Seminary
Paghahanap ng Mentor: Naglalagay ang Panginoon ng mga Huwaran sa Ating Landas


“Paghahanap ng Mentor: Naglalagay ang Panginoon ng mga Huwaran sa Ating Landas,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Paghahanap ng Mentor: Naglalagay ang Panginoon ng mga Huwaran sa Ating Landas,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Paghahanda para sa Edukasyon at Trabaho sa Hinaharap: Lesson 191

Paghahanap ng Mentor

Naglalagay ang Panginoon ng mga Huwaran sa Ating Landas

A series of images showing mentors talking to individuals, groups of people talking together, training on the computer, working on a forklift in the warehouse, working in D.I., working on a computer and answering phones and graduating from college.

Kapag pinagninilayan ninyo ang inyong buhay, paano kayo natulungan ng mga mapagkakatiwalaang mentor? Mula kina Moises at Josue hanggang kina Eli at Samuel, ang mga kuwento mula sa mga banal na kasulatan ay naglalarawan sa kahalagahan ng ugnayan sa mentor. Itinuturo sa atin ng mga kuwentong ito ang ating mga perpektong mentor, ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gumawa ng plano upang matukoy at makaugnayan ang mga potensyal na mentor sa edukasyon at propesyon.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mithiin sa edukasyon at propesyon sa kasalukuyan at hinaharap. Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng ilang pinagkakatiwalaang adult na maaaring magsilbing huwaran o mentor para tulungan silang makamit ang mga mithiing ito at dalhin ang kanilang listahan sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sino ang gugustuhin ninyong sundin?

A young man walking with a walking stick on a trail.

Maaaring simulan ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na isipin na kunwari ay bahagi sila ng isang grupo ng magkakaibigan na magsisimulang maglakbay sa isang masukal na kagubatan. Sinabihan ang grupo na ang paglalakbay ay magiging mahirap, ngunit ang destinasyon ay magiging kamangha-mangha at sulit sa pagsisikap. Inanyayahan ang grupo na pumili ng isang taong gagabay sa kanila.

  • Ano ang ilan sa mga kwalipikasyong gusto ninyo sa inyong gabay? Bakit?

  • Paano kayo tutugon kung iminungkahi ng isang miyembro ng grupo na hindi ninyo kailangan ng gabay?

Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano maiaangkop ang sitwasyong ito sa kanilang mga plano sa edukasyon at propesyon. Maaari mong banggitin na magtutuon ang lesson na ito sa pagtukoy at pakikipag-ugnayan sa mga mentor.

Paalala: Maaaring mayroon kang mga estudyante na hindi nakikita ang pangangailangan ng isang mentor. Maaari kang maghanap ng mga pagkakataon para tulungan silang maunawaan ang kahalagahan ng mga mentor at lugar kung saan sila maaaring makatanggap ng tulong ngayon. Tulungan ang mga estudyante na makilala na, gaya ng isang gabay, ang isang mentor ay maaaring maghatid ng karanasan at kabatirang makatutulong sa atin sa pagpapasiya sa edukasyon at propesyon.

Pag-aralan ang mga pahayag na ito at alamin kung paano kayo magagabayan ng Panginoon sa pamamagitan ng payo ng mga mentor.

Sinabi ni Brother Milton Camargo, na noon ay Unang Tagapayo pa sa Sunday School General Presidency:

Milton Camargo, first counselor in the Sunday School general presidency called in 2019 takes an official portrait i August 2022..

Sa isang punto sa iyong paglalakbay [sa] pag-aaral … maaaring mabigla kayo sa napakaraming bagay na dapat gawin. Mangyaring tandaan na hindi kayo nag-iisa sa panahon ng inyong mga hamon. Binigyan kayo ng Panginoon ng maraming tao na maaaring sumuporta sa inyo—mga kapamilya; lider ng Simbahan; kaibigan; maging ang inyong mga instructor, mentor, o tutor. At, siyempre, ang Panginoon mismo ay palaging handa kayong aliwin at palakasin. (“Persevere with the Lord’s Help” [Debosyonal sa BYU–Pathway Worldwide, Mar. 1, 2022], 2, byupathway.edu)

Itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait (as of June 2016) of Elder Ronald A. Rasband of the Quorum of the Twelve Apostles.

[Ang mga tagapagturo] ay naunang naglakbay sa atin, at alam nila ang daan. … Ang isang mas bihasa at pinagkakatiwalaang tao ay nagiging isang epektibong gabay at tagapayo ng isang hindi pa gaanong bihasa. Tinutulungan niyang mahubog ang pang-unawa ng taong iyon at tinuturuan ng mga alituntunin upang siya ay maging mas epektibo, mas malakas, mas matalino, at mas kapaki-pakinabang na tagapaglingkod ng Diyos” (“Thy Friends Do Stand by Thee” [Debosyonal sa Brigham Young University, Mar. 7, 2010], 3, speeches.byu.edu).

