“Edukasyon para sa Buong Kaluluwa: Pag-una sa Edukasyon ng Isipan at Espiritu,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Edukasyon para sa Buong Kaluluwa: Pag-una sa Edukasyon ng Isipan at Espiritu,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Lesson 189
Edukasyon para sa Buong Kaluluwa
Pag-una sa Edukasyon ng Isipan at Espiritu
Hinihikayat tayo ng Panginoon na unahin pareho ang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon sa ating buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:77–80). Ang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon ay maaaring magpahusay sa ating kakayahang maglingkod sa Diyos at sa iba at maging self-reliant. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gumawa ng plano para ipagpatuloy ang kanilang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon pagkatapos ng sekondarya.
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumunta sa klase na handang magbahagi ng hindi bababa sa dalawang posibleng opsyon na pinag-iisipan nilang gagawin nila pagkatapos ng high school.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pag-una sa edukasyon
Magdrowing ng stick figure sa pisara. Huwag mag-atubiling idagdag o ayusin ang mga detalye ng sitwasyon upang mas maiugnay ng mga estudyante ang kanilang sarili rito.
Gusto ni Reggie na ituloy ang buhay pagkatapos ng high school sa pamamagitan ng paghinto sa kanyang pag-aaral. Gusto niyang gumugol ng mas maraming oras sa kanyang kasalukuyang trabaho. Bago gumawa ng kanyang huling desisyon, nagpasiya siyang isaalang-alang ang mga makabubuti at ang mga makasasama sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.
-
Ano ang maaaring ilan sa mga makabubuti na maililista ni Reggie para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral?
-
Ano ang maaaring ilan sa mga makasasama?
Maaaring magsimulang gumawa ng listahan ang mga estudyante nang may kapartner o sa maliit na grupo. Maaari mong isulat sa pisara ang Mga Makabubuti at Mga Makasasama at anyayahan ang mga estudyante na isulat sa pisara ang mga sagot na maiisip nila. Kung itinuro mo kamakailan ang Lesson 188, “Ang Kahalagahan ng Edukasyon,” maaari mong ipaalala sa mga estudyante ang tinalakay nila sa object lesson na imbudo. Maaaring patuloy na magdagdag ang mga estudyante sa listahang ito sa buong lesson.
Sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon
Binigyang-diin ng mga lider ng Simbahan ang kahalagahan ng edukasyon para sa lahat ng mga anak ng Diyos. Parehong binibigyang-diin ng mga lider ng Simbahan ang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon.
Isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pangungusap sa ilalim ng Mga Makabubuti at anyayahan ang mga estudyante na isulat ito sa kanilang journal.
Ang pagpupursigi sa sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon ay tumutulong sa ating …
Basahin ang sumusunod na pahayag at maghanap ng iba’t ibang paraan kung paano ninyo makukumpleto ang pangungusap.
Itinuro ni Elder Clark G. Gilbert ng Pitumpu:
Alam mo ba kung bakit napakaraming resources ang ipinupuhunan ng Simbahan sa edukasyon? Dahil iyan sa pagmamahal ng Panginoon sa iyo. Nais Niyang mas mapalapit ka sa Kanya at makasumpong ng emosyonal, intelektuwal, at espirituwal na lakas. Iyon din ang gustong mangyari ng mga pinuno ng Simbahan! Ipinagdarasal ka namin at ang iyong tagumpay. Nakatuon kami sa iyo at sa pagtulong sa iyo na maabot ang iyong banal na potensyal. (“Edukasyon sa Simbahan: May Lugar para sa Lahat,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Oktubre 2023, 18)
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila at ilista sa pisara ang kanilang mga sagot. Maaaring kabilang sa mga sagot ng mga estudyante ang:
… mapalapit sa Panginoon.
… tumanggap ng lakas mula sa Diyos.
… maabot ang aking banal na potensyal.
-
Bakit kakailanganin ang kapwa sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon para maanyayahan ang mga pagpapalang ito mula sa Panginoon?
Sekular na edukasyon
Maaari kang magdrowing sa pisara ng dalawang aklat gaya ng sumusunod. Lagyan ng label na “Sekular” ang una at ang pangalawa ng “Panrelihiyon.” Anyayahan ang mga estudyante na magdrowing ng mga katulad na aklat sa kanilang study journal.
Sa ilalim ng aklat na may label na “Sekular,” anyayahan ang mga estudyante na ilista ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gumawa nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.
-
Ano ang mga opsyon na mayroon kayo para sa sekular na edukasyon pagkatapos ng high school?
Maaari kang magbahagi ng mga karagdagang opsyon na hindi binanggit ng mga estudyante tulad ng online na pag-aaral, community college, mga trade school, mga oportunidad sa apprenticeship, on-the-job-training, at iba pa.
-
Anong mga opsyon ang makukuha sa pamamagitan ng Sistemang Pang-edukasyon ng Simbahan (Church Educational System o CES)?
Para ipakilala sa mga estudyante ang mga opsyon sa CES, maaari mong ipalabas ang video na “The Growth and Momentum of the Church Educational System” (5:25) na nagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa ilan sa mga opsyong ito. Makikita ang video na ito sa Newsroom.ChurchofJesusChrist.org.
Idagdag sa listahan sa pisara ang mga opsyong ito. Maaari ding magdagdag ang mga estudyante sa kanilang listahan sa journal nila.
