Seminary
Ruth; 1 Samuel 1–7: Buod


“Ruth; 1 Samuel 1–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Ruth; 1 Samuel 1–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Ruth; 1 Samuel 1–7

Ruth; 1 Samuel 1–7

Buod

Ang salaysay tungkol kina Ruth, Naomi, at Boaz ay isang kuwento ng pagtubos. Inilalarawan nito kung paano tayo matutubos ng Tagapagligtas. Binigyan tayo ni Ana ng isang halimbawa ng mapagpakumbabang panalangin, nang magsumamo siya sa Diyos na pagkalooban siya ng isang anak na lalaki. Sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Nang malaki na ang anak ni Ana na si Samuel, nakarinig siya ng isang tinig. Sa tulong ni Eli, ang saserdote, nakilala ito ni Samuel bilang tinig ng Panginoon.

icon ng seminaryMaghanap ng mga Angkop na Paraan upang Maipakita ang iyong Pagmamahal. Maipapahayag mo sa angkop na paraan ang pagmamahal sa mga estudyante sa maraming paraan. Kapag nadama ng mga estudyante ang iyong pagmamahal, mas magiging kumportable sila sa klase at mabubuksan ang kanilang puso sa mga impresyon ng Espiritu Santo. Ang Tagapagligtas ang perpektong halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal. Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagmamahal sa Kanyang mga Tinuruan” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Para sa pagsasanay ng isang paraan ng angkop na pagpapakita ng pagmamahal, tingnan ang training na “Magpadala ng mensahe sa magulang ng isang estudyante tungkol sa isang positibong bagay na napansin mo tungkol sa kanyang anak” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Ruth

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala kay Jesucristo at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit Manunubos ang isa sa mga titulo ni Jesucristo. Hikayatin sila na pag-isipan kung paano tayo tinutubos ni Jesucristo mula sa pisikal at espirituwal na kamatayan. (Maaari silang sumangguni sa “Tubos, Tinubos, Pagtubos” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan para sa tulong.) Hikayatin sila na dumating na handang ibahagi sa klase ang kanilang mga naisip.

  • Nilalamang ipapakita: Isang larawan ni Jesucristo

  • Handout:Natubos sina Ruth at Naomi

  • Mga Video: “Finding Your Purpose in Life: Does Faith Matter?” (5:08); “Moving on from Past Mistakes” (3:43)

1 Samuel 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na diringgin ng Ama sa Langit ang kanilang mga mapagpakumbabang panalangin at pagpapalain Niya sila.

1 Samuel 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghangad at tumukoy ng personal na paghahayag.

  • Paghahanda ng estudyante: Itanong sa mga estudyante ang “Paano ninyo naririnig ang tinig ng Panginoon sa inyong buhay?” Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano sila sasagot. Maaari din nila itong itanong sa kanilang mga kaibigan o kapamilya.

  • Mga item na ihahanda: Isang piring

  • Handout:Paano Ko Makikilala ang Tinig ng Panginoon?