kung paano ito maisasabuhay sa ating espirituwal at temporal na pagsisikap na sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

Ang isang paraan kung paano ito maaaring isabuhay ay sa ating mga pagsisikap na maging self-reliant para matulungan natin ang iba.

Maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante na pinayuhan tayo ng mga lider ng Simbahan na patatagin ang ating “pag-asa sa sariling kakayahan sa pamamagitan ng masigasig na pagtatrabaho at ng tulong ng Panginoon. Ang pag-asa sa sariling kakayahan ay ang kakayahan … na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay para sa sarili at sa pamilya” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 22.0, Gospel Library).

Si Jose ng Ehipto

Maaaring pinag-aralan ng mga estudyante ang kuwento ni Jose ng Ehipto sa Lesson 35: “Genesis 42–45” o sa Lesson 178: “Manampalataya kay Jesucristo upang Magkaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance.” Maaaring gamitin ang sumusunod na talata upang makatulong na ipaalala sa mga estudyante ang kuwento. Bilang alternatibo, maaari mong anyayahan ang isang estudyante na ikuwento ulit ang nangyari kay Jose ng Ehipto na matatagpuan sa Genesis 42–45.

Si Jose ng Ehipto ay halimbawa ng isang taong nagpakita ng pagiging self-reliant at, bilang resulta, inihanda siya ng Panginoon para tumulong sa ibang tao. Sa panahon ng taggutom, naglakbay ang mga nakatatandang kapatid ni Jose sa Ehipto upang maghanap ng butil. Maraming butil ang nakaimbak sa Ehipto dahil binigyang-inspirasyon ng Diyos si Jose na maghanda nang maaga para sa taggutom. Nang dumating ang mga kapatid ni Jose at humingi ng pisikal na tulong, inihayag ni Jose ang sarili niya bilang kanilang kapatid.

Basahin ang Genesis 45:4–11; 47:11–12, at alamin kung paano pinagpala ni Jose ang kanyang pamilya.

  • Ano ang mga koneksyong nakikita ninyo sa kuwentong ito at sa halimbawa ng oxygen mask?

  • Anong bahagi ng salaysay tungkol kay Jose ang nagpapaalala sa inyo sa Tagapagligtas?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad nito: Habang nagiging self-reliant tayo sa tulong ng Diyos, mas nakatutulong tayo sa ibang tao. Para matulungan ang mga estudyante na makakita ng mga karagdagang halimbawa ng katotohanang ito, maaari mong hatiin ang klase sa dalawang grupo at italaga ang bawat grupo sa isa sa mga sumusunod na scripture reference.

Basahin ang sumusunod na mga scripture reference, at hanapin ang mga halimbawa sa kung paano itinuro ng Tagapagligtas at ni Haring Benjamin ang katotohanang ito.

Lucas 22:31–32

Jacob 2:17–19

  • Anong mga halimbawa ng katotohanang ito ang nakikita ninyo sa mga talatang ito?

Maaaring makatulong ang sumusunod na self-assessment sa mga estudyante na maiugnay ang kanilang mga pagsisikap na maging self-reliant at tumulong sa ibang tao sa kanilang mga personal na kalagayan.

Bagama’t nakaranas si Jose ng mga paghihirap sa Ehipto, inihanda siya ng Panginoon na pagpalain ang iba bunga nito (tingnan sa Genesis 45:5–8). Gayon din, maihahanda kayo ng Panginoon na pagpalain at tulungan ang ibang tao bilang resulta ng inyong mga karanasan. Habang iniisip ninyo ang inyong buhay, pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang nararanasan ninyo ngayon na tumutulong sa inyo na mas maging self-reliant sa iba’t ibang aspekto ng inyong buhay? (Maaaring ito ay espirituwal, pinansyal, intelektwal, pisikal, o emosyonal.)

  • Paano magagamit ng Panginoon ang mga karanasang ito para tulungan kayong pagpalain ang ibang tao sa hinaharap?

Sa pagpapatuloy ninyo ng pag-aaral ngayon, bigyang-pansin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na makatutulong sa inyo na mas maging self-reliant para tulungan ang iba tulad ng gagawin ng Tagapagligtas.

Pagkakaroon ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance

Makatutulong ang sumusunod na aktibidad para malaman ng mga estudyante kung paano makatutulong sa ibang tao ang kanilang mga pagsisikap na maging self-reliant. Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa limang grupo at italaga sa bawat grupo ang isang aspekto ng self-reliance. Sa mas maliliit na klase, maaari kang magtalaga ng mga estudyante sa bawat isang aspekto.

