Seminary
Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Buod


“Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Buod,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Buod,“ Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap

Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap

Buod

Paulit-ulit na binibigyang-diin ng mga propeta ang kahalagahan ng temporal at espirituwal na edukasyon. Ang pagbibigay-diin na ito ay nauukol sa mga kabataan bilang isang paraan ng paghahanda para sa mga oportunidad at hamon. Ang mga lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng panghabambuhay na temporal at espirituwal na pagkatuto at gumawa ng plano para sa kanilang edukasyon at trabaho sa hinaharap.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito sa simula ng school year. Ang paggawa nito ay maaaring makatulong sa mga estudyante na makita ang kahalagahan ng kanilang mga pagsisikap sa pag-aaral sa buong taon.

  • Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng espirituwal at temporal na edukasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang isang bagay na gusto nilang matutuhan at kung paano sila nagkaroon ng ganoong interes. Maaari din nilang pagnilayan kung paano naging mahalaga sa kanila ang pag-aaral tungkol sa interes na ito.

  • Nilalaman na ipapakita: Dalawang imbudong nakaharap sa magkasalungat na direksyon; mga pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson at Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili

  • Mga Video:Education for a Better Life” (4:55); “Love of Learning” (2:57)

  • Handout:Kahalagahan ng Edukasyon

Edukasyon para sa Buong Kaluluwa

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Kung mayroon kang mga estudyanteng nasa kanilang huling taon sa high school o paaralang sekondarya, mas mainam na ituro ang lesson na ito bago sila magsimulang mag-apply para sa pag-aaral sa kolehiyo at mga opsyon pagkatapos ng sekondarya. Halimbawa, ang priyoridad na deadline para mag-apply para sa semestre sa taglagas sa BYU ay sa simula ng Nobyembre. Para sa BYU–Idaho at BYU–Hawaii, ang priyoridad na deadline para sa semester sa taglagas ay sa simula ng Pebrero.

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na gumawa ng planong ipagpatuloy ang kanilang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon pagkatapos ng sekondarya.

Pagdaig sa mga Balakid sa Patuloy na Pag-aaral

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang lesson na ito ay hango sa salaysay tungkol kay Josue at sa mga anak ni Israel na nagsitawid sa Ilog Jordan (Josue 3). Maaari mong ituro ang lesson na ito kasabay ng iyong pagtuturo ng Lesson 62: “Josue 2–4.”

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na matukoy ang resources upang madaig ang mga balakid sa patuloy na pag-aaral nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga balakid na maaaring makahadlang sa mga tinedyer sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral pagkatapos ng high school. Papuntahin silang handang ibahagi sa klase ang kanilang listahan.

  • Nilalaman na ipapakita: Isang larawan ng tinedyer na nakatanaw sa kabilang dako ng ilog sa isang representasyon ng edukasyon sa hinaharap

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Maliliit na piraso ng papel kung saan maaaring magsulat ng mga sitwasyon ang mga estudyante

  • Video:Elder and Sister Gilbert’s Comments” (6:20; mula sa time code na 3:25 hanggang 5:48)

  • Handout:Gabay na Resource sa Pagdaig sa mga Balakid sa Pagpapatuloy ng Edukasyon

Paghahanap ng Mentor

Layunin ng lesson: Upang tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano upang matukoy at makaugnayan ang mga potensyal na mentor sa edukasyon at propesyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mithiin sa edukasyon at propesyon sa kasalukuyan at hinaharap. Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng ilang pinagkakatiwalaang adult na maaaring magsilbing huwaran o mentor para tulungan silang makamit ang mga mithiing ito at dalhin ang kanilang listahan sa klase.

  • Nilalaman na ipapakita: Isang larawan ng mga tao sa gubat

  • Handout:Paghahanap ng Mentor