Seminary
Exodo 14–18: Buod


“Exodo 14–18: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Exodo 14–18: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 14–18

Exodo 14–18

Buod

Matapos lisanin ng mga anak ni Israel ang Ehipto, nasukol sila sa pagitan ng hukbo ni Faraon at ng Dagat na Pula. Mahimala silang iniligtas ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbubukas ng daan sa dagat sa tuyong lupa. Sa ilang, ang Panginoon ay nagturo, nangalaga, at naglaan sa mga Israelita sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanila sa digmaan at mahimalang tubig at pagkain, kabilang ang manna.

icon ng seminaryTulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto. Kapag ginamit ng mga mag-aaral ang kanilang kalayaang pumili para aktibong makilahok sa proseso ng pagkatuto, mas malamang na madama nila ang nakapagbabalik-loob na impluwensya ng Espiritu Santo. Para malaman pa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 24–25). Matatagpuan ang isang halimbawa ng pagtulong sa mga estudyante na maging responsable sa pag-aaral sa Lesson 46: “Exodo 15, 17.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Exodo 14

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang hangaring magtiwala sa Panginoon para sa lakas at kaligtasan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Exodo 14:13–14 at isipin ang mga aspeto ng kanilang buhay kung saan makatutulong ang mga talatang ito.

  • Mga Larawan: Mga Mapa sa Biblia, Mapa. 2, “Exodo ng Israel mula Egipto at Pagpasok sa Canaan”; ang Dagat na Pula; Jesucristo

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong na tatalakayin nang magkakapartner o sa maliliit na grupo

  • Mga Video:The Passover” (2:55) (animated video) mula sa time code na 1:28 hanggang 2:32; “Finding Christ During Difficult Times” (4:35); “Feeling the Lord’s Love and Goodness in Trials” (4:18)

Exodo 15, 17

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagtukoy ng mga katotohanan mula sa Diyos sa mga salaysay sa banal na kasulatan at maiugnay ang mga katotohanang iyon sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga salaysay na napag-aralan na nila mula sa Lumang Tipan at sa Mahalagang Perlas ngayong semestre. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase nang handang magbahagi kung paano nila kukumpletuhin ang sumusunod na pangungusap: “Gusto ko ang salaysay tungkol sa dahil itinuturo nito sa akin na .”

  • Mga Larawan: Si Abraham kasama si Isaac sa altar; Si Jose ng Egipto; si Moises na hinahati ang Dagat na Pula

  • Handout:Pagtukoy sa mga Katotohanan ng Ebanghelyo mula sa Exodo 15, 17

Exodo 16

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na umasa sa Panginoon araw-araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay mula sa oras ng klase ngayon hanggang sa susunod na klase. Hikayatin sila na maglaan ng oras sa kanilang personal na panalangin o panalangin ng pamilya upang pasalamatan ang Ama sa Langit para sa Kanyang tulong.

  • Item na ipapakita: Tinapay

  • Handout:Tinapay mula sa Langit

  • Video:Daily Bread: Pattern” (2:51)