Seminary
Ruth: “Bigyan Ka Nawa ng Lubos na Gantimpala ng Panginoon”


“Ruth: ‘Bigyan Ka Nawa ng Lubos na Gantimpala ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Ruth: ‘Bigyan Ka Nawa ng Lubos na Gantimpala ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Ruth; 1 Samuel 1–7: Lesson 68

Ruth

“Bigyan Ka Nawa ng Lubos na Gantimpala ng Panginoon”

Ruth (Old Testament figure) gleaning wheat in the fields of Boaz.  Naomi, the mother-in-law of Ruth and kinswoman of Boaz, is bringing a cup of water or refreshment to Ruth as she works.  There are other men and women working in the fields.  These people are depicted in the background.  The painting depicts Ruth gleaning in the fields in hopes of gaining the favor of Boaz.  Boaz is not depicted in the painting.

Dahil napakalaki ng kabayaran para sa kaligtasan at hindi natin ito makakayang bayaran nang mag-isa, kailangang matubos ang bawat isa sa atin. Ang salaysay tungkol kina Ruth, Naomi, at Boaz sa Lumang Tipan ay isang kuwento tungkol sa pisikal na pagtubos na sumasagisag sa tungkulin ni Jesucristo bilang ating personal na Manunubos. Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala kay Jesucristo at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit Manunubos ang isa sa mga titulo ni Jesucristo. Hikayatin sila na pag-isipan kung paano tayo tinutubos ni Jesucristo mula sa pisikal at espirituwal na kamatayan. (Maaari silang sumangguni sa “Tubos, Tinubos, Pagtubos” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan para sa tulong.) Hikayatin sila na dumating na handang ibahagi sa klase ang kanilang mga naisip.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang ibig sabihin ng si Jesucristo ay ang ating Manunubos?

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng sumusunod na larawan ni Jesucristo o ng iba pang pinili mo at pagsusulat sa pisara ng salitang Manunubos.

Ipakita ang sipi mula kay Elder Christofferson at sabihin sa mga estudyante na sagutan ang dalawang tanong sa kanilang study journal.

Jesus Christ depicted teaching a Samaritan woman at a well. Christ is portrayed sitting on the edge of the well. The woman is seated on the ground before Him.

Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson.  Photographed in March 2020.

Isa sa mga pinakamakahulugang titulo na naglalarawan kay Jesucristo ay Manunubos. … Ang ibig sabihin ng salitang tubusin ay bayaran ang obligasyon o utang. Maaari ding ang ibig sabihin ng tubusin ay sagipin o palayain. (“Pagtubos,” Liahona, Mayo 2013, 109)

  • Sa anong mga paraan maaaring kailanganin mo o ng iba na matubos ni Jesucristo?

  • Gaano mo hinahangad na magtiwala sa mapantubos na kapangyarihan ni Jesucristo sa iyong buhay? Bakit?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano kalaki ang kumpiyansa nila sa kanilang mga sagot at kung ano kaya ang gusto nila na mas maunawaan pa o mas madama pa tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan.

Maaari mong ibuod ang susunod na talata gamit ang sarili mong mga salita. Maaari mo ring isulat ang naka-bold letter na katotohanan sa pisara na malapit sa salitang Manunubos.

Ang pagtubos ay isa sa mga nangingibabaw na tema sa salaysay tungkol kay Ruth. Habang pinag-aaralan ninyo ang kuwento tungkol kay Ruth, pag-isipan kung paano makatutulong ang paghahalintulad ng salaysay na ito sa ating sarili na matutuhan na kung lalapit tayo kay Jesucristo, tutubusin Niya tayo. Humingi ng tulong ng Espiritu Santo upang malaman ang mga paraan kung paano tayo naging katulad ni Ruth na nangangailangan ng pagtubos at kung paano naging katulad ni Boaz ang Tagapagligtas na si Jesucristo na tinutubos tayo.

Ang salaysay tungkol kay Ruth

Maaari mong basahin o ipaliwanag ang sumusunod na buod.

Sa panahon ng taggutom, lumipat mula sa Bethlehem ang isang Israelitang babae na nagngangalang Naomi, ang kanyang asawa, at ang kanyang dalawang anak na lalaki patungo sa Moab na isang karatig bansa na may ibang kultura at ibang mga paniniwala sa relihiyon. Habang naninirahan doon, pinakasalan ng mga anak ang mga babaeng taga-Moab na sina Ruth at Orfa.

Sa kasamaang-palad, namatay ang asawa at ang dalawang anak ni Naomi at naging mga balo ang tatlong babae. Pinili ni Naomi na bumalik sa Bethlehem. Dahil hindi na mapangalagaan ni Naomi ang kanyang mga manugang, hinikayat niyang bumalik sila sa kanilang mga pamilya sa Moab. Bumalik si Orfa sa kanyang pamilya.

Basahin ang Ruth 1:8–9, 14–17, at alamin ang sagot ni Ruth kay Naomi.

  • Ano ang ilan sa mga kawalang-katiyakan at paghihirap na maaaring harapin ni Ruth sa pagpunta sa Bethlehem kasama ni Naomi?

    Pagkatapos pakinggan ang ibinahagi ng mga estudyante, maaari mong ipaliwanag ang ilan sa sumusunod:

    • Sa pagsama kay Naomi, iiwan ni Ruth ang kanyang pamilya sa Moab.

    • Magiging dayuhan si Ruth sa hindi pamilyar na lugar na may ibang kultura.

    • Makararanas sina Ruth at Naomi ng matinding kahirapan dahil wala silang asawa.

