Seminary
Exodo 16: Pagkain sa Araw-araw


“Exodo 16: Pagkain sa Araw-araw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Exodo 16: Pagkain sa Araw-araw,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 14–18: Lesson 47

Exodo 16

Pagkain sa Araw-araw

Israelites at gathering of manna

Matapos iligtas ng Panginoon ang Kanyang mga tao mula sa Ehipto, nakaranas sila ng mga bagong hamon at pagkakataon para umunlad. Hindi na makakaasa pa ang mga Israelita sa mga Ehipcio para maglaan ng mga pangangailangan nila tulad ng pagkain at tubig. Kinailangan nilang matutong umasa sa Panginoon para sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa sa Panginoon araw-araw.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay mula sa oras ng klase ngayon hanggang sa susunod na klase. Hikayatin sila na maglaan ng oras sa kanilang personal na panalangin o panalangin ng pamilya upang pasalamatan ang Ama sa Langit para sa Kanyang tulong.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pangangailangan sa pagkain sa araw-araw

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga bagay na kailangan ng ating katawan araw-araw. Halimbawa, maaari kang magpakita ng ilang tinapay. Anyayahan sa harapan ng klase ang isang estudyanteng nagugutom at pakainin ng kaunti sa tinapay. Habang kumakain ang estudyante, itanong sa kanya ang mga sumusunod:

  • Kailan ka huling kumain?

  • Kung katatapos mo lang kumain, bakit nagugutom ka ngayon?

  • Bakit kailangan nating kumain nang regular?

Inihambing ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagpapakain sa ating pisikal na katawan sa pangangalaga sa ating espiritu:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson.  Photographed in March 2020.

Alam nating lahat na kailangan natin ng pisikal na pagkain. Nagpaparamdam sa atin ang pagkagutom at pagkauhaw kapag nakakalimutan natin ito. Ngunit kailangan din ang espirituwal na pagkain. (“Daily Bread: Pattern,” Gospel Library)

  • Sa inyong palagay, bakit kasinghalaga ng pangangalaga sa ating katawan ang pangangailangang pakainin ang ating espiritu?

  • Bakit maaaring madaling makaligtaan ang ating mga espirituwal na pangangailangan?

Maglaan ng sandali para pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Maaari ninyong itala sa inyong study journal ang mga naisip ninyo:

  • Pareho ba ang nadarama mong hangarin na pangalagaan ang iyong espiritu araw-araw sa hangarin mong pangalagaan ang iyong katawan? Bakit oo o bakit hindi?

  • Sa iyong palagay, ano ang ipagagawa sa iyo ng Ama sa Langit araw-araw para mapangalagaan ang iyong espiritu?

Maghangad ng inspirasyon upang malaman kung ano ang maaari ninyong patuloy na gawin, o kung ano ang maaari ninyong baguhin, upang maibigay sa inyong espiritu ang lakas sa araw-araw na kailangan nito mula sa Panginoon.

Pag-asa sa Panginoon araw-araw

Matapos tumawid sa Dagat na Pula, ang mga Israelita ay “sumampalataya sa Panginoon, at sa kanyang lingkod na si Moises” (Exodo 14:31). Sila ay umawit at sumayaw para purihin ang Panginoon sa pagliligtas sa kanila (tingnan sa Exodo 15:1–21). Gayunpaman, ang pagpupuri ng mga Israelita sa Panginoon ay hindi nagtagal. Bagama’t inaakay sila ni Moises patungo sa Bundok ng Sinai, naharap sila sa iba’t ibang problema, at nasubok ang kanilang pananampalataya.

Basahin ang Exodo 16:2–4, 11–15, at alamin kung paano naglaan ang Panginoon ng mga pangangailangan ng mga Israelita.

  • Ano ang nalaman ninyo?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang salitang “tinapay” o manna sa Exodo 16:15 at i-cross-reference o iugnay ito sa Juan 6:47–51.

Basahin ang Juan 6:31–35, 47–51, at alamin ang itinuro ni Jesus tungkol sa manna.

  • Sa anong mga paraan maitutulad kay Jesucristo ang manna?

  • Paano nagiging higit na mas mabuti ang ibinibigay ni Jesucristo sa atin kaysa sa manna?

icon ng seminary Hikayatin ang mga estudyante na magtuon kay Jesucristo habang pinag-aaralan nila ang tungkol sa manna. Isang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga estudyante ng handout na may pamagat na “Tinapay mula sa Langit.” Maaaring sagutan ng mga estudyante ang handout nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Bilang alternatibo, maaari mong anyayahan ang maliliit na grupo ng mga estudyante na basahin ang Exodo 16:14–31, 35 at gumawa ng quiz tungkol sa manna. Maaari silang magsulat ng 3–4 na tanong na masasagot sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga talata. Pagkatapos ay maaaring makipagpalitan ng mga quiz ang mga grupo sa ibang grupo.

Ibahagi ang mga tamang sagot kapag natapos na ang mga estudyante: 1. Tama; 2. Mali; 3. Mali; 4. Tama; 5. Tama; 6. Mali; 7. Tama; 8. Mali.

