“Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources: Paggamit ng mga Alituntunin ng Panginoon sa Paggawa ng mga Desisyon sa Pananalapi,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources: Paggamit ng mga Alituntunin ng Panginoon sa Paggawa ng mga Desisyon sa Pananalapi,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Lesson 179
Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources
Paggamit ng mga Alituntunin ng Panginoon sa Paggawa ng mga Desisyon sa Pananalapi
Itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang Panginoon ay nakatuon sa maliliit na detalye ng ating buhay” (“Sa Banal na Plano,” Liahona, Nob. 2017, 56). Kabilang dito ang ating mga desisyon sa pananalapi. Ang pag-alam kung paano isali ang Panginoon sa ating mga desisyon tungkol sa pera ay makatutulong sa atin na mas maging self-reliant. Makatutulong ang lesson na ito sa mga estudyante na gamitin ang mga inspiradong alituntunin para pamahalaan ang mga desisyon sa pananalapi sa paraan ng Panginoon.
Paghahanda ng estudyante: Bago ituro ang lesson na ito, maaari mong ipakita sa pisara ang “Mapa para sa Matagumpay na Pamamahala sa Pananalapi” at anyayahan ang mga estudyante na kunan ito ng larawan gamit ang kanilang mga telepono. Maaari mo ring ipamahagi ang mga papel na kopya nito sa mga estudyante.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga desisyon sa pananalapi
(Tandaan: Maaaring ituro ang lesson na ito kasabay ng Lesson 158: “Malakias 3,” na naglalaman ng mga aktibidad sa pag-aaral upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang batas ng ikapu ng Panginoon.)
Bago magsimula ang klase, maaari mong idrowing o ipakita ang sumusunod na chart sa pisara.
|
Mahahalagang Desisyon sa Pananalapi |
Mga Alalahanin sa Paggawa ng mga Desisyong Ito |
Anyayahan ang mga estudyante na pumunta sa pisara at punan ang chart habang isinasaalang-alang nila ang mga desisyon sa pananalapi na gagawin nila sa susunod na 5 hanggang 10 taon. Habang ginagawa ito ng mga estudyante, maaari kang maglakad-lakad sa klase at hikayatin silang magbahagi sa iyo ng kanilang mga ideya o isulat ito sa pisara.
Kabilang sa mga desisyong maaaring ilista ng mga estudyante ang pagbabayad para sa edukasyon at misyon, paglalaan para sa pamilya, o pagbili o pag-upa ng tirahan. Maaaring kabilang sa mga alalahanin ang kakulangan ng pera, hindi alam kung paano magbadyet, pag-alis sa trabaho para magmisyon, o pag-alam kung sino ang pagkakatiwalaan kapag gumagawa ng mga desisyon sa pananalapi.
Isipin ang ilan sa mahahalagang desisyon sa pananalapi na kinakaharap ninyo o kakaharapin ninyo sa lalong madaling panahon habang pinag-iisipan ninyo ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang mga tanong ninyo tungkol sa kung paano matatanggap ang tulong ng Panginoon sa mga desisyong ito?
-
Ano na ang nasubukan ninyo noon na nakatulong? Ano ang hindi nakatulong?
Kapag madali nating nadarama ang impresyon mula sa Espiritu Santo, maipapakita sa atin ng Ama sa Langit kung paano gumawa ng matatalinong desisyon sa pananalapi sa buong buhay natin. Maging bukas sa mga impresyon na ito habang nag-aaral kayo ngayon.
Paggawa ng mga desisyon sa pananalapi sa paraan ng Panginoon
Nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na gabayan tayo sa lahat ng aspekto ng ating buhay. Kabilang dito ang ating mga desisyon sa pananalapi. Binigyan Nila tayo ng tagubilin sa mga banal na kasulatan na makatutulong sa atin na gumawa ng matatalinong desisyon sa pananalapi.
