Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 4: Mga Bilang–Mga Hukom


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 4: Mga Bilang–Mga Hukom,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 4: Mga Bilang–Mga Hukom,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16: Lesson 67

I-assess ang Iyong Pagkatuto 4

Mga Bilang–Mga Hukom

Series of images of young men and adult males playing sports basketball and soccer in Congo

Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo. Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang kamakailang pag-aaral ng Lumang Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan kung paano sila espirituwal na umunlad mula noong sinimulan nila ang kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan sa taon na ito. Maaari mong imungkahi na rebyuhin nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan sila na makita ang kanilang pagkatuto at pag-unlad.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pag-aaral ng klase mo ng Lumang Tipan ay maaaring tumuon sa mga resultang naiiba sa mga ina-assess sa lesson na ito. Kung gayon, iakma ang mga aktibidad upang i-assess ang pag-unlad na naranasan ng mga estudyante mula sa mga resultang pinagtuunan ng klase mo.

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong i-assess ang kanilang pag-unlad sa:

  1. Pagpapaliwanag ng mga halimbawa o simbolo ni Jesucristo mula sa Lumang Tipan. (Paalala: Ang aktibidad na ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang lesson sa Lumang Tipan, kabilang ang Lesson 57: “Mga Bilang 21.”)

  2. Nakadama ng mas matinding hangaring mahalin ang Panginoon nang kanilang buong puso. (Tandaan: Ang aktibidad na ito ay nauugnay sa ginawa ng mga estudyante sa Lesson 58: “Deuteronomio 6:1–6.”)

  3. Pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon. (Tandaan: Ang aktibidad na ito ay nauugnay sa ginawa ng mga estudyante sa Lesson 49: “Exodo 20:1–11,” Lesson 58: “Deuteronomio 6:1–6,” Lesson 59: “Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20,” at Lesson 60: “Deuteronomio 15.”)

Ang kahalagahan ng ating direksyon sa halip na bilis

Upang matulungan ang mga estudyante na maghandang talakayin ang kahalagahan ng espirituwal na pag-unlad, sabihin sa kanila na talakayin ang sumusunod na tanong bilang isang klase o sa maliliit na grupo:

  • Ano ang ilang halimbawa sa sports o buhay kung saan mas mahalaga ang direksyong tinatahak ninyo kaysa sa inyong bilis?

Ipakita ang sumusunod na pahayag at anyayahan ang mga estudyante na hanapin ang kahalagahan ng direksyon pagdating sa espirituwal na pag-unlad.

Itinuro ni Elder Larry R. Lawrence ng Pitumpu ang tungkol sa ating espirituwal na pag-unlad.

Official Portrait of Elder Larry R. Lawrence.  Photographed March 2017.

Alam ng ating Ama sa Langit ang ating banal na potensyal. Natutuwa siya sa tuwing humahakbang tayo nang pasulong. Sa Kanya, ang ating patutunguhan ay mas mahalaga kaysa sa ating tulin o bilis.

Maging masigasig, mga kapatid, ngunit huwag panghinaan ng loob. (“Ano Pa ang Kulang sa Akin?Liahona, Nob. 2015, 35)

  • Sa inyong palagay, bakit mas mahalaga sa ating Ama sa Langit ang direksyon ng ating espirituwal na pag-unlad kaysa sa ating bilis?

    Maaaring mahirap para sa ilang estudyante na matukoy ang kanilang espirituwal na pag-unlad. Ipaliwanag na ang pagninilay sa kung nasaan tayo ngayon kumpara sa kung nasaan tayo noon—kahit kaunti lang ang ating progreso—ay makatutulong sa atin na matukoy ang espirituwal na pag-unlad. Maaaring maalala ng mga estudyante ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas, ang mabubuting gawi na pinagbubuti nila, o ang mga paraan na sinisikap nilang mamuhay nang tulad ni Jesucristo.

    Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maglaan ng ilang minuto na rebyuhin ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan. Maaari nilang hanapin ang isinulat nila tungkol sa Tagapagligtas, mga espirituwal na impresyon o kabatiran, o anumang plano na gusto nilang isakatuparan.

    Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal:

  • Paano mo napansin ang iyong pag-unlad o progreso mula nang magsimula ang school year sa iyong mga pagsisikap na sundin si Jesucristo?

  • Ano ang natutuhan o naipamuhay mo sa iyong pag-aaral ng Lumang Tipan?

Anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.

Habang sinusuri ninyo ang inyong natutuhan ngayon, maging bukas sa mga impresyon mula sa Espiritu Santo upang matulungan kayong matukoy ang inyong espirituwal na pag-unlad sa pagsunod kay Jesucristo—kahit na isang hakbang lamang ito.

Ipaliwanag ang mga halimbawa o simbolo ni Jesucristo mula sa Lumang Tipan

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magsanay na magpaliwanag kung paano itinutuon sa atin si Jesucristo sa pamamagitan ng ilan sa mga halimbawa o simbolo na pinag-aralan nila kamakailan sa Lumang Tipan (tingnan sa Moises 6:63).

Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang sumusunod na larawan at itanong sa mga estudyante kung ano ang naaalala nila tungkol sa salaysay na ito sa mga banal na kasulatan. Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante, maaari mong patingnan sa kanila ang Mga Bilang 21:4–9. Pagkatapos ay maaaring magsanay ang mga estudyante na ipaliwanag kung paano itinutuon ng simbolong ito ang ating isipan sa mga tungkulin at misyon ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanilang mga sagot sa sumusunod na dalawang tanong:

The Old Testament prophet Moses pointing to a staff with a brass serpent attached to the top.  The painting illustrates the event wherein Moses promised the Israelites that they would be saved from the fiery serpents if they looked at the brass serpent.
  • Ano ang itinuturo ng simbolo ng ahas na tanso na nakapatong sa isang tikin tungkol kay Jesucristo?

  • Paano tinutupad ni Jesucristo ang tungkulin ding ito sa ating buhay?

    Maaaring ipaliwanag ng mga estudyante na may kapangyarihan ang Tagapagligtas na pagalingin tayo hindi lamang sa pisikal na karamdaman kundi pati na rin sa mga espirituwal na hamon tulad ng kawalang-paniniwala o pagkakaroon ng matigas na puso. Kung makatutulong, ipaalala sa mga estudyante na sa Lesson 57: “Mga Bilang 21” natutuhan nila na ang simbolo ng ahas na tanso ay magtuturo sa atin na kapag umaasa tayo sa Tagapagligtas nang may pananampalataya, pagagalingin Niya tayo.

    Maaari mong bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga estudyante na magsanay na ipaliwanag ang iba pang simbolo sa Lumang Tipan na itinutuon ang ating isipan sa mga tungkulin at misyon ni Jesucristo. Ang natitira sa bahaging ito ay tumatalakay kung paano mo ito magagawa.

  • Ano ang iba pang halimbawa o simbolo ni Jesucristo na naaalala ninyo sa inyong pag-aaral ng Lumang Tipan?

Ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Maaaring banggitin ng mga estudyante ang mga hain na hayop (tingnan sa Moises 5:5–7; Levitico 1), sina Abraham at Isaac (tingnan sa Genesis 22:1–19), mga simbolo mula sa Paskua (tingnan sa Exodo 12), tubig (tingnan sa Exodo 15:23–26; 17:1–6), manna (tingnan sa Exodo 16), mga hukom o tagasagip (tingnan sa Mga Hukom 3:9), o iba pa.

Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano makatutulong sa atin ngayon ang pag-unawa sa mga halimbawa at simbolong ito ng Tagapagligtas. Upang magawa ito, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin at anyayahan ang mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner.

Pumili ng isa sa mga halimbawa o simbolo ni Jesucristo mula sa Lumang Tipan at ipaliwanag ang sumusunod:

  1. Ang itinuro sa iyo ng halimbawa o simbolong iyon tungkol kay Jesucristo.

  2. Ang mga paraan na ginagampanan ni Jesucristo ang tungkulin ding iyon sa ating buhay.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa ibang kapartner o sa klase.

Nakadama ng mas matinding hangaring mahalin ang Panginoon nang buong puso

Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang kanilang hangarin ngayon na mahalin ang Panginoon nang buong puso, maaari kang magdrowing ng puso sa pisara tulad ng sumusunod. Huwag munang idrowing ang linya o punan ang isang bahagi ng puso. Simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na isipin kung gaano nila kamahal ang mga bagay o tao sa kanilang buhay. Ang sumusunod ay isang paraan kung paano mo ito magagawa:

  • Ano ang ilang bagay o sino ang ilang taong minamahal ninyo? Ano ang ilang paraan na maipapakita ninyo kung gaano ninyo sila kamahal?

