Seminary
Mga Hukom 6–8: “Ako’y Makakasama Mo”


“Mga Hukom 6–8: ‘Ako’y Makakasama Mo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Hukom 6–8: ‘Ako’y Makakasama Mo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16: Lesson 66

Mga Hukom 6–8

“Ako’y Makakasama Mo”

Gideon's band of 300 men feign an attack on their enemy.

Pagkatapos manalangin ng mga Israelita para sa kaligtasan, tinawag ng Panginoon si Gideon upang iligtas sila mula sa kanilang mga kaaway. Ipinakita ng Panginoon ang Kanyang lakas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Israelita na talunin ang mahigit 135,000 kawal sa pamamagitan lamang ng 300 kawal ni Gideon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring umasa kay Jesucristo para sa lakas.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng banal na kasulatan na nagpapakita ng lakas na maaari nating matanggap mula sa Panginoon. Dumating sa klase na handa itong ibahagi.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Iba’t ibang uri ng lakas

Sa pisara, maaari kang magdrowing ng stick figure na may binubuhat sa bawat kamay, tulad ng sumusunod:

Exercising Faith in Jesus Christ. -

Itanong ang mga sumusunod. Kung kapaki-pakinabang, magbigay ng mga marker sa maraming estudyante, at ipasulat sa kanila ang isa sa kanilang mga sagot sa paligid ng drowing sa pisara.

  • Sino ang ilang tao na maituturing ninyo na “malakas”?

  • Ano ang iba’t ibang paraan kung paano makikitang malakas ang isang tao?

Ipaliwanag na ang isang uri ng lakas ay ang kakayahan ng isang tao na umasa sa Panginoon.

Maaari mong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na i-assess kung gaano sila umaasa sa Panginoon sa mahihirap na sitwasyon na maaari nilang kaharapin. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na sitwasyon o mag-isip ng iba na mas nauugnay sa iyong mga estudyante.

Isipin kung gaano kalaki ang posibilidad na aasa kayo sa lakas ng Diyos sa iba’t ibang sitwasyon. Para sa bawat sitwasyong nakalista sa ibaba, tukuyin kung saan ninyo ilalagay ang inyong sarili sa sumusunod na diagram.

  • Paggawa ng mahahalagang desisyon

  • Pagharap sa isang pinsala o sakit

  • Pagbuti bilang isang tao

  • Pagharap sa mga hamon kasama ang pamilya o mga kaibigan

Sa pag-aaral ninyo ngayon ng tungkol kay Gideon, manalangin na tulungan kayo ng Ama sa Langit na madama ang kahalagahan ng pag-asa sa Panginoon para sa lakas sa inyong buhay. Bigyang-pansin ang mga ideya o damdamin na maaaring ipadala sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Si Gideon at ang mga Israelita

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng Mga Hukom 6, maaari mong balikan ang graphic ng cycle ng kapalaluan mula sa Lesson 65: “Mga Hukom 2–4.” Maaari mo ring basahin o ibuod ang sumusunod na talata.

Inilarawan ng Hukom 6 ang isa pang pagkakataon na nalimot ng mga Israelita ang Panginoon at nawala sa kanila ang Kanyang mga pagpapala. Nagsimulang pahirapan ng isang grupo ng mga tao na tinatawag na mga Midianita ang mga Israelita. Sa loob ng pitong taon ay ninanakaw ng mga Midianita ang mga butil at mga hayop ng mga Israelita tuwing panahon ng tag-ani. Dahil dito, nagdanas ng kahirapan ang mga Israelita. Sa kawalan ng pag-asa, bumaling sila sa Panginoon para sa tulong. Pagkatapos maalala ng mga Israelita ang Panginoon at magsumamo sa Kanya, nagbangon Siya ng isang matwid na lalaki na nagngangalang Gideon upang iligtas sila mula sa kanilang mga kaaway.

icon ng seminaryUpang matulungan ang mga estudyante na makita kung paano pinagpala ng Panginoon si Gideon at ang kanyang hukbo dahil sa pag-asa sa Kanya para sa kanilang lakas, maaari mong gamitin ang handout na “Nakikita ang Lakas ng Panginoon sa Salaysay tungkol kay Gideon.” Hayaang maging pamilyar ang bawat estudyante sa nilalaman ng bawat bahagi ng handout. Maraming paraan para magawa mo ito.

