Seminary
Josue 2–4: Pagsampalataya kay Jesucristo


“Josue 2–4: Pagsampalataya kay Jesucristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Josue 2–4: Pagsampalataya kay Jesucristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Josue 1–8; 23–24: Lesson 62

Josue 2–4

Pagsampalataya kay Jesucristo

Joshua overlooking the Promised Land.

Pagkatapos ng paglalakbay ng mga Israelita sa ilang, iniutos ng Panginoon kay Josue na akayin sila patungo sa lupang pangako. Upang makapasok sa lupang pangako, kailangan nilang manampalataya kay Jesucristo. Ipinakita ng mga anak ni Israel at ng isang babaeng nagngangalang Rahab ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila mananampalataya kay Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng banal na kasulatan na tumutulong sa kanila na maunawaan ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handa itong ibahagi sa klase. Kung kinakailangan, maaari nilang hanapin ang “Pananampalataya” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pananampalataya kay Jesucristo

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa isang estudyante na mag-isip ng isang salitang kumakatawan sa kanyang mga libangan o interes—halimbawa, basketball o pagkanta. Sabihin sa mga estudyante na ilarawan ang kanilang salita nang hindi sinasabi ang mismong salita. Maaaring hulaan ng mga miyembro ng klase ang salita.

Pagkatapos ay isulat sa pisara ang pananampalataya, at anyayahan ang mga estudyante na ilarawan ang pananampalataya kay Jesucristo. Maaari nilang ibahagi ang natuklasan nila bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa klase. Maaari mong ipaliwanag na nais ng Ama sa Langit na manampalataya tayo kay Jesucristo upang mailigtas at mapagpala Niya tayo (tingnan sa 2 Nephi 26:13; Eter 12:12, 18; Moroni 7:33).

Ipaalala sa mga estudyante na ang isa sa mga tungkulin ng Espiritu Santo ay gabayan tayo patungo sa katotohanan (tingnan sa Juan 16:13). Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan sila na mas maunawaan ang pananampalataya kay Jesucristo.

  • Paano makatutulong sa inyo ang pagpapalakas ng inyong pananampalataya kay Jesucristo sa kasalukuyan ninyong kalagayan?

Basahin ang itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa pananampalataya kay Jesucristo, o panoorin ang video na “Seek Learning by Faith” mula sa time code na 3:15 hanggang 4:33. Matatagpuan ang video sa ChurchofJesusChrist.org.

33:36
Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Binigyang-kahulugan ng Apostol na si Pablo ang pananampalataya bilang “ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, [at] ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita” (Mga Hebreo 11:1). Inihayag ni Alma na ang pananampalataya ay hindi ganap na kaalaman, sa halip, kung mayroon tayong pananampalataya, tayo ay “umaasa … sa mga bagay na hindi nakikita, ngunit totoo” (Alma 32:21). Dagdag pa rito, natutuhan natin sa Lectures on Faith na ang pananampalataya ay … “ang alituntunin ng paggawa sa lahat ng matatalinong nilalang.”

Binibigyang-diin ng mga turo na ito ang tatlong pangunahing elemento ng pananampalataya: (1) pananampalataya bilang katiyakan ng mga bagay na inaasam na totoo, (2) pananampalataya bilang katibayan ng mga bagay na hindi nakikita, at (3) pananampalataya bilang alituntunin ng paggawa sa lahat ng matatalinong nilalalang. Inilalarawan ko ang tatlong sangkap na ito ng pananampalataya sa Tagapagligtas bilang sabay-sabay na pagharap sa bukas, paglingon sa nakaraan, at pagsisimula ng paggawa sa kasalukuyan. (“Seek Learning by Faith,” Ensign, Set. 2007, 61–62)

Maaaring makatulong sa mga estudyante ang larawang “Pagsampalataya kay Jesucristo” upang maunawaan ang pagbibigay-kahulugan ni Elder Bednar sa pananampalataya kay Jesucristo. Idrowing ang larawan sa pisara o idispley ito para makita ng mga estudyante sa buong lesson.

  • Ano ang ginawa noon ng Diyos na makatutulong sa inyo na sumampalataya sa Kanya?

  • Paano makatutulong ang pagkakaroon ng pag-asa sa mga ipinangakong pagpapala ng Diyos upang manampalataya kayo sa Kanya?

  • Paano ninyo ibubuod ang mga turo ni Elder Bednar tungkol sa pananampalataya kay Jesucristo?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang isang katotohanan na tulad ng: Nananampalataya tayo kay Jesucristo habang hinaharap natin ang kinabukasan, nililingon ang nakaraan, at kumikilos sa kasalukuyan.

Mga halimbawa ng pananampalataya

icon ng seminaryInilalarawan ng mga kuwento sa Josue 2–4 ang isa o mahigit pa sa mga elementong ito ng pagsampalataya kay Jesucristo.

Tulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga kuwentong ito. Ang isang paraan ay ang paggawa ng istasyon ng pag-aaral para sa bawat kabanata. Maaari mong ilagay ang isang bahagi ng handout na “Mga Halimbawa ng Pagsampalataya kay Jesucristo mula sa Josue 2–4” sa tatlong magkakaibang lugar sa silid-aralan. Maaaring umikot ang mga estudyante sa bawat istasyon at sundin ang mga tagubilin sa handout. Para sa mas malalaking klase, maaari kang gumawa ng maraming istasyon ng pag-aaral para sa bawat bahagi. Hayaang makilahok ang mga estudyante nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Kung posible, maaari mong idispley ang sumusunod sa bawat istasyon ng pag-aaral:

  • Isang pulang sinulid para sa Josue 2

  • Isang pares ng sapatos para sa Josue 3

  • Isang bato para sa Josue 4

Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa pagkalipol ng mga tao sa Jerico, maaari mong banggitin ang tanong na “Bakit nalipol ang mga Cananeo?” sa bahaging Karagdagang Resources ng Lesson 63: “Josue 23–24.”

Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila tungkol sa pananampalataya kay Jesucristo. Maaaring hawakan ng mga estudyante ang pulang sinulid, mga sapatos, o bato habang nagbabahagi sila. Maaaring makatulong ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod.

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa pagsampalataya kay Jesucristo? Paano makatutulong sa mga kabataan ang natutuhan ninyo ngayon?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano sila nanampalataya o kung paano nanampalataya ang isang kakilala nila kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagharap sa kinabukasan, paggawa sa kasalukuyan, at paglingon sa nakaraan. Maaari ka ring magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa pagsampalataya kay Jesucristo.