Seminary
Ang Kahalagahan ng Edukasyon: Temporal at Espirituwal na Pagpapala ng Edukasyon


“Ang Kahalagahan ng Edukasyon: Temporal at Espirituwal na Pagpapala ng Edukasyon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Ang Kahalagahan ng Edukasyon: Temporal at Espirituwal na Pagpapala ng Edukasyon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Lesson 188

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Temporal at Espirituwal na Pagpapala ng Edukasyon

A classroom of high school students

Bagama’t napakahirap magtamo ng edukasyon, ang sakripisyo at pagsisikap ay sulit. Hindi lamang pagpapalain ng edukasyon ang ating buhay at ng mga nasa paligid natin, inihahanda rin tayo nito na maging mas mabuting kasangkapan sa pagsasakatuparan ng gawain ng Panginoon. Ang lesson na ito ay makakatulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng edukasyon sa kapwa temporal at espirituwal na aspekto.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang isang bagay na gusto nilang matutuhan at kung paano sila nagkaroon ng ganoong interes. Maaari din nilang pagnilayan kung paano naging mahalaga sa kanila ang pag-aaral tungkol sa interes na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Kalayaan o limitasyon

Maaari kang magdrowing sa pisara ng dalawang imbudo, tulad ng ipinapakita sa ibaba. Maaaring idrowing din ng mga estudyante sa kanilang study journal ang mga imbudong ito. Maaari ka ring magdala ng imbudo sa klase o gumawa ng simpleng imbudo mula sa papel.

Anyayahan ang mga estudyante na ituro ang isang dulo ng imbudo na mukhang mas makitid at ang kabilang dulo na mukhang mas bukas o malaya. Pagkatapos ay isulat ang Pagtatamo ng Edukasyon sa itaas ng unang larawan.

Culinary funnel

Isipin na kunwari ay kumakatawan ang makitid na bahagi ng imbudong ito sa pagtatamo ng edukasyon.

  • Sa anong mga paraan tila nagdudulot ng restriksyon o limitasyon sa una ang pagtatamo ng edukasyon sa ilang tao?

  • Ano ang maaaring inilalarawan ng mas malawak na ibabang bahagi ng imbudo? Bakit?

Maaaring ipaliwanag ng mga estudyante na bagama’t ang pagtatamo ng edukasyon ay nangangailangan ng maraming pagsisikap, disiplina, at sakripisyo, maaari itong humantong sa mga pagpapala mula sa Panginoon, kabilang ang dagdag na kalayaan, oportunidad, at paglago.

Isulat ang Pinipiling Hindi Magtamo ng Edukasyon sa itaas ng pangalawang larawan.

Ngayon, isipin na kumakatawan kunwari ang mas malawak na bahagi ng imbudong ito sa pinipiling hindi magtamo ng edukasyon.

  • Ano ang maaaring katawanin ng mas makitid na bahagi ng imbudo? Bakit?

Maaaring ipaliwanag ng mga estudyante na ang pagpiling hindi magsikap na magtamo ng edukasyon ay maaaring tila nakapagpapalaya sa simula, pero maaari itong humantong sa kalayaan, oportunidad, at paglago na may restriksyon o limitasyon.

Pagnilayan ang mga sumusunod na tanong:

  • Gaano kahalaga ang edukasyon para sa inyo? Bakit?

  • Paano maaaring makaapekto sa inyo at sa mga taong nasa paligid ninyo ang piliing magtamo o hindi magtamo ng edukasyon?

Matutulungan kayo ng Espiritu Santo na makilala ang mga mensaheng para lamang sa inyo. Habang may natututuhan kayo tungkol sa edukasyon, pagtuunan ang mga impresyon na maaaring makatulong sa inyong mga mithiin sa edukasyon at buhay.

Matuto palagi

Ipakita ang mga sumusunod na pahayag. Maaari mong ipamahagi ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan sa bawat estudyante, o anyayahan silang hanapin ito sa Gospel Library app.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ng bawat isa ang mga pahayag pagkatapos ay talakayin ang mga kasunod na tanong sa maliliit na grupo.

Basahin ang mga sumusunod na pahayag, at alamin kung ano ang natututuhan ninyo tungkol sa pagkatuto at edukasyon.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Inaasahan ng ating Tagapaglikha na magtatamo ng edukasyon ang Kanyang mga anak sa buong mundo bilang isang personal na pagsisikap. (“Education—A Religious Responsibility” [Debosyonal sa Brigham Young University–Idaho, Ene. 26, 2010], byui.edu)

Ipinapaliwanag sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili:

Nais ng Ama sa Langit na laging natututo ang Kanyang mga anak na babae at lalaki. Mayroon kayo ng kapwa temporal at espirituwal na mga dahilan para hangarin at gustuhing matuto. Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkita ng pera. Bahagi ng inyong walang-hanggang mithiin ang maging higit na katulad ng Ama sa Langit. …