Mag-display ng isang larawan sa pisara na katulad ng sumusunod at paisa-isang ibahagi ang mga tagubilin sa ibaba.

Showing what an oxygen mask looks like
  1. Sa isang pahina ng inyong study journal, magdrowing ng dalawang oxygen mask.

  2. Maglagay ng label sa itaas ng inyong unang oxygen mask gamit ang isa sa mga sumusunod na aspekto ng self-reliance:

    - Kaalaman sa ebanghelyo

    - Mga pangangailangang pinansyal

    - Edukasyon at trabaho

    - Mga pangangailangang pisikal

    - Mga pangangailangang emosyonal at panlipunan

  3. Mag-isip ng mga bagay na maaaring ginagawa ng isang tinedyer para maging self-reliant sa aspektong pinili ninyo. Isulat ang mga bagay na ito sa unang oxygen mask.

    Halimbawa, maaaring banggitin ng mga estudyante ang mga bagay tulad ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang mag-isa (kaalaman sa ebanghelyo), pag-aaral para sa pagsusulit ko sa matematika (edukasyon), o pagsunod sa plano ng ehersisyo (pisikal).

  4. Lagyan ng label na “Pagtulong sa Ibang Tao” ang pangalawang oxygen mask. Pumili ng dalawa o tatlo sa mga ideyang nakasulat sa unang oxygen mask. Para sa bawat ideyang pipiliin ninyo, magsulat ng isang partikular na paraan kung paano magagamit ng isang tinedyer ang karanasang iyon para tulungan ang iba na maging self-reliant. Isulat ang mga detalyeng ito sa pangalawang oxygen mask.

    Maaaring magsulat ang mga estudyante ng mga bagay tulad ng paggamit ng aking karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan para tulungan ang aking nakababatang kapatid na matuto kung paano aralin ang mga banal na kasulatan (espirituwal), pagtuturo ng mga konsepto sa matematika sa aking mga kaibigan sa klase (edukasyon), o pag-imbita sa aking mga kaibigan na mag-ehersisyo kasama ko (pisikal).

    Pagkatapos ng sapat na oras para kumpletuhin ng mga estudyante ang aktibidad, anyayahan silang ibahagi ang isinulat nila sa kanilang mga oxygen mask. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng natutuhan nila sa mga estudyante na nakatuon sa ibang mga aspekto ng self-reliance. Bilang bahagi ng pagbabahagi, maaari mong anyayahan ang isang estudyante na basahin ang Mga Kawikaan 28:27, at alamin ang pangako para sa mga nagbibigay sa ibang tao. (Tandaan: ang salitang dukha ay maaaring gamitin sa lahat ng aspekto ng self-reliance, hindi lamang sa pinansyal.)

    • Sa paanong paraan nakatulong sa ibang tao ang inyong mga pagsisikap na maging self-reliant? Paano iyon nakatulong sa inyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, tulungan silang matanto na hindi nila kailangang maging perpekto sa pagiging self-reliant sa anumang aspekto para tumulong sa ibang tao.

Pagtulong sa iba tulad ng gagawin ng Tagapagligtas

Layunin ng sumusunod na aktibidad na bigyan ng panahon ang mga estudyante na pag-isipan kung paanong ang mga pagsisikap nila na maging self-reliant ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na matulungan ang iba.

Isulat ang mga sumusunod na hindi kumpletong pahayag sa inyong study journal:

  • Nagkakaroon ako ng self-reliance sa pamamagitan ng …

  • Ang ilang paraan upang matulungan ko ang ibang tao sa aspektong ito ay …

Hingin ang tulong ng Espiritu Santo para kumpletuhin ang parehong pahayag.

Anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging pag-isipan kung ano ang maaari nilang gawin. Maaaring kabilang dito ang pagtukoy sa isang partikular na tao na gusto nilang tulungan at kung paano sila makatutulong.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila. Bilang follow-up na tanong, maaari mong itanong sa mga estudyante ang sumusunod:

  • Paano kayo natutulungan ng pangangalaga sa ibang tao na mas maging katulad ng Tagapagligtas?

Tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa kung paano mo nagawang tulungan ang iba dahil sa pagiging self-reliant mo. Anyayahan ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga pahiwatig na maaaring natanggap nila para tulungan ang ibang tao tulad ng gagawin ni Jesucristo.