“1 Samuel 8–10; 13; 15–16: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“1 Samuel 8–10; 13; 15–16: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
1 Samuel 8–10; 13; 15–16
1 Samuel 8–10; 13; 15–16
Buod
Nais ng mga Israelita na magkaroon ng hari “gaya ng lahat ng mga bansa” (1 Samuel 8:5) sa halip na ang Panginoon ang maghari sa kanila. Matapos suwayin ng kanilang unang hari na si Saul ang payo ni propetang Samuel, pinili ng Panginoon si David bilang susunod na hari ng Israel. Sa pamamagitan ng karanasang ito, nalaman ni Samuel na hindi tulad ng kung paano natin tinitingnan at hinuhusgahan ang isa’t isa, ang Panginoon ay tumitingin sa ating puso.
Espirituwal na ihanda ang iyong sarili. Kapag mapagpakumbabang inihahanda ng mga titser ang kanilang sarili at ang mga aktibidad sa pag-aaral para sa kanilang mga estudyante, magagabayan ng Espiritu Santo ang kanilang paghahanda. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili na magturo, tingnan sa “Espirituwal na Inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili na Magturo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 16–17).
Para sa pagsasanay tungkol sa pag-anyaya sa Espiritu na mapabuti ang iyong paghahanda sa pagtuturo, tingnan ang kasanayang “Gamitin ang dokumentong ‘Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili’ para maanyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang mapagbuti ang iyong mga paghahandang magturo” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Samuel 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagpili na sundin si Jesucristo sa halip na ang mga makamundong impluwensya.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng anumang pamimilit ng iba na suwayin ang mga pamantayan at kautusan ng Panginoon na nararanasan nila. Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang maaaring pagbabago sa kanilang buhay kapag sinunod nila si Jesucristo sa halip na magpadala sa mga pamimilit na iyon.
-
Larawan: Isang line chart para matulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung si Jesucristo ba o ang mundo ang may pinakamalakas na impluwensya sa paggawa nila ng mga desisyon
-
Video: “Piliin ang Buhay na Walang Hanggan” (10:09) mula sa time code na 0:00 hanggang 2:08 at mula sa time code na 5:08 hanggang 6:43
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad sa bahaging “Pagpili sa Panginoon sa halip na ang mga makamundong impluwensya”
1 Samuel 15
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagsisikap na sundin ang lahat ng kautusan ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga dahilan kung bakit pinipili ng mga tao na suwayin ang mga kautusan ng Diyos. Maaaring ilagay ng mga estudyante ang kanilang listahan sa isang talaan sa kanilang telepono o isulat ito sa isang maliit na papel. Anyayahan ang mga estudyante na dalhin ang kanilang listahan sa klase.
-
Mga item na ipapakita: Ilang uri ng pagkain (o mga larawan ng ilang uri ng pagkain)
-
Mga Video: “Harapin ang Kinabukasan nang may Pananampalataya” (14:29) mula sa time code na 5:16 hanggang 6:07; “Honesty: You Better Believe It!” (4:46); “Ang Pagmamahal ng Diyos” (13:11) mula sa time code na 7:58 hanggang 8:48
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa mga aktibidad sa pagtatapos ng lesson
1 Samuel 16
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagtingin sa kanilang sarili at sa iba tulad ng pagtingin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang 1 Samuel 16:7. Hilingin sa kanila na ilista sa tabi ng talata ang pagkakaiba ng mga bagay na kung minsan ay pinahahalagahan ng iba sa mga tao at ng pinahahalagahan ng Ama sa Langit sa atin.
-
Mga item na ipapakita: Dalawang magkaparehong item sa magkaibang pakete o mga item na may magkakaibang halaga sa dalawang magkaparehong pakete
-
Nilalaman na ipapakita: Mga pahiwatig ng pagninilay sa sarili sa simula ng lesson; mga pahayag mula kina Elder Dieter F. Uchtdorf at Sister Michelle D. Craig; mga tagubilin sa journal sa pagtatapos ng lesson
-
Video: “Our True Identity” (3:39)