“Exodo 19–20; 24; 31–34: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Exodo 19–20; 24; 31–34: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Exodo 19–20; 24; 31–34
Exodo 19–20; 24; 31–34
Buod
Matapos iligtas ang mga Israelita mula sa Ehipto, dinala sila ni Jehova sa Bundok ng Sinai. Doon, inanyayahan Niya sila na makipagtipan sa Kanya para maging “isang banal na bansa” (Exodo 19:6). Umakyat si Moises sa bundok upang tanggapin ang salita ng Panginoon para sa mga tao. Inihayag ng Panginoon ang Sampung Utos, at nangako ang mga tao na sumunod. Bumalik si Moises sa bundok upang tumanggap ng karagdagang tagubilin. Habang nasa bundok siya, nilabag ng ilan sa mga Israelita ang kanilang tipan sa Panginoon sa pamamagitan ng paggawa at pagsamba sa isang gintong guya. Bumalik si Moises at pinagsabihan niya ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan. Matapos magdusa ang mga Israelita sa mga bunga ng paglabag sa kanilang tipan, ipinaalala sa kanila ng Panginoon na Siya ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis.
Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Hindi lang natin kailangang malaman ang tungkol sa pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon, ngunit kailangan din natin itong maranasan. Habang nagtuturo ka, maghanap ng mga pagkakataon para matulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon. Tulungan silang malaman ang mga halimbawa sa mga banal na kasulatan at mga karanasan sa kanilang sariling buhay. Kapag itinuon mo ang pansin ng mga mag-aaral sa pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon, matutulungan mo silang maunawaan at madama kung paano sila mapagpapala at matutulungan ng Panginoon. Matatagpuan ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 51: “Exodo 24; 31–34.” Para matuto pa, tingnan ang “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 8).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Exodo 19
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang hangarin ng Diyos na makipagtipan sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung ano ang dahilan kung bakit makabuluhan o mahalaga ang isang ugnayan. Maaari silang mag-isip ng isang tao na may mahalagang kaugnayan sa kanila, at maaari silang magdala ng retrato ng taong ito na ibabahagi sa simula ng klase.
-
Mga item na ipapakita: Isang retrato ng isang tao na may mahalagang kaugnayan sa iyo, tulad ng isang kapamilya o isang mentor
Exodo 20:1–11
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mahalin at igalang ang Diyos nang higit sa lahat.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na ilista ang ilan sa mga kautusan ng Diyos. Anyayahan silang talakayin sa isang kapamilya o kaibigan kung paano nakatutulong sa kanila ang mga kautusang inilista nila para maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos at unahin Siya sa kanilang buhay.
-
Handout: “Mga Kautusan na Tumutulong sa Atin na Mahalin ang Diyos at Unahin Siya”
Exodo 20:12–17
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan para masunod ang mga kautusan na tutulong sa kanila na mahalin ang Diyos at ang kanilang kapwa.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na subukin ang kanilang kaalaman tungkol sa Sampung Utos. Maaari nilang ilista ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod o bigkasin ang mga ito nang walang kopya.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022)
-
Handout: “Mga Kautusan na Tumutulong sa Atin na Mahalin ang Ating Kapwa”
Exodo 24; 32–34
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang Panginoon ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano nila nakita ang katarungan, pagmamahal, at mahabang pagtitiis (pagtitiyaga) ng Panginoon sa kanilang buhay. Maaari mo silang anyayahan na kausapin ang isang kapamilya o kaibigan tungkol sa kung paano nagtutugma ang katarungan at awa ng Panginoon upang pagpalain ang lahat ng Kanyang anak.
-
Larawan: Isang larawan ng Tagapagligtas
-
Video: “Maging Tapat sa Diyos at sa Kanyang Gawain” (13:53) mula sa time code na 11:05 hanggang 11:42