Heart Half Filled

Maaari kang pumili ng isang estudyante na nagbahagi tungkol sa isang bagay o tao na mahal niya. Maaari mong sabihin sa kanya na pumunta sa pisara at gumuhit ng linya sa puso na nagpapakita kung gaano niya kamahal ang bagay na iyon. Iwasang ipabahagi sa kanila kung gaano nila kamahal ang mga indibiduwal.

Basahin ang Deuteronomio 6:4–6, at alamin kung paano natin dapat mahalin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

  • Paano ninyo ito maipapakita sa puso?

Depende sa sasabihin ng mga estudyante, maaari mong punan ang natitirang bahagi ng puso.

Sa Lesson 58: “Deuteronomio 6:1–6,” inanyayahan ang mga estudyante na talakayin kung paano maipapahayag ng mga indibiduwal sa iba’t ibang sitwasyon ang kanilang pagmamahal sa Diyos. Ipaalala sa mga estudyante ang nakaraang talakayang ito, kung naaangkop.

Alin sa mga sumusunod ang nakaapekto kamakailan sa iyong pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo:

  • Mga karanasan mula sa buhay mo o sa buhay ng iba?

  • Mga banal na kasulatan na pinag-aralan mo kamakailan nang mag-isa, kasama ang iyong pamilya, sa simbahan, o sa seminary?

Maaari mong anyayahan ang ilang handang estudyante na magbahagi. Upang matulungan ang mga estudyante na masuri ang kanilang kasalukuyang hangarin na mahalin ang Panginoon nang buong puso, maaari mong sabihin sa kanila na magdrowing ng puso sa kanilang study journal at ilagay sa puso kung paano nila kasalukuyang minamahal ang Diyos ng kanilang buong puso. Maaari nilang pag-isipan ang mga sumusunod na tanong para matulungan sila.

Pagnilayan ang kasalukuyan mong nadarama para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga tanong na ito:

  • Sa nakalipas na ilang linggo, nadama mo ba na nadagdagan, nabawasan, o nanatili ang iyong pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Ano ang nakaapekto sa kasalukuyan mong nadarama tungkol sa Kanila?

  • Paano mo maaaring pagsikapang mahalin Sila nang buong puso, kaluluwa, at lakas?

Sundin ang mga kautusan ng Panginoon

Sa kanilang kamakailang pag-aaral ng Lumang Tipan, maaaring natutuhan ng mga estudyante ang tungkol sa ilan sa mga kautusan ng Diyos. Upang matulungan ang mga estudyante na i-assess ang kanilang mga pagsisikap na sundin ang mga kautusan ng Panginoon, maaari kang magdrowing sa pisara ng isang malaking numero 1 na nasusulatan sa loob nito. Maaaring kumatawan ang numero 1 na ito sa kanilang hangaring unahin ang Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.

Placing God First

Maaaring nakapagdrowing na ng 1 ang mga estudyante sa Lesson 49: “Exodo 20:1–11” at nakapagsulat ng plano para sa pagsunod sa isa sa mga kautusan ng Diyos nang malapit sa numero 1 na ito sa kanilang study journal. Kung oo, sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang kanilang plano.

Kung hindi nakagawa ang mga estudyante ng ganitong drowing o plano, maaari mo silang anyayahan na gawin ito ngayon.

Pagnilayan ang inyong progreso sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong sa inyong study journal:

  • Kumusta ang iyong mga pagsisikap na sundin ang kautusang ito? Anong mga pagpapala, pag-unlad, balakid, o paghihirap ang napansin mo?

  • Paano mo nadamang napalapit ka sa Diyos nang sikapin mong sundin ang kautusang ito? O paano ka mas mapapalapit sa Kanya habang sinisikap mong sundin ito?

Sabihin sa mga estudyante na patuloy na sikaping unahin ang Diyos sa kanilang buhay. Maaari ding magdrowing ng bagong 1 ang mga estudyante at magsulat ng bagong kautusan sa loob nito o malapit dito na nais nilang pagtuunan.

Ipaalala sa mga estudyante na mas mahalaga sa Ama sa Langit ang espirituwal na direksyon na kanilang tinatahak kaysa sa kanilang bilis. Patotohanan ang Kanyang tulong at hikayatin sila na patuloy na sumulong sa landas ng tipan, kahit na tila mabagal ang kanilang progreso.