Seminary
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3: Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 7–13: Lesson 44

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3

Pagsasaulo ng Mahahalagang Parirala at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

Young man (seminary student) in gray sweater, holding and reading scriptures at desk in seminary class. (horiz)

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang pundasyon para sa kanilang buhay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage mula sa Lumang Tipan at isaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Kung gusto nila, maaari din nilang isaulo ang buong passage. Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang pagsasaulo ng mahahalagang parirala o talata.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo

Ihahambing sa unang bahagi ng lesson na ito ang pagsasaulo ng banal na kasulatan sa pagkakaroon ng bagong kaibigan. Mag-isip ng isang aktibidad para maihanda ang mga estudyante sa paghahambing na ito. Halimbawa, kung malaki ang klase mo kung saan maaaring hindi gaanong kilala ng mga estudyante ang isa’t isa, maaari mong sabihin sa mga estudyante na magbanggit ng maraming pangalan ng tao sa klase hangga’t maaari. Maaari nila itong gawin nang mag-isa o sa maliliit na grupo. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung sino ang mas nakilala nila.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit mabuting makilala ang mga tao sa klaseng ito?

  • Ano ang ilang pakinabang ng pagkakaroon ng mga kaibigan?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.  Passed away 22 September 2015.

“Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng pagkakaibigan.” (“Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)

  • Sa inyong palagay, paano maaaring maging katulad ng kaibigan ang isang naisaulong parirala ng banal na kasulatan o passage?

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Sabihin sa mga estudyante na basahin pa ang sinabi ni Elder Scott sa sumusunod na pahayag, at maghanap ng mga karagdagang sagot. Maaari mo ring ipaliwanag na ang mga salita sa banal na kasulatan ay mula sa o binigyang-inspirasyon ng Panginoon. Sa maraming paraan, ang mga banal na kasulatan ay tulad ng pagkakaroon ng mga gumagabay na kaibigan, ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Pagpapatuloy ni Elder Scott:

Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago. (Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)

  • Kailan tila naging kaibigan sa inyo ang naisaulong banal na kasulatan o parirala sa alinman sa mga paraang ito?

  • Anong ilang bagay ang ginagawa o magagawa ninyo na maaaring makatulong sa inyo na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan o passage?

Maaaring kabilang sa mga sagot ang pag-ulit sa mga parirala o passage, pagsulat sa mga ito, o paggamit ng mga flashcard o mga papel na ginawa ng mga estudyante sa Lesson 15: “Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1.”

Maaari kang magpakita o magbigay sa bawat estudyante ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila. Ang listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Lumang Tipan ay makikita sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Sabihin sa mga estudyante na maglaan ng ilang minuto para sa sumusunod na aktibidad:

Sundin ang payo ni Elder Scott na “bumuo ng … [mga] bagong pagkakaibigan” sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga reference at mahahalagang parirala para sa ilang doctrinal mastery scripture. Maaari ka ring magsaulo ng isang buong passage.

Pumili ng isa sa mga parirala o passage na isinaulo mo, at sagutin ang sumusunod na tanong:

  • Paano maaaring magsilbing kaibigan ang talatang ito para sa iyo? (Paano ito makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon o kapanatagan, o pagmumulan ng kinakailangang pagbabago?)

Anyayahan ang maraming estudyante na magbahagi. Maaari mo ring ibahagi ang sarili mong saloobin. Maghanap ng mga paraan para mahikayat ang mga estudyante na patuloy na magsaulo ng mga banal na kasulatan.

Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga nauugnay na sitwasyon. Bago magpatuloy, maaaring makatulong na anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntuning ito. Ang kakayahan ng mga estudyante na alalahanin at ipamuhay ang mga alituntuning ito ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay mapapahusay sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagrerebyu at pagsasanay. Makikita ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu sa bahagi ng appendix na may pamagat na “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.” Ang mga paglalarawan sa mga alituntunin ay matatagpuan sa talata 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Pag-isipang mabuti ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at humingi ng tulong sa Panginoon para makapili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon o maiakma ito o makagawa ng bago para mas matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. O basahin nang malakas ang dalawa o tatlo sa mga sitwasyon at anyayahan ang klase na pumili ng isa na sa palagay nila ay magiging pinakamakabuluhan na pagtuunan.

