Seminary
Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34: Buod


“Mga Bilang 11–14; 21: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Bilang 11–14; 21: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34

Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34

Buod

Pagkatapos maglingkod bilang propeta ng Diyos sa loob ng 40 taon, iniutos ni Moises sa mga Israelita na magkampo sa hangganan ng lupang pangako. Kalaunan ay pamumunuan sila ni Josue sa pagpasok sa hangganan (tingnan sa Deuteronomio 31:23). Ang Deuteronomio ay naglalaman ng huling payo ni Moises sa mga tao, kabilang na ang payo tungkol sa pagmamahal sa Diyos, pag-alaala sa Kanya, at pangangalaga sa mga taong dumaranas ng kahirapan.

icon ng seminaryMagturo mula sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta sa mga huling araw. Kapag ang mga turo ay batay sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta sa mga huling araw, mas malamang na madama ng mga estudyante ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa mga katotohanang natututuhan nila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Ang Tagapagligtas ay Nagturo mula sa mga Banal na Kasulatan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, p. 21). Makikita ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 60: “Deutoronomio 15.”

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Deuteronomio 6:1–6

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nila maipapakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hilingin sa isang magulang, tagapag-alaga, o lider ng Simbahan na ibahagi ang ilan sa kanilang mga paboritong paraan ng pagpapakita na mahal nila ang isang tao sa pamamagitan ng gawa. Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na ang lesson ay magtutuon sa mga paraan kung paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos.

  • Larawang ipapakita: Si Moises na nakatayo sa bundok na tinatanaw ang lupang pangako

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Pangulong Jeffrey R. Holland, mga tagubilin para sa isang aktibidad ng grupo at mga tanong na tatalakayin ng mga grupo

  • Video:If We Love Him” (3:57), “Bukas ay Gagawa ng mga Kababalaghan ang Panginoon sa Inyo” (19:24) mula sa time code na 12:53 hanggang 13:48

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel na may nakasulat na karaniwang lugar para sa maliliit na grupo ng mga estudyante

Deuteronomio 6:6–25; 7:1–26; 8:1–20

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapaigting ang pagnanais nila na maalala ang ginawa ng Diyos para sa kanila.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng limang bagay na sa palagay nila ay nagawa ng Panginoon para sa kanila sa nakalipas na linggo. Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano mapagpapala ang kanilang buhay kapag binigyang-pansin nila ang ginagawa ng Panginoon para sa kanila.

  • Mga larawang ipapakita: Mga larawang ikinukumpara ang mga sitwasyong maganda ang pinatutunguhan at mga sitwasyong hindi maganda ang pinatutunguhan

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Elder Dale G. Renlund

  • Video:O Remember, Remember” (1:28)

Deuteronomio 15

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang higit na pangangailangang sundin ang utos ng Tagapagligtas na ibahagi ang ibinigay Niya sa kanila.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging kantahin o pag-aralan ang mga titik ng himnong “Dahil Biyaya sa Akin ay Kayrami” (Mga Himno, blg. 133) o Mateo 25:31–40. Maaaring hilingin ng mga estudyante sa Ama sa Langit na tulungan silang makita ang mga paraan kung paano nila maibabahagi sa iba ang ibinigay Niya sa kanila.

  • Mga larawang ipapakita: Isang larawan ni Jesucristo

  • Object lesson: Isang mangkok na puno ng pagkain gaya ng dry cereal, beans, o maliit na kendi

  • Video:The Coat” (2:07)