Isulat ang sumusunod sa itaas ng isang pahina ng inyong study journal: Makagagawa ako ng mga desisyon sa pananalapi sa paraan ng Panginoon sa pamamagitan ng …
Basahin ang tatlo sa mga sumusunod na scripture reference. Kumpletuhin ang katotohanan sa inyong study journal gamit ang natutuhan ninyo mula sa mga banal na kasulatan.
-
Genesis 41:46–49, 53–57 (Inatasan ng Faraon si Jose na pangasiwaan ang produksyon ng butil sa Ehipto sa mga taon ng kasaganaan upang maghanda para sa ipinropesiyang mga taon ng taggutom.)
-
Deuteronomio 15:7–8
-
Mga Awit 24:1
-
Malakias 3:8–11
Pagkatapos pag-aralan ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, anyayahan silang ibahagi ang kanilang natutuhan. Ang isang paraan para magawa ito ay ipakita ang “Mapa para sa Matagumpay na Pangangasiwa sa Pananalapi” sa pisara. Maaaring isulat ng mga estudyante ang natutuhan nila at ang mga talata kung saan nila natutuhan ito sa tabi ng bahagi ng mapa kung saan sa tingin nila pinakaangkop itong ilagay.
Bilang alternatibo, maaari kang gumawa ng pangatlong column sa chart sa pisara na pinamagatang Ang Paraan ng Panginoon at anyayahan ang mga estudyante na isulat ang nalaman nila.
Maaari mong bigyang-diin ang mga katotohanang pinakanauugnay sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Ang mga sumusunod ay mga posibleng paraan para kumpletuhin ang pahayag:
… pag-iimpok ng pinansyal na resources para maghanda sa mahihirap na panahon (Genesis 41:46–49, 53–57).
… pagtulong sa ibang nangangailangan (Deuteronomio 15:7–8).
… pag-alaala na lahat ng mayroon tayo ay nagmumula sa Panginoon (Mga Awit 24:1).
… pagsunod sa batas ng ikapu ng Panginoon (Malakias 3:8–11).
… paghahangad ng kaharian ng Diyos kaysa kayamanan (Jacob 2:18–19).
… pagbabayad ng utang (Doktrina at mga Tipan 104:78).
-
Paano makatutulong sa inyo ang natutuhan ninyo mula sa mga banal na kasulatan na gumawa ng mga desisyon sa pananalapi sa paraan ng Panginoon?
Pag-una sa ating mga gastusin
Iniakma ang sumusunod na aktibidad upang tulungan ang mga estudyante na magsanay sa paggamit ng mga inspiradong katotohanan na natukoy nila sa paggawa ng mga desisyon sa pananalapi. Para magawa ito, maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga grupo na may tig-aapat na miyembro at bigyan ang bawat grupo ng handout na pinamagatang “Paggawa ng mga Desisyon sa Pananalapi sa Paraan ng Panginoon.” Bigyan ang bawat estudyante sa grupo ng isa sa mga profile ng handout; bawat profile ay may saklaw na edad o age-range.
Ipakita ang sumusunod na sitwasyon at mga tagubilin. Bukod pa sa pag-una ng mga estudyante sa mga gastusin ni Elizabeth, maaari kang magbigay sa mga estudyante ng halaga ng perang kinikita ni Elizabeth sa bawat age-range na ibinigay sa handout. Maaaring magsanay ang mga estudyante sa pagbabadyet ng ibinigay na gastusin batay sa kanyang magagamit na badyet.
Bilang alternatibo, maaari mong ilagay ang mga estudyante sa maliliit na grupo at anyayahan silang gawin ang aktibidad gamit ang nakasulat sa ilalim ng Mahahalagang Desisyon sa Pananalapi sa chart sa pisara.
Si Elizabeth, na isang babae sa inyong branch, ay nagsimulang magtrabaho sa isang entry-level na posisyon sa isang restaurant noong siya ay 16 na taong gulang. Sa paglipas ng mga taon, nagsumikap siya at naging manager siya ng restaurant. Habang papalapit siya sa pagreretiro, nakabili at nakapagpatakbo siya ng sarili niyang restaurant.
