Seminary
1 Samuel 3: “Magsalita Ka, Panginoon; Sapagkat Nakikinig ang Iyong Lingkod”


“1 Samuel 3: ‘Magsalita Ka, Panginoon; Sapagkat Nakikinig ang Iyong Lingkod,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“1 Samuel 3: ‘Magsalita Ka, Panginoon; Sapagkat Nakikinig ang Iyong Lingkod,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Ruth; 1 Samuel 1–7: Lesson 70

1 Samuel 3

“Magsalita Ka, Panginoon; Sapagkat Nakikinig ang Iyong Lingkod”

The boy Samuel in bed watching an oil lamp burn.

Sa inyong palagay, gaano kadali ninyong makikilala ang tinig ng Panginoon sa inyong buhay? Isang gabi, nangusap ang Panginoon sa batang si Samuel. Sa tulong ni Eli, nakilala kalaunan ni Samuel ang tinig ng Panginoon. Sumagot siya, “Magsalita Ka, Panginoon, sapagkat nakikinig ang iyong lingkod” (1 Samuel 3:9). Nangungusap din sa atin ang Panginoon, at tulad ni Samuel, kailangan nating matutuhang makilala ang Kanyang tinig. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghangad at makahiwatig ng personal na paghahayag.

Paghahanda ng estudyante: Itanong sa mga estudyante ang “Paano ninyo naririnig ang tinig ng Panginoon sa inyong buhay?” Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano sila sasagot. Maaari din nila itong itanong sa kanilang mga kaibigan o kapamilya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pakikinig sa tinig ng Panginoon

Maaaring anyayahan ang isang boluntaryo na handang magpapiring na pumunta sa harap ng klase. Piringan ang estudyante. Isa-isang anyayahan ang ilang miyembro ng klase na tawagin sa pangalan ang estudyante. Hilingin sa nakapiring na estudyante na tukuyin kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan.

  • Bakit mas madaling makilala ang ilan sa mga tinig?

  • Ano ang ilang espirituwal na aral na maaaring may kaugnayan sa aktibidad na ito?

Maaaring magbahagi o hindi magbahagi ang mga estudyante ng mga alituntunin na tulad ng mga katotohanang nakasaad sa lesson na ito. Kung gagawin nila ito, anyayahan silang maghanap ng katibayan o kaalaman tungkol sa mga katotohanang ito habang pinag-aaralan nila ang 1 Samuel 3. Kung hindi, ayos lang. Pasalamatan ang lahat ng estudyante para sa ibinahagi nila.

Isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Nangungusap sa atin ang Diyos at nais Niyang makilala natin ang Kanyang tinig. Ipaliwanag na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 8:2). Kilala ito bilang personal na paghahayag. Tutukuyin ng mga estudyante ang mga karagdagang alituntunin ng personal na paghahayag sa buong lesson.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Isa sa mga bagay na paulit-ulit na ikinikintal ng Espiritu sa aking isipan … ay ang kahandaan ng Panginoon na ihayag ang Kanyang isipan at kalooban. Ang pribilehiyong makatanggap ng paghahayag ay isa sa mga pinakadakilang kaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak. …

Talaga bang nais ng Diyos na mangusap sa inyo? Oo! (“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 94–95)

Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Naniniwala ka ba na gusto talagang mangusap ng Diyos sa iyo? Bakit oo o bakit hindi?

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa iyong kakayahang makahiwatig ng paghahayag?

  • Bakit madali o mahirap para sa iyo na makilala ang tinig ng Diyos (o personal na paghahayag) sa iyong buhay?

Ipahayag na kumpiyansa ka na nais ng Diyos na mangusap sa iyong mga estudyante.

Sa buong lesson, sikaping hanapin at tukuyin ang mga mensahe mula sa Panginoon. Sikaping maunawaan kung paano Siya nangungusap sa iyo.

Mga alituntunin ng paghahayag

Ipinanganak ni Ana si Samuel bilang sagot sa kanyang mga panalangin. Noong bata pa si Samuel, dinala siya ni Ana sa tabernakulo kung saan maaalagaan siya ni Eli. Isang gabi, narinig ng batang si Samuel ang tinig ng Panginoon.

Bago ibigay ang mga tagubilin sa ibaba, maaari mong ipaliwanag na ipinahihiwatig ang ilang alituntunin sa mga banal na kasulatan. Ibig sabihin nito ay hindi direktang nakasaad ang mga ito sa mga talata. Matutulungan tayo ng Espiritu Santo na matukoy ang mga ipinahiwatig na alituntunin habang tinatanong natin ang ating sarili ng mga bagay na tulad ng “Ano kaya ang nais ng may-akda ng mga talatang ito na matutuhan ko?” o “Ano ang ilan sa mahahalagang aral na itinuturo ng mga talatang ito?”