  • “Naririnig kong pinag-uusapan ng ibang kabataan ang tungkol sa pagbabahagi ng mahalay, di-angkop, o maging ng sarili nilang mga hubad na larawan o ng ibang tao sa kanilang cellphone. Masasabi kong hindi nila naiisip na isa itong seryosong bagay. Siguro ay karaniwan lang itong bahagi ng mga relasyon, o karaniwan lang nila itong ginagawa.”

  • “Parang karaniwan lang na makakita at makarinig ng mga seksuwal na bagay. May mga seksuwal na bagay sa mga biro, tagpo sa mga pelikula, online video, at iba pa. Ang itinuturing na angkop ng mga lider ng Simbahan ay iba kumpara sa sinasabing normal ng maraming tao. Sa palagay ko ay iba na ang panahon ngayon at hindi na ito malaking bagay gaya ng dati.”

  • “Nagkaroon ako noon ng mga lesson tungkol sa batas ng kalinisang-puri, ngunit tila maraming tinedyer kung saan ako nakatira ang aktibo sa seksuwal o walang plano na maghintay hanggang sa maikasal. Sa palagay ko ay nauunawaan ko kung bakit sinasabi sa atin ng mga lider ng Simbahan na maging dalisay ang puri, at maraming kabutihan tungkol dito, pero kung minsan naiisip ko kung sulit ba ito.”

    Sabihin sa mga estudyante na isipin kunwari na kasama nila ang taong nagsasalita sa sitwasyon. Ipaliwanag na ito ay isang taong may matapat na puso. Ipaalala sa mga estudyante na dapat nating sikaping pakitunguhan ang lahat ng tao nang may pagmamahal at paggalang gaya ng ginagawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Anong mga haka-haka tungkol sa batas ng kalinisang-puri ang napansin ninyo sa sitwasyong ito?

    Ipaliwanag na maghahanda ang klase para matulungan ang taong ito. Habang tinatalakay ng mga estudyante ang sumusunod na tanong, tiyakin sa kanila na walang maling sagot.

  • Kung sinusubukan ninyong tulungan ang taong ito, anong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang una ninyong pagtutuunan? Bakit?

Maghanda ng paraan kung paano magagamit ang alituntuning ito ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan ang taong ito. Maaaring kabilang dito ang:

  • Isang tanong na maaari ninyong itanong sa taong ito.

  • Mga banal na kasulatan, kabilang na ang mga doctrinal mastery passage, o mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong.

  • Ang sarili ninyong mga saloobin, nadarama, o patotoo.

Kung makatutulong, ipakita ang mga sumusunod na tanong para matulungan ang mga estudyante. Bilang alternatibo, maaaring maghanda mismo ang mga estudyante ng sarili nilang paraan para magamit ang isang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pagkatapos ay maaari nilang gamitin ang mga sumusunod na tanong upang maghanda ng paraan para magamit ang karagdagang alituntunin.

Suriin ang mga Konsepto at Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw

  • Paano makatutulong sa tao sa sitwasyon ang pag-unawa sa nadarama ng Diyos tungkol sa kadalisayan ng puri? (tingnan sa Genesis 39:9; 1 Corinto 6:18–19; Jacob 2:28).

  • Sa inyong palagay, anong mga pagpili ang maaaring gawin nila dahil sa ugali ng taong ito?

Hangaring Mas Makaunawa sa pamamagitan ng Sources na Ibinigay ng Diyos

Kumilos nang may Pananampalataya

  • Sa sitwasyong ito, paano kaya ang pagkilos nang may pananampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo?

  • Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ano ang maaari mong gawin para maanyayahan ang tulong at kapangyarihan ng Tagapagligtas sa iyong buhay?

Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante para makapaghanda, sabihin sa kanila na magbahagi. Maaari kang magbigay ng follow-up na mga tanong gaya ng “May iba pa bang gustong magdagdag sa ibinahagi?” “Sa inyong palagay, paano maaaring tumugon sa ibinahagi ang taong sinisikap nating matulungan?” “Paano natin matutulungan ang taong ito na mas madama ang pagmamahal ng Panginoon at mas madamang hingin ang Kanyang tulong?” at “Paano makatutulong ang ibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?”

Sa inyong study journal, isulat ang natutuhan ninyo mula sa karanasang ito na gusto ninyong maalala. Maaaring kabilang dito ang paraan kung paano makatutulong sa inyo ang proseso ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa anumang tanong o alalahanin ninyo.