Maaari mong ipamahagi ang handout na “Mga Opsyon sa Sistemang Pang-edukasyon ng Simbahan” at hayaan ang mga estudyante na matuto nang higit pa tungkol sa mga opsyon na interesado nilang malaman. (Tatalakayin ang institute sa susunod na bahagi.) Para sa mga estudyante na malapit nang magtapos, maaari kang magpakita ng mga deadline ng aplikasyon para sa mga paaralan ng CES, na makikita sa Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral ng lesson na ito sa Gospel Library.
Bago lumipat sa susunod na bahagi ng lesson, maaaring maging kapaki-pakinabang na anyayahan ang mga estudyante na itanong ang nais nilang itanong tungkol sa iba’t ibang institusyon ng CES.
Edukasyong panrelihiyon
-
Anong opsyon sa edukasyong panrelihiyon ang mayroon para sa bawat nakalistang opsyon sa sekular na edukasyon?
Para sa bawat item na nakalista sa ilalim ng sekular na edukasyon, ipalista sa mga estudyante ang isang opsyon sa edukasyong panrelihiyon na maaaring maging kasama nito. Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na ang bawat isa sa mga paaralan ng CES ay may edukasyong panrelihiyon bilang bahagi ng kanilang kinakailangang kurikulum. Maaaring isulat ng mga estudyante ang mga panrelihiyong klase sa tabi ng linya ng alinman sa mga paaralan ng CES.
Kung hindi ito binanggit ng mga estudyante, ipasulat sa kanila ang institute sa tabi ng anupamang opsyon na nakalista sa sekular na edukasyon. Kung kinakailangan, ipaliwanag na para sa mga hindi pumapasok sa paaralan ng CES, ang institute ay isang lugar kung saan makakakuha ang sinumang young adult (18–35 taong gulang), saanman sa mundo, ng mga klase sa edukasyong panrelihiyon nang walang bayad.
Mag-isip ng mga paraan na matutulungan mo ang mga estudyante sa seminary na makita kung paano sila matutulungan ng pagdalo sa institute sa hinaharap. Ang pagtalakay sa sitwasyong ito at ang ilan sa mga sumusunod na tanong ay isang paraan na magagawa mo ito.
Ipagpalagay na nagpasiya si Reggie na mag-aral pa pagkatapos ng high school sa isang trade school at pinag-iisipan niya kung dapat din siyang pumasok sa institute.
-
Ano ang maaaring maging mga dahilan ni Reggie sa hindi pagpasok sa institute?
-
Paano nakatulong sa inyo ang seminary habang pumapasok kayo sa paaralan?
-
Paano makakatulong kay Reggie ang patuloy na pagkatuto tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang nag-aaral sa isang trade school?
Ipanood ang video na “Personal Invitation to Attend Institute” (2:44), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org. Anyayahan ang mga estudyante na alamin ang mga pagpapalang ipinapangako sa pagpasok sa institute. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na magbasa sa handout ng tungkol sa institute.
2:51Maaari kang magdagdag ng mga ideya sa listahan sa pisara sa ilalim ng Mga Makabubuti na ibinabahagi ng mga estudyante bilang bahagi ng talakayang ito.
-
Anong mga pagpapala ang tumatak sa isipan ninnyo mula sa mga ipinangako ni Pangulong Nelson sa pagpasok sa institute?
-
Mula sa inyong natalakay, ano sa palagay ninyo ang maaaring makahikayat kay Reggie na pumasok sa institute?
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makahanap ng institute pagkatapos ng high school saanman sila naninirahan sa pamamagitan ng pagpunta sa myinstitute.ChurchofJesusChrist.org/findInstitute. Maaaring pumili ng ilang opsyon sa edukasyon na binanggit kanina sa ilalim ng unang aklat. Tukuyin ang lokasyon ng mga opsyong iyon at ilagay ang lungsod sa website upang ipakita kung paano hanapin at paano magparehistro sa institute. Maaari mo ring ipakita kung paano maghanap ng online na institute sa link ding iyon.
Gumawa ng plano
Ibahagi sa mga estudyante na magtatapos man sila sa high school ngayong taon o hindi, maaari silang makinabang sa paggawa ng plano para sa kanilang sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon. Upang tulungan ang mga estudyanteng gumawa ng plano, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin at tanong. Anyayahan silang sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.
Gamit ang mga tanong sa ibaba upang gabayan kayo, gumawa ng plano para sa inyong sekular na edukasyon at edukasyong panrelihiyon sa hinaharap. Humingi ng patnubay mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo habang pinagninilayan at isinusulat ninyo ang inyong mga sagot.
-
Anong mga mithiin sa hinaharap ang mayroon kayo?
-
Anong mga pagpili na may kaugnayan sa edukasyong ang tutulong sa inyong maisakatuparan ang mga mithiing iyon?
-
Anong mga plano ang magagawa ninyo para sa inyong edukasyong panrelihiyon sa susunod na taon? sa mga susunod pang taon?
Kadalasan ay nakakatulong sa mga estudyante ang makarinig ng mga ideya mula sa iba pang mga estudyante. Maaari mong anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi ang kanilang plano.
Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay-priyoridad sa sekular at panrelihiyong pagkatuto sa buong buhay.