Pag-aralan ang 1 Samuel 3:1–10, 19, at maghanap ng mga kaalaman at katotohanan tungkol sa pagtanggap ng paghahayag mula sa Diyos.

Kapag tapos nang mag-aral ang mga estudyante, anyayahan sila na isulat sa pisara ang mga alituntuning natuklasan nila. Gamit ang sarili nilang mga salita, maaaring natukoy ng mga estudyante ang mga alituntuning nakalista sa ibaba. Kung nahihirapan silang tukuyin ang mga alituntunin, maaari mong ilista ang sumusunod at anyayahan silang tukuyin ang mga parirala o talatang nagtuturo ng mga ito.

  • Matiyagang lumalapit ang Panginoon sa atin kahit na sa una ay hindi natin makilala ang Kanyang tinig (tingnan sa talata 4, 6, 8, 10).

  • Nangungusap ang Panginoon sa mga kabataan (tingnan sa talata 4, 6, 8, 10).

  • Kadalasan ay nangangailangan ito ng oras at pagsasanay para maging pamilyar sa tinig ng Panginoon (tingnan sa talata 7, 10, 19).

  • Matutulungan tayo ng iba na makilala ang tinig ng Panginoon (tingnan sa talata 8–9).

  • Kapag nagpakita tayo ng kahandaang makinig at kumilos, mas marami pang ipapahayag ang Panginoon. (tingnan sa talata 10, 19)

  • Bakit maaaring maging kapaki-pakinabang ang mga alituntuning ito habang sinisikap nating makilala ang tinig ng Panginoon sa ating buhay?

  • Paano ipinakita sa mga ito ang pagmamahal ng Diyos sa atin?

Pagkilala sa tinig ng Panginoon

Nangungusap sa atin ang Panginoon sa maraming paraan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang kaalaman kung paano Siya nangungusap sa inyo ay makatutulong sa inyo na mas makilala ang Kanyang tinig sa inyong buhay.

icon ng seminary Bigyan ang mga estudyante ng handout na “Paano Ko Makikilala ang Tinig ng Panginoon?” Maaaring gawin ng buong klase ang unang hanay ng chart bago anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang mga natitirang hanay. Maaaring mas mainam na anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ito nang mag-isa para personal na makapagnilay. Kung sa palagay mo ay wala kang sapat na oras para sa aktibidad na ito, maaaring anyayahan ang mga estudyante na gawin lamang ang ilang hanay, o maaaring ipagpatuloy ang lesson sa ibang araw.

Kapag tapos nang mag-aral ang mga estudyante, maglaan ng oras para matalakay nila ang natuklasan nila at para makapagtanong. Gamitin ang oras na ito na ipabahagi sa mga estudyante kung paano nila naririnig ang tinig ng Panginoon sa kanilang buhay. Maaari ka ring magbahagi ng personal na karanasan at ipaliwanag kung paano mo Siya naririnig.

Pasalamatan ang mga estudyante para sa mga ibinabahagi nila. Ipaalam sa kanila na ang kanilang mga kontribusyon ay nagdudulot ng makabuluhang pagbabago sa klase.

Pagiging pamilyar sa tinig ng Panginoon

Tulad ni Samuel, maaaring mangailangan ng panahon at pagsasanay para maging pamilyar tayo sa tinig ng Panginoon at mahiwatigan ang personal na paghahayag (tingnan sa 1 Samuel 3:7, 10, 19).

  • Ano ang ilang paraan kung paano natin sisikaping makilala ang tinig ng Panginoon, tulad ng ginawa ni Samuel?

Maaaring kabilang sa ilang ideya ang pakikipag-usap sa isang magulang o pinagkakatiwalaang guro ng tungkol sa kung paano makatanggap ng paghahayag tulad ng pakikipag-usap ni Samuel kay Eli. Sinabi ni Samuel, “Magsalita ka; sapagkat nakikinig ang iyong lingkod” (1 Samuel 3:10). Marahil ay maaari nating linawin sa Panginoon na handa tayong pakinggan ang Kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga sandali upang magnilay at makinig pagkatapos manalangin o sa buong maghapon. O maaari nating isulat sa journal ang ilan sa mga paraan kung paano natin maaaring tinatanggap ang mga mensahe mula sa Ama sa Langit, tulad ng mga nasa handout.

Sa inyong study journal, gumawa ng plano para sa isang bagay na gusto ninyong gawin para mahanap at mahiwatigan ang paghahayag mula sa Diyos sa inyong buhay.

Magpatotoo na kapag nakatuon ang pagsusumikap ng mga estudyante sa mga araw na nagdaan, madaragdagan ang kanilang kakayahang mahiwatigan ang personal na paghahayag. Ipaalam sa mga estudyante na bibigyan sila ng pagkakataong pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap upang mahiwatigan ang personal na paghahayag sa Lesson 80: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 5.”