Seminary
Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20: “Aalalahanin Mo ang Panginoon Mong Diyos”


“Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20: ‘Aalalahanin Mo ang Panginoon Mong Diyos,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan(2026)

“Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20: ‘Aalalahanin Mo ang Panginoon Mong Diyos,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Deuteronomio 6–8; 15, 18; 29–30; 34: Lesson 59

Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20

“Aalalahanin Mo ang Panginoon Mong Diyos”

A young man folds his arms and prays in his home in Brazil.

Matapos gabayan at pangalagaan ng Diyos sa kanilang paglalakbay sa ilang nang maraming taon, ang mga Israelita ay malapit nang manirahan sa kanilang lupang pangako. Bagama’t isang kasiya-siyang pagbabago ang pagdating sa kanilang bagong tahanan, maaari din silang matuksong makalimutan ang Diyos dahil sa kaginhawahan. Sa pamamagitan ni Moises, itinuro ng Panginoon sa mga Israelita kung gaano kahalaga na alalahanin nila ang Kanyang ginawa para sa kanila. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na mapaigting ang hangarin nila na maalala ang ginawa ng Diyos para sa kanila.

Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng limang bagay na sa palagay nila ay nagawa ng Panginoon para sa kanila sa nakalipas na linggo. Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano mapagpapala ang kanilang buhay kapag binigyang-pansin nila ang ginagawa ng Panginoon para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring madaling “malimutan ang Panginoon”

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagtalakay sa tuksong kalimutan ang Diyos kapag maayos ang lahat sa ating buhay. Ang isang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan gaya ng sumusunod at pagtatanong ng mga nasa ibaba.

Friends at a beach socializing.  They are singing, talking, walking on the beach and just having fun together.
A missionary is lying on a hospital bed. He is sleeping.
House
House with roof damage, tree branches, and debris as result from tornado on Jan 22, 2017 in Albany, Georgia. (horiz)
  • Alin kaya sa mga sitwasyong ito na mas malamang na alalahanin ng mga tao ang Diyos at umasa sa Kanya? Bakit?

  • Bakit mas mahirap na alalahanin ang Diyos at umasa sa Kanya kapag maayos ang takbo ng ating buhay?

  • Bakit mahalagang alalahanin ang Diyos sa lahat ng sitwasyon?

Sabihin sa mga estudyante na tapusin ang mga sumusunod na pangungusap sa kanilang study journal.

Habang partikular na iniisip ang iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag:

Kapag maayos ang takbo ng buhay ko, may posibilidad na ako ay .

Kapag hindi maayos ang takbo ng buhay ko, may posibilidad na ako ay .

Hikayatin ang mga estudyante na hingin ang tulong ng Espiritu upang mas maunawaan nila ang kahalagahan ng pag-alaala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa ginawa Nila para sa kanila.

Pag-alaala sa Panginoon

Maaari mong basahin o ibuod ang sumusunod na talata para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang nangyayari sa buhay ng mga Israelita sa aklat ng Deuteronomio.

Matapos akayin ang mga anak ni Israel sa loob ng 40 taon sa ilang, handa na ang Panginoon na dalhin sila sa Ilog Jordan patungo sa lupang pangako. Mula nang lisanin ang Ehipto, ang mga Israelita ay umasa sa Panginoon para sa kanilang pagkain, tubig, at proteksyon. Ang mga Israelita ay isa na ngayong makapangyarihang hukbo, at may masaganang likas na yaman ang lupang pangako na mas magpapaginhawa sa buhay nila.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang mga sumusunod na talata at talakayin ang mga tanong sa ibaba nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Basahin ang Deuteronomio 4:7–9; 6:10–13; at 8:7–14, at alamin ang paulit-ulit na babala na ibinigay ni Moises sa mga Israelita.

  • Sa inyong palagay, bakit kaya nag-alala si Moises tungkol dito?

  • Sa inyong palagay, bakit kailangan pa rin ng mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas ang payo ni Moises ngayon?

Kung kinakailangan, tulungan ang mga estudyante na makitang nag-alala si Moises na maging dahilan ang kasaganahan para makalimutan ng mga Israelita ang Diyos.

Ipakita ang mga sumusunod na pahayag para matingnan ito ng mga estudyante habang tinutukoy nila ang mga katotohanan na nakasulat sa mga bold letter.

Ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit nais ng Ama sa Langit na alalahanin natin Siya at ang Kanyang Anak.

Elder Dale G. Renlund takes an official portrait in 2021.