-
Lagyan ng numero ang “mga posibleng gastusin” ayon sa pagkakasunud-sunod na irerekomenda mo na dapat unahin ni Elizabeth.
-
Sa tabi ng dalawang magkaibang gastusin, magsulat ng scripture reference na inyong pinag-aralan na nakatulong sa paggabay sa inyo kung paano ninyo inuna ang mga gastusin.
-
Maghandang ipaliwanag kung paano nakatulong sa inyo ang mga katotohanang natutuhan ninyo sa mga banal na kasulatan para gumawa ng mga desisyon sa kung paano ninyo inuna ang mga gastusin.
Kung makatutulong, maaari kang magbigay ng ilang halimbawa sa mga estudyante. Halimbawa, maaari mong ipaliwanag na ang pag-una sa pag-impok ng pera o savings ay isang paraan para maghanda sa mahihirap na panahon, tulad ng ipinayo ng Panginoon (tingnan sa Genesis 41:46–49, 53–57), o ang pag-alaala na ang lahat ng mayroon tayo ay nagmumula sa Panginoon (tingnan sa Mga Awit 24:1) ay makatutulong sa atin na unahin ang pagbabayad ng ikapu.
Bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi sa iba kung paano nila inuna ang mga gastusin ayon sa mga alituntunin ng Panginoon.
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano sila tinulungan ng Panginoon o ang iba pang kakilala nila sa paggawa nila ng mga desisyon sa pananalapi sa Kanyang paraan. Kung makatutulong, maaari mong panoorin ang “Mga Dungawan sa Langit,” na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, mula time code 0:39 hanggang 2:22. Ibinahagi ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano pinagpala ang pamilya ng kanyang asawa nang unahin nila ang pagbayad ng kanilang ikapu.
Isali ang Panginoon sa aking mga desisyon sa pananalapi
Bigyan ng oras ang mga estudyante para pag-isipan ang mga paraan kung paano nila maisasali ang Panginoon sa paggawa ng mga desisyon sa pananalapi. Ang isang paraan upang matulungan silang gawin ito ay ipakita ang sumusunod na pahayag bago sagutin ng mga estudyante ang mga kalakip na tanong.
Ibinahagi ni Bishop L. Todd Budge ng Presiding Bishopric:
Ang natuklasan ko sa sarili kong buhay ay na maaari ko ring ipagdasal ang aking mga temporal na gawain. Maaari kong ipagdasal ang aking pananalapi. Maaari kong ipagdasal kung bibilhin ko ba ang bahay na ito o ang bahay na iyon o kung mamumuhunan ba ako sa bagay na ito o sa bagay na iyon. Dapat nating isali ang Panginoon hindi lamang sa espirituwal na bahagi ng ating buhay kundi maging sa mga temporal na bagay sa ating buhay. (“4 na Alituntuning Maaari Nating Matutuhan mula sa Paraan ng Pagkilos ng Presiding Bishopric,” Liahona, Peb. 2024, 14)
Pag-isipan ang mga desisyon sa pananalapi na kailangan ninyong gawin ngayon o sa malapit na hinaharap. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong study journal:
-
Anong mga alituntunin ang makatutulong sa inyo na gawin ang mga desisyon sa pananalapi na ito sa paraan ng Panginoon?
-
Paano kayo inihahanda ng pagsasabuhay ng mga alituntuning ito sa pananalapi upang mapaglingkuran ang Diyos at ang ibang tao?
Maaari kang magbahagi ng maikling halimbawa mula sa iyong buhay kung paano mo ginamit ang natutuhan ng mga estudyante ngayon para gumawa ng desisyon sa pananalapi. Maaari mo ring ibahagi ang itinuro sa iyo ng karanasang iyon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.