Seminary
Josue 1–8; 23–24: Buod


“Josue 1–8; 23–24: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Josue 1–8; 23–24: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Josue 1–8; 23–24

Josue 1–8; 23–24

Buod

Pagkatapos ni Moises, si Josue ang sumunod na propeta at pinuno ng bayan ng Israel. Sinabi ng Panginoon kay Josue na akayin ang mga anak ni Israel patungo sa lupang pangako. Nang manampalataya ang mga Israelita kay Jesucristo, mahimala Niyang pinagpala ang mga ito. Pinigilan ng Panginoon ang tubig ng Ilog Jordan upang makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa. Noong sumunod sa Panginoon ang mga hukbo ng Israel, sila ay pinagpala Niya na manalo sa digmaan. Binigyan ni Josue ang bawat lipi ni Israel ng lupaing kanilang mana. Bago siya mamatay, ipinaalala ni Josue sa mga Israelita ang lahat ng ginawa ng Panginoon para sa kanila. Hinimok niya ang mga Israelita na piliing maglingkod sa Panginoon.

icon ng seminaryHikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw. Ang pag-aaral ng banal na kasulatan ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong marinig ang tinig ng Tagapagligtas. Ang paanyaya na basahin ang mga banal na kasulatan ay isang paanyaya na makilala si Jesucristo. Sa pagtuturo mo sa iyong mga estudyante tungkol sa pag-aaral ng banal na kasulatan, hikayatin sila na hindi lamang hanapin ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa Tagapagligtas kundi hanapin din Siya. Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Kilalanin Siya sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kanyang Salita” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 25). Matatagpuan ang isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 61: “Josue 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Josue 1

Layunin ng lesson: Dagdagan ang kumpiyansa ng mga estudyante na matutulungan sila ng Panginoon na magkaroon ng tapang kapag nahaharap sila sa mga hamon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring kailanganin ng isang kabataan na magpakita ng tapang. Maaaring magtanong ang mga estudyante sa kapamilya o kaibigan tungkol sa mga karanasan nila na nangailangan ng tapang.

  • Larawan: Si Moises na inoorden si Josue

Josue 2–4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila mananampalataya kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng banal na kasulatan na tumutulong sa kanila na maunawaan ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handa itong ibahagi sa klase. Kung kinakailangan, maaari nilang hanapin ang “Pananampalataya” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  • Mga Video:Seek Learning by Faith” (33:35) mula sa time code na 3:15 hanggang 4:33; “Exercise Faith in Christ” (1:43)

  • Larawan: Pagsampalataya kay Jesucristo

  • Handout:Mga Halimbawa ng Pananampalataya kay Jesucristo mula sa Josue 2–4

  • Mga Materyal: Isang pulang sinulid, isang pares ng sapatos, at isang bato

Josue 23–24

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na piliing maglingkod sa Panginoon sa halip na sa ibang impluwensya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdala ng maliit na bato sa klase. Gagamitin nila ito bilang paalala ng plano na gagawin nila sa lesson.

  • Mga Materyal: Isang maliit na bato para sa bawat estudyante (kung sakaling may ilang estudyante na hindi nagdala nito); mga materyal tulad ng mga permanent marker para masulatan ang mga bato

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila ngayong taon. Hikayatin sila na mag-isip ng isang makatotohanang sitwasyon kung saan makikinabang ang isang tinedyer sa pagsasabuhay ng mga turo sa passage na iyon. Matatagpuan ang isang listahan ng mga passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

  • Mga Larawan: Mga bagay na maaaring matukoy ng maraming tinedyer ngunit hindi nila alam kung paano gamitin; isang tao na nasa isang sangandaan

  • Mga Materyal: Mga papel para sa bawat grupo

  • Nilalamang ipapakita: Mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman