Seminary
Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16: Buod


“Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16

Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16

Buod

Matapos makapasok ang mga anak ni Israel sa lupang pangako, pinili nilang suwayin ang utos ng Panginoon na paalisin ang lahat ng masasamang naninirahan doon. Kalaunan, ginaya ng maraming Israelita ang masasamang gawain ng mga tao sa lupain at nawala sa kanila ang proteksyon ng Panginoon. Nang magsumamo ang mga Israelita sa Panginoon na iligtas sila, nagbangon Siya ng mga tagapagligtas para sa kanila, kabilang na sina Otniel, Ehud, Debora, at Gideon.

icon ng seminaryTulungan ang mga Mag-aaral na Patibayin ang Kanilang Ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang pagtulong sa mga estudyante na makilala ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa kanilang buhay ay magpapalakas ng kanilang ugnayan sa Kanila. Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Tulungan ang mga Mag-aaral na Patibayin ang Kanilang Ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 9. Ang isang halimbawa ng kung paano ito gagawin ay matatagpuan sa Lesson 65: “Mga Hukom 2–4.”

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mga Hukom 2–4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tungkulin ng Tagapagligtas bilang ating Tagasagip.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang pagkakataon na iniligtas (sinagip o pinalaya) ng Tagapagligtas ang isang tao sa mga banal na kasulatan, isang taong kakilala nila, o ang kanilang sarili. Maaaring tukuyin ng mga estudyante kung ano ang ginawa ng tao o ng mga tao upang makahingi ng kaligtasan sa Tagapagligtas.

  • Nilalamang ipapakita: Mga numerical pattern, mga tagubilin at scripture reference na pag-aaralan, at tagubilin tungkol sa paggawa ng isang sitwasyon at pagtugon dito

  • Larawang ipapakita: “Ang Cycle ng Kasalanan at Kaligtasan sa Aklat ng mga Hukom”

  • Video: “Ang Kagyat na Kabutihan ng Diyos” (11:39, mula sa time code na 10:33 hanggang 10:54)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Access sa mga artikulong “Maililigtas Tayo ng Tagapagligtas” (Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2022, 2–4) at “7 Paraan na Maililigtas Ka ng Panginoon” (Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2022, 18–20)

Mga Hukom 6–8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring umasa kay Jesucristo para sa lakas.

I-assess ang iyong pagkatuto 4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa pag-aaral nila ng Lumang Tipan kamakailan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan kung paano sila espirituwal na umunlad mula noong sinimulan nila ang kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan sa taon na ito. Maaari mong imungkahi na rebyuhin nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan sila na makita ang kanilang pagkatuto at pag-unlad.

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag ni Elder Larry R. Lawrence, mga tagubilin para sa talakayan ng magkakapartner sa bahaging “Ipaliwanag ang mga halimbawa at simbolo ni Jesucristo mula sa Lumang Tipan”

  • Larawang ipapakita: Si Moises at ang ahas na tanso