“Exodo 7–13: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Exodo 7–13: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Exodo 7–11
Exodo 7–13
Buod
Ipinakita ng Panginoon ang Kanyang kapangyarihan sa harapan ni Faraon nang maraming beses sa magkakasunod na salot. Ang huling salot na magpapalaya sa mga Israelita ay kamatayan ng lahat ng panganay na anak sa Ehipto. Gayunpaman, nagbigay ang Panginoon ng mga tagubilin upang ang salot ay “lalampasan” ang mga taong masunurin na nagtiwala sa Kanya (tingnan sa Exodo 12:13). Upang matulungan ang mga anak ni Israel na maalaala na iniligtas sila ng Panginoon mula sa Ehipto, pinasimulan Niya ang Pista ng Paskuwa. Kasama rin sa linggong ito ang isang lesson sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery.
Tulungan ang mga estudyante na makahanap ng personal na kahulugan sa doktrinang itinuturo mo. Sa pagtulong sa mga estudyante na maunawaan ang personal na kaugnayan ng doktrina ng Tagapagligtas, madarama nila na makabuluhan at kapaki-pakinabang ang natutuhan nila. Matatagpuan ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 43: “Exodo 12–13, Bahagi 2.” Para malaman ang iba pa, tingnan sa “Tinulungan ng Tagapagligtas ang mga Tao na Makahanap ng Personal na Kaugnayan sa Kanyang Doktrina” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 23).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Exodo 7–11
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makikilala ang kapangyarihan ng Panginoon at maniniwala sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay mula sa oras ng klase ngayon hanggang sa susunod na klase.
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart tungkol sa mga salot at ang dalawang kasunod na tanong
Exodo 12–13, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng Tagapagligtas at ng Kanyang Pagbabayad-sala sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga simbolo ni Jesucristo na napag-aralan na nila noon. Hilingin sa kanila na isipin kung ano ang itinuturo ng mga simbolong iyon tungkol sa Kanya. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na pumili ng isang simbolo at ipaliwanag sa isang tao kung ano ang itinuturo nito tungkol kay Jesucristo.
-
Larawan: Ang hapunan sa Paskuwa
Exodo 12–13, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalaala ang Tagapagligtas habang naghahanda at nakikibahagi sila sa ordenansa ng sakramento.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang bagay na nakatulong sa kanila na maalaala ang Tagapagligtas bago tumanggap, habang tumatanggap, at pagkatapos tumanggap ng sakramento. Maaaring kabilang dito ang isang paboritong larawan, banal na kasulatan, himno, o sipi.
-
Mga materyal na ipapakita: Isang larawan o bagay na tumutulong sa inyo na maalaala ang isang bagay o isang taong mahalaga sa inyo
-
Mga larawan: Isang larawan ni Jesucristo; Ang hapunan sa Paskuwa; Si Jesucristo sa Huling Hapunan
-
Video: “The Last Supper” (5:55) mula sa time code na 0:00 hanggang 1:18 at mula sa time code na 2:13 hanggang 3:15
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel at mga kagamitan sa sining
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na isaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage mula sa Lumang Tipan at isaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Kung gusto nila, maaari din nilang isaulo ang buong passage. Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano makatutulong sa kanilang buhay ang pagsasaulo ng mahahalagang parirala o talata.
-
Nilalamang ipapakita: Isang listahan ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante. Ang listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Lumang Tipan ay makikita sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
-
Mga materyal para sa mga estudyante: mga polyeto na Para sa Lakas ng mga Kabataan; ang bahaging may pamagat na “Ang mga Pagpapala ng Pagiging Malinis” sa mensahe ni Elder David A. Bednar sa pangkalahatang kumperensya na “Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis” (Liahona, Mayo 2013, 43–44)