  • Ano ang tumatak sa isipan ninyo mula sa payong ito?

    Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Magagabayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang mentor.

    Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang sumusunod:

  • Kailan kayo o ang isang kakilala ninyo nakatanggap ng tulong mula sa isang mentor?

  • Ano ang ilang bahagi ng inyong pagpaplano sa edukasyon o propesyon na maaaring makinabang sa paggabay sa inyo ng Panginoon sa pamamagitan ng payo ng isang mentor?

Maaari kayong magbahagi ng halimbawa ng isang taong nagsisilbing mentor sa inyo. Maaari ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa pakikipagtulungan sa taong iyon at kung paano nila kayo natulungang makita ang patnubay ng Tagapagligtas sa inyong buhay.

Sa pag-aaral ninyo ngayon, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong matukoy ang mga mapagkakatiwalaang mentor sa inyong buhay na makatutulong sa inyo na hangarin ang patnubay ng Panginoon habang nagpapasiya kayo tungkol sa plano sa edukasyon at propesyon.

Mga halimbawa ng mentoring sa banal na kasulatan

Maaaring makatulong na ibahagi na isa sa mga titulo na ibinigay sa Ama sa Langit ay “Taong Tagapayo,” (tingnan sa Moises 7:35). Maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang Juan 5:19–20 at Juan 8:26–28, at alamin kung paano nag-mentor ang Ama sa Langit sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Maaari mong itanong ang tulad ng:

  • Sa tulong nito, ano ang mauunawaan natin tungkol sa pangangailangan ng mentor ng Tagapagligtas?

Maaaring banggitin ng mga estudyante na natuto si Jesus mula sa halimbawa ng Kanyang Ama at humingi Siya ng payo at patnubay ng Kanyang Ama.

Pagkatapos magbahagi ng mga estudyante, maaari mong ibigay ang mga sumusunod na halimbawa sa banal na kasulatan ng paggabay ng Panginoon sa Kanyang mga tao sa pamamagitan ng mga inspiradong mentor. Maaaring gumawa ang mga estudyante nang may kapartner at pumili ng isang salaysay na pag-aaralan at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Moises at Josue: Deuteronomio 3:21–22 (si Moises na ginagabayan si Josue), 28 (ang mga tagubilin ng Panginoon kay Moises)

Si Debora na babaeng propeta at si Barak, ang kanyang komandante ng militar: Mga Hukom 4:4–10, 14; Mga Hukom 5:1–3 (pagdiriwang ng tagumpay ng Israel)

Ang mataas na saserdoteng si Eli at ang batang propetang si Samuel: 1 Samuel 3:1–10

  • Paano ibinigay ng Panginoon ang Kanyang patnubay sa pamamagitan ng mentor na ito?

  • Paano makatutulong ang salaysay na ito sa isang taong nag-aalangang humingi ng tulong sa isang mentor?

Ang sumusunod na aktibidad ay maaaring makatulong sa mga estudyante na tumukoy at gumawa ng plano upang makipag-ugnayan sa mga potensyal na mentor.

icon ng seminary Ibigay ang handout na “Paghahanap ng Mentor” sa bawat estudyante. Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo o pagpartner-partnerin sila sa paggawa sa handout. Bilang alternatibo, maaari mong ilagay ang bawat bahagi ng handout sa paligid ng silid at anyayahan ang mga estudyante na lumipat-lipat at kumpletuhin ang bawat aktibidad.

Gagabayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang mentor

Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang tinalakay nila sa grupo. Maaari mong anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi ang kanilang plano sa klase.

Maaaring makatulong na ipaliwanag na ang mga magulang, titser, tagapayo sa paaralan, at iba pa ay makatutulong sa mga estudyante na tumukoy ng naaangkop na mentor. Ang ilang branch, ward, at stake ay maaaring may mga espesyalista sa edukasyon at propesyon. Maaari mong tiyakin sa mga estudyante na naglalagay ang Panginoon ng maraming pinagkakatiwalaang tao sa ating landas na maaaring maglingkod bilang mga mentor. Ang ilang mga tao ay panandaliang mentor at nakatutugon sa mga partikular na pangangailangan na mayroon tayo. Ang ibang mentor ay maaari nating makasama nang mas matagal.

Anyayahan ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa paghahanap at pakikipag-ugnayan sa mga mentor na makatutulong sa kanila. Magpatotoo na ibibigay Niya sa kanila ang tulong na kailangan nila.