Ang isang paraan ay hatiin ang mga estudyante sa mga grupong may tigtatatlong miyembro at bigyan ang bawat miyembro ng isang bahagi ng handout. Maaaring gawin ng mga estudyante ang kanilang bahagi at pagkatapos ay ituro sa iba pang miyembro ng grupo ang kanilang natutuhan. Maaari nila itong gawin ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga bahagi sa handout.

Ang isa pang paraan ay anyayahan ang mga estudyante na gawin ang unang bahagi ng handout nang may kapartner. Pagkatapos ng sapat na oras, maaaring magpalitan ng mga kapartner ang mga estudyante at gawin ang ikalawang bahagi, at pagkatapos ay gawin ulit ito para sa ikatlong bahagi.

Pag-asa sa Panginoon

Kapag natapos na ng mga estudyante ang handout, sabihin sa kanila na magbahagi ng buod ng natutuhan nila mula sa kuwento ni Gideon.

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang katotohanang isinulat nila para sa aktibidad sa pag-aaral 3. Ang sumusunod ay isang halimbawa: Kung aasa tayo sa Panginoon, pagpapalain Niya tayo ng Kanyang lakas.

  • Ano ang iba’t ibang paraan na mapapalakas tayo ng Panginoon?

  • Paano tayo makakaasa sa Panginoon ngayon?

Upang mas maunawaan ang katotohanang ito, sabihin sa mga estudyante na isipin na kunwari ay nagpadala sa kanila ng text ang kanilang kaibigan. Ang kaibigan ay nasa isang sitwasyon kung saan nararamdaman niya na hindi sapat ang kanyang lakas. Magpabahagi sa mga estudyante ng ilang halimbawa kung ano kaya ang sitwasyong ito. Sabihin sa klase na pumili ng isang sitwasyon na sa palagay nila ay magiging pinakamakabuluhan na talakayin ngayon.

Maghanda ng maaari ninyong isagot sa text. Isulat ito sa inyong study journal. Kung gusto ninyo, magdrowing ng telepono na may mga text bubble, at isulat ang inyong sagot sa loob nito. Dapat makita sa inyong sagot ang kahit dalawa sa mga sumusunod:

1. Kung paano makatutulong ang halimbawa ni Gideon.

2. Kung paano makatutulong sa inyong kaibigan ang iba pang banal na kasulatan na umasa sa Panginoon. (Ang ilang halimbawa ay ang Mga Kawikaan 3:5–6; Filipos 4:13; Alma 26:12; Eter 12:27. Maaari ninyong hanapin ang “Pagtitiwala” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.)

3. Kung ano ang alam ninyo tungkol sa Panginoon na tumutulong sa inyo na umasa sa Kanya.

4. Mga karanasan ninyo nang madama ninyo na pinalakas kayo ng Panginoon nang higit pa sa inyong sariling mga kakayahan.

Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mga sagot. Maghanap ng mga paraan upang mapasalamatan sila sa kanilang pakikilahok at bigyang-diin kung gaano kahalaga ang kanilang mga sagot sa iyo at sa kanilang mga kaklase.

Maaaring makatulong na magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa kung paano ka napalakas sa pamamagitan ng pag-asa sa Panginoon. Maaari mo ring ipanood ang video na “Magpatuloy Lamang—nang may Pananampalataya” (ChurchofJesusChrist.org) mula sa time code na 6:08 hanggang 9:47. Nagbahagi si Elder Carl B. Cook ng Pitumpu ng karanasan noong siya ay bagong Area Seventy. Inatasan siyang dumalo sa isang stake conference kasama si Pangulong Boyd K. Packer. Noong tinanong ni Elder Cook si Pangulong Packer kung paano niya gustong planuhin ang pulong, sinabi ni Pangulong Packer na gusto niyang sundin ang Espiritu.

11:4

Pangwakas

Sabihin sa mga estudyante na hingin ang patnubay ng Ama sa Langit habang sinasagot nila ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Ano ang isang bahagi sa iyong buhay na pakiramdam mo ay hindi sapat ang sarili mong lakas?

  • Ano ang alam mo o ano ang natutuhan mo tungkol sa Panginoon na tutulong sa iyo na umasa sa Kanya?

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa Panginoon at sa Kanyang tulong?