  • Paano maaaring maiangkop ang mga detalyeng ito tungkol sa manna sa pangangailangan natin ng espirituwal na pagkain?

  • Ano ang maituturo sa inyo ng mga detalyeng ito tungkol sa manna tungkol sa pagtanggap ng espirituwal na pagkain mula kay Jesucristo?

Maaaring nakatuklas ang mga estudyante ng maraming mahalagang katotohanan. Maaari nilang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang mga katotohanang natukoy nila. Maaari ka ring magtanong ng iba pang follow-up na tanong. Ang natitirang bahagi ng lesson na ito ay magtutuon sa sumusunod na katotohanan: kapag umasa tayo sa Panginoon araw-araw, pagpapalain Niya tayo ng espirituwal na pagkaing kailangan natin. (Paalala: Pagninilayan ng mga estudyante ang kanilang hangaring umasa sa Panginoon sa Lesson 55: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 3.” Kung nahihikayat kang magtuon sa ibang katotohanan sa natitirang bahagi ng lesson na ito, tiyaking gumawa ng mga kaukulang pag-aangkop kapag itinuro mo ang Lesson 55.)

Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante sa ating pangangailangan kay Jesucristo sa araw-araw, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag o panoorin ang “Daily Bread: Pattern” (2:51), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.

2:36

Nangusap si Elder Christofferson tungkol sa ating pangangailangan sa araw-araw ng espirituwal na pagkain mula sa Panginoon:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson.  Photographed in March 2020.

Hindi natin dapat isipin na makakaraos tayo nang walang espirituwal na pagkain nang ilang linggo at ilang buwan nang hindi nahihirapan at nanghihina ang ating espirituwalidad. Ang pagkilala sa katotohanan na kailangan natin ng araw-araw na espirituwal na pagkain, o manna, ay mas nagpapalakas ng ating loob na gawin ang tama at maglingkod sa iba kaysa kung ipagwawalang-bahala natin ang Diyos. (“Daily Bread: Pattern,” Gospel Library)

  • Bakit mas mabuti ang pag-asa sa Panginoon araw-araw kaysa sa paminsan-minsan at napakalakas na mga espirituwal na karanasan?

Pagkain sa Araw-araw

Ibigay ang mga sumusunod na tagubilin. Bukod pa sa mga iminumungkahing scripture passage, maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga salita o parirala tulad ng “araw-araw” o “bawat araw” sa Gospel Library.

Sa inyong study journal, lagyan ng label na “Pagkain sa Araw-araw:Jesucristo.” ang isang pahina. Sa gitna ng pahina, magdrowing ng isang buong tinapay. Pag-aralan ang mga sumusunod na banal na kasulatan, at alamin ang mga bagay na magagawa natin araw-araw upang umasa sa Panginoon at tumanggap ng espirituwal na pagkain. Isulat ang malalaman ninyo sa paligid ng inyong drowing na tinapay.

  • Deuteronomio 8:3

  • 1 Nephi 17:3

  • 2 Nephi 32:3

  • Alma 37:36–37

    Anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang natuklasan nila sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng sumusunod. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na magdagdag ng mga ideya sa kanilang study journal habang natututo sila mula sa kanilang mga kaklase.

  • Alin sa mga kilos na ito ang nakatulong sa iyo na maanyayahan ang Tinapay ng Buhay, si Jesucristo, sa iyong buhay sa araw-araw? Paano ka Niya inalagaan o pinalakas dahil dito?

  • Bukod pa sa nalaman mo sa mga banal na kasulatan, ano pang ibang bagay ang sinisikap mong gawin araw-araw para umasa sa Panginoon?

  • Ano ang sasabihin mo sa isang tao na sa palagay niya ay hindi niya kailangang gawin ang mga bagay na ito?

Kung may oras pa, maaaring magpakanta sa klase ng isang himno tungkol sa pangangailangan natin sa Panginoon, tulad ng “Kailangan Ko Kayo” (Mga Himno, blg. 54). Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga linya mula sa himno na makabuluhan para sa kanila.

Tingnan ang listahan na isinulat mo sa paligid ng tinapay sa iyong study journal. Bilugan ang isa o dalawang ideya na sa palagay mo ay nais ng Panginoon na simulan mo nang gawin o babaguhin para mas umasa sa Kanya araw-araw. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod:

  • Kailan at saan mo gagawin ang bagay na ito sa bawat araw?

  • Anong mga hamon ang kakailanganin mong madaig para maging bahagi ng iyong araw-araw na gawain ang gawing ito? Paano mo dadaigin ang mga hamong ito?

  • Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang paggawa ng bagay na ito araw-araw sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa paglipas ng panahon?

Tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong mga saloobin at nadarama tungkol sa pangangailangan nating umasa sa Panginoon sa bawat araw. Maghanap ng mga pagkakataon sa mga susunod na lesson na mag-follow up sa mga pagsisikap ng mga estudyante sa mga susunod na lesson. Maaari mo ring i-update paminsan-minsan ang iyong mga estudyante tungkol sa iyong pagsisikap sa araw-araw na umasa sa Panginoon.