Nais ng ating Ama sa Langit na alalahanin natin ang kabutihan Niya at ng Kanyang Pinakamamahal na Anak, hindi para sa sarili Nilang kasiyahan kundi para sa impluwensya sa atin ng pag-alaalang iyon. Sa pagninilay sa Kanilang kabaitan, lumalawak ang ating pananaw at pang-unawa. Sa pagbubulay sa Kanilang habag, nagiging mas mapagkumbaba, madasalin, at matatag tayo. …

Tuwing ginagamit, pinakikinabangan, o iniisip pa natin ang mga kaloob na ito, dapat nating isaalang-alang ang sakripisyo, pagiging bukas-palad, at pagkahabag ng mga nagbigay nito. Ang pagpipitagan para sa mga nagbigay ay hindi lamang tayo ginagawang mapagpasalamat. Ang pagbubulay tungkol sa Kanilang mga kaloob ay maaari at dapat tayong baguhin. (“Pagnilayan ang Kabutihan at Kadakilaan ng Diyos,” Liahona, Mayo 2020, 41–42)

  • Ano ang pinakamahalaga para sa inyo sa pahayag ni Elder Renlund?

    Batay sa pinakamahalaga para sa kanila, sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang sumusunod na pahayag sa kanilang journal:

    Sa pamamagitan ng pag-alaala sa kabutihan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, …

    Maaaring makaisip ng ilang paraan ang mga estudyante para kumpletuhin ang pahayag. Kabilang sa ilang halimbawa ang:

    … lumalawak ang ating pananaw at pang-unawa.

    … nagiging mas mapagpakumbaba, mapanalangin, at matatag tayo.

    … maaari tayong mapanibago (o magbago).

    Maaari mong ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante ang kahulugan ng mga pagpapalang ito. Ang isang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang pakiramdam na matanggap ang mga pagpapalang ito. Halimbawa, ano kaya ang pakiramdam na maging mapanalangin o maging mas matatag?

  • Sa inyong palagay, bakit humahantong sa gayong mahahalagang pagpapala ang pag-alaala sa Panginoon?

  • Paano ninyo naranasan ang alinman sa mga katotohanang ibinahagi ni Elder Renlund?

Ang pag-alaala sa Panginoon ay makatutulong sa atin na humarap sa mga hamon

Upang matamo ang lupang pangako, naharap ang mga Israelita sa isang hamon. Sinabi sa kanila ng Panginoon na kailangan nilang matalo ang mga makapangyarihang bansa (Deuteronomio 7:1). Dahil alam nila na mas makapangyarihan ang mga bansa kaysa sa kanila, maaaring kinabahan ang marami sa mga Israelita.

Upang matulungan ang mga estudyante na maiugnay ang mga banal na kasulatan sa sarili nilang buhay, sabihin sa kanila na ilista sa pisara ang mga sitwasyong kanilang kinahaharap o haharapin na alam nilang kakailanganin nila ang tulong ng Panginoon.

Basahin ang Deuteronomio 7:17–21; 8:2–4, 15 para makita kung ano ang nais ng Panginoon na maalala ng mga Israelita sa pagharap nila sa mga hamon sa hinaharap.

  • Paano makatutulong ang pag-alaala sa mga nagawa ng Panginoon noon kapag nahaharap sa mga hamon sa hinaharap?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilista ang mga sitwasyon kung saan alam nila na tinulungan sila o ang ibang tao ng Panginoon noon. Kung inanyayahan mo ang mga estudyante na gawin ang paghahanda ng mga estudyante, maaaring magandang pagkakataon ito para tanungin sila kung ano ang nagawa ng Panginoon para sa kanila sa nakalipas na linggo.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano makatutulong sa kanila ang pag-alaala sa ginawa ng Panginoon sa nakaraan sa pagharap nila sa mga problema sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Paano natin maaaring alalahanin ang Panginoon

Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pag-alaala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at makakita ng isang paraan para matulungan tayong alalahanin Sila, maaari mong ipanood ang video na “O Remember, Remember” (1:28) na matatagpuan sa Gospel Library. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na alamin ang ginawa ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan para makita ang tulong ng Panginoon at ang mga naging resulta.

1:28
  • Ano ang maaaring maging epekto sa inyo na makita ang tulong ng Diyos sa inyong buhay sa araw-araw?

Bilang pagtatapos, sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isa o dalawang paraan kung paano nila mas maaalala ang Ama sa Langit at si Jesucristo at maaanyayahan ang Kanilang mga pagpapala sa kanilang buhay.