Seminary
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Josue 1–8; 23–24: Lesson 64

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4

Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

Woman at a crossroads

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang pundasyon para sa kanilang buhay. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila ngayong taon. Hikayatin sila na mag-isip ng isang makatotohanang sitwasyon kung saan makikinabang ang isang tinedyer sa pagsasabuhay ng mga turo sa passage na iyon. Matatagpuan ang isang listahan ng mga passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ipamuhay

Upang masimulang talakayin ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage, maaari kang magdala o magpakita ng mga larawan ng mga bagay na maaaring makilala ng maraming tinedyer ngunit hindi nila alam kung paano gamitin. May mga posibleng halimbawa sa ibaba. Itanong sa mga estudyante kung ano ang bawat item at kung alam nila kung paano ito gamitin.

Woman sewing on sewing machine
A woman holding a camera
Close up of hand on manual gear shift knob
Male hand turning retro radio button. Listen to music or news with old classic radio receiver. Vintage lifestyle
  • Bakit mahalagang malaman hindi lamang kung ano ang isang bagay kundi kung paano rin ito gamitin?

  • Paano naaangkop ang alituntuning ito sa pag-aaral natin ng mga doctrinal mastery passage?

Ngayon ay magsasanay kayo sa paggamit ng mga doctrinal mastery passage at mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Humingi ng inspirasyon sa Espiritu Santo upang matulungan kang matutuhan ang mga passage at alituntuning ito at maipamuhay ang mga ito.

Maaari mong ipalista sa mga estudyante ang mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na napag-aralan nila ngayong taon. Kung kinakailangan, sumangguni sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo, at bigyan ang bawat grupo ng isang pirasong papel. Magtalaga o anyayahan ang mga grupo na pumili ng isang doctrinal mastery passage. Sabihin sa kanila na gumawa ng isang sitwasyon (o pangyayari) kung saan makikinabang ang isang tao sa pagsasabuhay ng doktrina sa passage na iyon. Halimbawa, maaaring isulat ng mga estudyanteng pumili ng Josue 24:15 ang sumusunod na sitwasyon: “Natutukso ang isang batang babae sa isang party na gumawa ng isang bagay na ginagawa ng iba na alam niyang hindi sasang-ayunan ng Panginoon.” Hikayatin ang mga estudyante na huwag isulat sa papel ang scripture reference ngunit maging handang ibahagi ang reference kalaunan.

Kolektahin ang mga papel. Maaari mong basahin ang mga sitwasyon sa klase o ipamahagi ito sa iba’t ibang grupo.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng doctrinal mastery passage na makatutulong sa tao sa sitwasyon. Tulungan sila na maunawaan na may mahigit sa isang talata na maaaring may kaugnayan sa bawat sitwasyon. Maaari ding talakayin ng mga estudyante kung paano makatutulong ang pagsasabuhay ng doktrinang itinuturo sa passage para mapalakas ang ugnayan ng tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Kung kinakailangan, maaaring ibahagi ng grupong nagsulat ng sitwasyon ang orihinal na scripture reference na pinili nila at ipaliwanag kung paano ito makatutulong sa kanilang napiling sitwasyon.

Maglaan ng 20–30 minuto para sa aktibidad na “Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman” sa ibaba.

Ang mga karagdagang ideya para matulungan ang mga estudyante sa pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”

Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga nauugnay na sitwasyon. Maaari mo munang iparebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay kasama sa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.” Ang mga paglalarawan sa mga alituntunin ay matatagpuan sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Pag-isipan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at hingin ang tulong ng Panginoon para makapili o makapag-akma ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon o upang makagawa ng sarili mong sitwasyon.

Hindi kumpleto ang dalawang sitwasyon. Tulungan ang mga estudyante na punan ang mga patlang ng napiling sitwasyon sa angkop at makabuluhang paraan.

  • Nakakaramdam ng pamimilit ang isang binatilyong nagngangalang [pangalan ng tinedyer] mula sa [isang tao o grupo] na suwayin ang kautusan ng Panginoon na [isang kautusan na talagang maaaring matukso ang tinedyer na suwayin]. Madalas na sinasabi sa kanya na hindi seryosong bagay ang paglabag sa kautusang ito dahil [isang dahilan kung bakit maaaring isipin ng isang tao na ayos lang na suwayin ang kautusang ito]. Nalilito si [pangalan ng tinedyer] at hindi niya alam ang kanyang gagawin.

  • Isang dalagita na nagngangalang [pangalan ng tinedyer] ang nasasabik dahil kapag nasa hustong gulang na siya ay makakaalis na siya sa bahay ng kanyang mga magulang at makapagsasarili na. Sa bahay ng kanyang mga magulang, kailangan niyang sundin ang kautusan na [isang kautusan na sa tunay na buhay ay hindi talaga gustong sundin ng isang tinedyer]. Gusto niyang maging mabuting tao, ngunit hindi niya alam kung patuloy niyang susundin ang kautusang iyon kapag bumukod na siya ng tirahan. Ito ay dahil [isang dahilan kung bakit maaaring hindi gustuhin ng isang tao na sundin ang kautusang ito].

    Gagamitin ngayon ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para matulungan ang tao sa napiling sitwasyon. Maaaring gumawa ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

    Ipakita ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman:

    • Kumilos nang may pananampalataya.

    • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

    • Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

    Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong.

  • Sa palagay ninyo, aling alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang pinakamakatutulong para sa tao sa sitwasyon? Bakit?

  • Aling doctrinal mastery passage o iba pang scripture passage ang sa palagay ninyo ay makatutulong sa tao sa sitwasyon? Bakit?

Matapos ang sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang tinalakay nila.

Ipakita ang larawan mula sa simula ng lesson. Pagpartner-partnerin ang mga estudyante para gawin ang sumusunod na aktibidad.

Isipin kunwari na pinili ng tao sa sitwasyon na balewalain ang doktrina ng Tagapagligtas. Tukuyin kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Pagkatapos ay tukuyin kung ano ang maaaring mangyari kung pipiliin niyang kumilos ayon sa doktrinang iyon at sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Kapag nabigyan na ang mga estudyante ng sapat na oras para talakayin ang sitwasyon, anyayahan silang ibahagi ang mga ideya nila sa klase. Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong itanong pa ang mga sumusunod upang makatulong sa paggabay sa makabuluhang talakayan sa klase:

  • Ano pa ang maidaragdag ninyo sa ibinahagi ng inyong kaklase?

  • Paano pa makatutulong ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa tao sa sitwasyong ito na piliing sundin si Jesucristo?

  • Ano ang alam ninyo tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo na maaaring mahalagang maalala ng tao sa sitwasyon?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nakatulong sa kanila ang mga doctrinal mastery passage o ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang mga personal na desisyon. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat o ibahagi ang kanilang mga naisip.