“Exodo 20:1–11: Ang Sampung Utos: Pagmamahal sa Diyos at Pag-una sa Kanya sa Ating Buhay,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Exodo 20:1–11: Ang Sampung Utos: Pagmamahal sa Diyos at Pag-una sa Kanya sa Ating Buhay,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Exodo 19–20; 24; 31–34: Lesson 49
Exodo 20:1–11
Ang Sampung Utos: Pagmamahal sa Diyos at Pag-una sa Kanya sa Ating Buhay
Mahal tayong lahat ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at nais nilang unahin natin Sila sa ating buhay. Matapos iligtas ang mga Israelita mula sa Ehipto, inakay sila ng Panginoon sa Bundok ng Sinai upang makipagtipan sa Kanya. Doon Niya inihayag ang Sampung Utos upang tulungan sila na mahalin Siya nang higit pa sa anupamang bagay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mahalin at igalang ang Diyos nang higit sa lahat.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na ilista ang ilan sa mga kautusan ng Diyos. Anyayahan silang talakayin sa isang kapamilya o kaibigan kung paano nakatutulong sa kanila ang mga kautusang inilista nila para maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos at unahin Siya sa kanilang buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang pinakadakilang utos
Tandaan: Ang lesson na ito ay nakatuon sa unang apat na utos. Lesson 50: Magtutuon ang “Exodo 20:12–17” sa huling anim na utos.
Maaari mong simulan ang klase sa pagsabi sa mga estudyante na pag-isipan kung anong utos, sa lahat ng utos ng Diyos, ang sa palagay nila ay pinakamahalaga. Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na buod.
Sa Kanyang mortal na ministeryo, tinanong ang Tagapagligtas kung alin sa mga utos ang pinakadakila, o pinakamahalaga (tingnan sa Mateo 22:36).
Basahin ang Mateo 22:37–39 (tingnan din sa Levitico 19:18; Deuteronomio 6:5), at alamin ang sagot ng Tagapagligtas.
-
Sa inyong palagay, bakit ang mga ito ang dalawang pinakadakilang utos?
Habang pinag-aaralan ninyo ang Sampung Utos sa lesson na ito at iba pang lesson, alamin kung paano tayo tinutulungan ng mga utos na ito na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa. Sa lesson na ito, pag-aaralan mo ang ilan sa Sampung Utos na tumutulong sa atin na mahalin at igalang ang Diyos.
Basahin ang Exodo 20:1–11, at alamin ang unang apat na utos na ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita.
Ang Exodo 20:3–17 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.
-
Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa mga utos na ito at sa unang dakilang utos mula sa Mateo 22:37–38?
Maaari mong ibuod sa pisara ang mga katotohanang ibinabahagi ng mga estudyante. Ang mga ito ay maaaring katulad ng Iniuutos sa atin ng Diyos na mahalin Siya at unahin Siya sa ating buhay.
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na i-cross-reference o i-link ang Exodo 20:3–17 sa Mateo 22:36–39.
-
Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng unahin ang Diyos sa ating buhay?
Tulungan ang mga estudyante na isipin kung paano nila kasalukuyang ipinamumuhay ang katotohanang ito. Maaari mo silang anyayahan na kumpletuhin ang sumusunod na pagsusuri sa sarili.
Pagnilayan ang inyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong. Maaari ninyong isulat ang ilan sa mga saloobin ninyo sa inyong study journal.
-
Ang pagmamahal ko ba sa Diyos ang pinakamahalagang impluwensya sa buhay ko?
-
Ano ang maaaring pumipigil sa akin na mahalin ang Diyos at unahin Siya sa buhay ko?
Mga utos na tumutulong sa atin na mahalin ang Diyos at unahin Siya
Ang kalakip na handout ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong ang mga utos sa Exodo 20:3–11 na mahalin ang Diyos at unahin Siya sa ating buhay. Maaari mong gamitin ang handout sa iba’t ibang paraan.
Ang pagbabahagi ay makatutulong sa mga estudyante na mas matanto ang kanilang natututuhan. Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila mula sa handout. Maaaring magbahagi ang mga estudyante sa maliliit na grupo o sa klase.
Kung naaangkop, maaari mong sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang iyong sariling karanasan matapos sumagot ang mga handang estudyante.
-
Anong mga pagpapala ang naranasan ninyo, o ng isang taong kilala ninyo, sa pag-una sa Diyos?
Pag-una sa Diyos
Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na gumawa ng plano na mahalin ang Diyos at unahin Siya sa kanilang buhay. Ipaalala sa mga estudyante na ang numero 1 ay tumutukoy sa pag-una sa Diyos sa ating buhay.
Magdrowing ng isang malaking numero 1 sa iyong study journal, o sa isang hiwalay na papel. Gawing malaki ito para makapagsulat sa loob nito, o mag-iwan ng espasyo para makapagsulat sa tabi nito.
Humingi ng patnubay sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang magpasiya kung ano ang magagawa mo para unahin ang Diyos sa iyong buhay. Sa loob o sa tabi ng numero 1, isulat kung ano ang gagawin mo. Isulat ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa ibaba:
-
Paano maaaring makatulong sa iyo ang paggawa nito para mahalin ang Diyos at unahin Siya sa iyong buhay?
-
Paano ka maaaring pagpalain ng Panginoon sa paggawa nito?
-
Anong mga hamon ang maaari mong kaharapin habang ginagawa mo ito? Ano ang maaari mong gawin upang madaig ang mga hamon na ito?
Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa natanggap nila na mga espirituwal na impresyon. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na malaman ang kanilang progreso sa Lesson 67: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 4.”
Isaulo
Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at balikan ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Exodo 20:3–17 ay “Ang Sampung Utos.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”