Matuto palagi. Humanap ng mga pagkakataong palawakin ang inyong isipan at mga kasanayan. Maaaring kabilang sa mga pagkakataong ito ang pormal na edukasyon sa paaralan o vocational training pati na rin ang di-pormal na pagkatuto mula sa sources na pinagkakatiwalaan ninyo. Isali ang Panginoon sa inyong mga pagsisikap, at gagabayan Niya kayo. Habang nalalaman ninyo ang tungkol sa mundo sa inyong paligid, alamin din ang tungkol sa Tagapagligtas, na lumikha ng mundo. Pag-aralan ang Kanyang buhay at mga turo. Gawing bahagi ng inyong habambuhay na pagkatuto ang seminary, institute, at personal na pag-aaral ng ebanghelyo. …

Ang edukasyon ay nagdaragdag sa kakayahan ninyong maglingkod sa Panginoon. Tinutulutan kayo nitong pagpalain ang iba, lalo na ang inyong pamilya. Habang lalo kayong natututo, lalo kayong makakatulong na itayo ang kaharian ng Diyos at impluwensyahan ang mundo sa kabutihan. (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili [2022], 31–32)

  • Aling mga parirala mula sa mga pahayag na ito ang pinakamakabuluhan sa inyo? Bakit?

  • Anong mga walang-hanggang katotohanan ang matututuhan natin sa mga pahayag na ito?

    Itala ang mga katotohanang ibinabahagi ng mga estudyante sa tabi ng unang imbudo sa pisara. Maaaring gayon din ang gawin ng mga estudyante sa kanilang drowing. Maaari silang magbahagi ng mga katotohanan tulad ng mga sumusunod:

    • Ang edukasyon ay bahagi ng ating walang-hanggang mithiin na maging higit na katulad ng Ama sa Langit.

    • Nais ng Ama sa Langit na laging natututo ang Kanyang mga anak na babae at lalaki.

    • Nadaragdagan ng edukasyon ang ating kakayahang maglingkod sa Panginoon at pagpalain ang iba.

  • Bakit mahalagang bahagi ng plano ng Ama sa Langit ang pagkatuto at edukasyon?

  • Paano makatutulong ang mga katotohanang ito sa isang tao na ang tingin sa edukasyon ay nagdudulot ng restriksyon at limitasyon?

Kahalagahan ng edukasyon

Ang pagkatuto at edukasyon noon pa man ay mahahalagang bahagi ng pag-unlad ng mga anak ng Ama sa Langit. Halimbawa, parehong itinuro nina Adan at Eva sa kanilang mga anak ang espirituwal at sekular na bagay (tingnan sa Moises 5:10–12; 6:5–6), at sa gayon ay tinulungan silang maging higit na katulad ng Ama sa Langit.

icon ng seminary Depende sa oras, maaaring gamitin ang isa o higit pa sa mga sumusunod na opsyon para tulungan ang mga estudyante na makita kung paano sila higit na pagpapalain ng Panginoon sa paghahangad ng edukasyon. Maaari nilang ilista ang anumang pagpapalang makikita nila sa ilalim ng drowing ng unang imbudo.

  • Maaaring sundin ng mga estudyante ang mga tagubilin sa handout na “Kahalagahan ng Edukasyon.”

  • Maaaring manood ang mga estudyante ng video gaya ng “Education for a Better Life” (4:55) o “Love of Learning” (2:57), at maghanap ng mga paraan kung paano maaaring humantong sa mga pagpapala at oportunidad ang pagkatuto at edukasyon. Makikita ang parehong video sa ChurchofJesusChrist.org.

4:56
2:58
  • Maaaring maghanap ang mga estudyante ng banal na kasulatan o sipi na nagbibigay-inspirasyon sa kanila na maghangad ng pagkatuto at edukasyon. Maaari nilang hanapin ang “Edukasyon” sa Mga Paksa at Mga Tanong o Gospel Library. Maaari ding makatulong ang mga sumusunod na banal na kasulatan: Mga Kawikaan 3:13–20; 4:5–8; Doktrina at mga Tipan 130:18–19.

Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang natutuhan o nahanap nila. Maaari din nilang ibahagi kung paano naging katibayan ng alinman sa mga katotohanan sa pisara ang mga pagpapalang nahanap nila. Maaaring sagutin ng mga handang estudyante ang isa o dalawa sa mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga pagpapala mula sa Panginoon ang nakita ninyo sa inyong buhay o sa buhay ng iba dahil sa pagkatuto at edukasyon?

  • Anong mga karanasan ninyo ang tumulong sa inyo na makitang mahalaga sa Ama sa Langit ang inyong edukasyon?

Pangwakas

Isipin na kunwari ay mayroon kayong isang kaibigan na ayaw mag-aral at isinasaalang-alang ang mga opsyon na hindi mangangailangan ng karagdagang edukasyon pagkatapos ng high school. Isulat kung ano ang ibabahagi ninyo sa inyong kaibigan gamit ang natutuhan ninyo ngayon. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng maaari ninyong isama:

  • Ang temporal at espirituwal na pagpapalang maibibigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pagtatamo ng edukasyon.

  • Mga banal na kasulatan, sipi, o mga personal na saloobin o karanasan na makabuluhan sa inyo.

Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi sa klase. Maaaring magpatotoo tungkol sa kung paano maaaring maging dakilang pagpapala ang edukasyon sa ating buhay—lalo na sa pagtulong sa atin na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.