    • Ipinapakita sa pagpili ni Ruth ang kanyang kahandaang sumamba at umasa kay Jehova (Jesucristo), hindi sa mga diyus-diyusan ng mga taga-Moab. (Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang pariralang “at ang iyong Diyos ay aking Diyos” sa talata 16.)

  • Dahil nauunawaan ninyo ang mga sitwasyon ni Ruth, ano ang mahalaga para sa inyo sa kanyang pagtugon?

Tinubos ni Boaz si Ruth

icon ng seminaryUpang ipagpatuloy ang salaysay tungkol kay Ruth, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang handout na “Tinubos sina Ruth at Naomi.” Maaaring magpartner-partner ang mga estudyante para isulat ang mahahalagang detalye ng kuwento. Ang isa pang opsiyon ay bigyan ang mga estudyante ng mga scripture block ng handout at ipabuod sa kanila ang mga talata gamit ang sarili nilang mga salita kasama ang isang kapartner.

Pagkatapos kumpletuhin ng mga estudyante ang handout, maaari mong ipaliwanag ang alinman sa mga sumusunod na sa palagay mo ay magiging kapaki-pakinabang:

  • Bilang bahagi ng Batas ni Moises, iniutos sa mga Israelita na huwag anihin ang lahat ng butil sa mga bukid upang mapangalagaan ang mga dukha (tingnan sa Levitico 19:9–10).

  • Sinabi ni Naomi kay Ruth na si Boaz ay isa sa kanilang “pinakamalapit [na] kamag-anak” (tingnan sa Ruth 2:20). Ang katagang “pinakamalapit [na] kamag-anak” ay nagmula sa salitang Hebreo na go-el, na nangangahulugang “manunubos.” Inaasahang aalagaan (o pakakasalan din) ng “pinakamalapit [na] kamag-anak” ang mga balo sa kanilang pamilya upang maipanumbalik sila sa kaligtasan at seguridad.

  • Dahil may isa pang kamag-anak na mas pinakamalapit, na may karapatang pakasalan si Ruth, binili ni Boaz ang karapatan mula sa kanya (tingnan sa Ruth 3:12–13) bago pinakasalan si Ruth (tingnan sa Ruth 4:9–10, 13).

Maaaring makatulong kung gagawa ng chart na may dalawang column sa pisara. Lagyan ang unang column ng Ruth/Tayo at ang pangalawang column ng Boaz/Jesucristo. Maaaring ilista ng mga estudyante sa pisara ang natuklasan nila.

  • Sa anong mga paraan tayo maaaring maging katulad ni Ruth?

    Kung nahihirapan ang mga estudyante na sumagot, maaari mong sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano maaaring hindi sila sapat o hindi magiging sapat kung mag-isa sila. (Maaaring kabilang dito ang hindi pagkakaroon ng sapat na kabutihan o pagsunod, kawalan ng sapat na lakas na madaig ang kasalanan o kahinaan, hindi sapat na suporta upang patuloy na gawin ang tama, at iba pa.) Maaari mo ring itanong kung ano ang ginawa ni Ruth upang maghangad ng pagtubos at kung paano tayo maaaring katulad niya.

  • Sa anong mga paraan naging katulad ni Jesucristo si Boaz?

    Kung nahihirapang sumagot ang mga estudyante, maaari mo silang anyayahan na rebyuhin ang Ruth 2:12, 15–16. Maaari mo ring ipaliwanag na nakipagtipan si Boaz sa kasal o nakipagtipan siya kay Ruth na mamahalin at pangangalagaan ito sa tuwina.

    Kung kinakailangan, ipaliwanag na tinutubos tayo ng Tagapagligtas sa lahat ng paraan na kailangan natin. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Mosias 15:7–9 o Helaman 5:9–11 upang matukoy kung paano tayo tinutubos ng Tagapagligtas. Maaari mo ring idagdag na kabilang sa pagtubos na ginagawa ng Tagapagligtas ang pagtulong sa atin sa ating mga problema dito sa mundo (tingnan sa D. Todd Christofferson, “Pagtubos,” Liahona, Mayo 2013, 109–110).

  • Paano ninyo ilalarawan ang pagkakaiba sa sitwasyon ni Ruth bago at matapos siyang tulungan at pakasalan ni Boaz?

  • Anong mga aral ang matututuhan natin tungkol sa ating ugnayan kay Jesucristo sa pamamagitan ng kuwento tungkol kina Ruth at Boaz?

Si Jesucristo ang ating Manunubos

Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na sagutin ang susunod na tatlong tanong ay maaaring mag-anyaya sa Espiritu Santo. Habang nagbabahagi at nakikinig sa pagbabahagi ng isa’t isa ang mga estudyante, matutulungan ng Espiritu Santo ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala kay Jesucristo at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan. Upang matulungan ang mga estudyante na maghandang sagutin ang unang tanong, maaari mong ipanood ang “Finding Your Purpose in Life: Does Faith Matter?” (5:08) o ang “Moving on from Past Mistakes” (3:43), na parehong makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

5:9
3:43
  • Kailan ninyo naranasan o ng kakilala ninyo ang mapantubos na kapangyarihan ni Jesucristo?

  • Bakit nanaisin ninyo, tulad ni Ruth, na magtiwala kay Jesucristo at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan sa hinaharap?

  • Ano sa palagay ninyo ang magagawa ng isang tao upang mapatindi ang kanyang hangaring magtiwala sa mapantubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas?

Bilang pagtatapos, sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga ideya o impresyong natanggap nila mula sa Espiritu Santo tungkol sa pagtitiwala sa Panginoon at sa Kanyang mapantubos na kapangyarihan. Maaari silang magdagdag ng mga ideya sa mga tanong na sinagot nila sa simula ng lesson sa kanilang study journal.