“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Buod
Ang self-reliance ay “ang kakayahan, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang espirituwal at temporal na mga pangangailangan sa buhay para sa sarili at sa pamilya” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 22.0, Gospel Library). Kapag sumasampalataya tayo kay Jesucristo, tutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na maging self-reliant sa lahat ng aspekto ng ating buhay at magagawa nating mas mapangalagaan at matulungan ang iba.
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaaring pinakaepektibong ituro ang mga lesson na ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito sa dokumentong ito. Ituturo ng unang dalawang lesson ang mga alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance sa mga estudyante at makatutulong ang mga ito para mas maunawaan nila ang huling dalawang lesson. Ang pagtuturo sa unang dalawa sa mga lesson na ito sa simula ng taon ay makatutulong din na maihanda ang mga estudyante na maunawaan ang mga alituntunin na pag-aaralan nila sa lesson na “Pisikal at Emosyonal na Kalusugan,” “Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap,” at “Pagtatagumpay sa Paaralan.”
Bukod pa rito, tatlo sa mga lesson tungkol sa self-reliance ang gumagamit ng mga bahagi ng kuwento tungkol kay Jose ng Ehipto na matatagpuan sa Genesis 37–47. Depende sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at iba pang pagsasaalang-alang sa takbo ng pagtuturo, maaari mong piliing ituro ang ilan sa mga lesson na ito sa self-reliance kasabay ng mga lesson sa Lumang Tipan na sumasaklaw sa magkakaparehong kuwento. Tingnan sa “Training para sa Paggawa ng Pacing Guide” para sa higit pang tulong sa paggawa ng mga desisyon sa takbo ng pagtuturo para sa mga lesson sa Paghahanda para sa Buhay.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance sa Paraan ng Panginoon
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit mahalagang maging self-reliant sa plano ng Ama sa Langit para sa atin.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong hilingin sa mga estudyante na gawin nang mag-isa ang isang bagay na ginawa ng iba para sa kanila noon. Halimbawa, maaari silang maghanda ng pagkain, maglaba, magbayad para sa isang bagay na karaniwang binabayaran ng kanilang mga magulang, o mag-ayos ng isang bagay sa kanilang bahay.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng mga pahayag mula kay Bishop Waddell at Mga Paksa at Mga Tanong na ibibigay sa dalawang estudyante
-
Larawan: Larawan ng isang inakay
-
Nilalaman na ipapakita: Mga pahayag ni Bishop Waddell at ng Mga Paksa at Mga Tanong; mga tagubilin at tanong para sa self-assessment; mga tagubilin, scripture reference, at mga tanong para sa aktibidad ng grupo
-
Mga Video: “All I Needed” (1:44)
Pananampalataya kay Jesucristo upang Magkaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Tandaan: Ginagamit ng lesson na ito ang ilang bahagi ng kuwento tungkol kay Jose ng Ehipto na matatagpuan sa Genesis 39–41. Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng Lesson 33: “Genesis 37–41.” Pag-aaralan ng mga estudyante ang marami sa magkakaparehong talata sa banal na kasulatan sa dalawang lesson na ito.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na manampalataya na pagpapalain sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa kanilang pagsisikap na maging self-reliant.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat ang mga balakid na nagpapahirap para maging self-reliant sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na aspekto:
-
Kaalaman sa ebanghelyo
-
Mga pangangailangan sa pananalapi sa kasalukuyan at hinaharap
-
Edukasyon at trabaho
-
Mga pangangailangang pisikal
-
Mga pangangailangang emosyonal at panlipunan
-
-
Nilalaman na ipapakita: Self-assessment ng estudyante, kabilang ang mga tagubilin at kategorya
-
Mga Video: “I Will Provide for My Saints” (3:08) mula sa time code na 0:00 hanggang 1:52
-
Handout: “Manampalataya upang Magkaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance”
Matalinong Pamamahala ng Pinansyal na Resources
Tandaan: Ginagamit ng lesson na ito ang ilang bahagi ng kuwento tungkol kay Jose ng Ehipto na matatagpuan sa Genesis 41 na hindi pinag-aralan sa Lesson 33: “Genesis 37–41.” Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo sa Lesson 33 para bigyan ang mga estudyante ng karagdagang pang-unawa tungkol sa salaysay na ito sa banal na kasulatan.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga inspiradong alituntunin sa pangangasiwa ng mga desisyon sa pananalapi sa paraan ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Bago ituro ang lesson na ito, maaari mong ipakita sa pisara ang “Mapa para sa Matagumpay na Pamamahala sa Pananalapi” at anyayahan ang mga estudyante na kunan ito ng larawan gamit ang kanilang mga telepono. Maaari mo ring ipamahagi ang mga papel na kopya nito sa mga estudyante.
-
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mapa at isipin kung paano makatutulong sa kanila na isali ang Panginoon sa pamamahala ng kanilang pinansyal na mga resource. Papasukin sila sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila.
-
-
Nilalaman na ipapakita: Chart tungkol sa mga desisyon sa pananalapi; ang “Mapa para sa Matagumpay na Pamamahala sa Pananalapi”; pahayag mula kay Bishop L. Todd Budge
-
Handout: “Paggawa ng mga Desisyon sa Pananalapi sa Paraan ng Panginoon”
-
Mga Video: “Mga Dungawan sa Langit” (16:55) mula sa time code na 0:39 hanggang 2:22
Paglalaan para sa Ating Sarili at Pangangalaga sa mga Nangangailangan
Tandaan: Ginagamit ng lesson na ito ang ilang bahagi ng kuwento tungkol kay Jose ng Ehipto na matatagpuan sa Genesis 45; 47. Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng pagtuturo mo ng Lesson 35: “Genesis 42–45.”
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga paraan kung paanong ang pagiging self-reliant nila ay makatutulong sa iba tulad ng gagawin ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan o basahin ang mga titik ng himnong ”Isang Taong Manlalakbay” (Mga Himno, blg. 22). Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang iba gaya ng gagawin ni Jesus.
-
Larawan: Larawan ng mga oxygen mask ng eroplano
-
Mga Video: “Joseph Smith” (14:49) mula sa time code na 9:38 hanggang 10:20
-
Nilalaman na ipapakita: Larawan ng oxygen mask na idodrowing ng mga estudyante; mga tagubilin sa aktibidad ng estudyante