Seminary
Exodo 15; 17: Pagtukoy sa mga Katotohanang mula sa Diyos sa mga Banal na Kasulatan


“Exodo 15; 17: Pagtukoy sa mga Katotohanang mula sa Diyos sa Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Exodo 15; 17: Pagtukoy sa mga Katotohanang mula sa Diyos sa mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 14–18: Lesson 46

Exodo 15; 17

Pagtukoy sa mga Katotohanang mula sa Diyos sa mga Banal na Kasulatan

Moses sitting on a rock having his hands held up by Aaron and Hur.

Kadalasang ginagamit ng Diyos ang mga pisikal na karanasan para magturo ng mahahalagang espirituwal na aral. Halimbawa, ginamit ng Diyos ang mga pangangailangan ng mga Israelita sa tubig at tulong sa digmaan para maturuan sila at tayo. Sa pamamagitan ng pagsasanay at patnubay ng Espiritu, matututuhan nating matukoy at maipamuhay ang mga espirituwal na katotohanan sa mga salaysay sa banal na kasulatan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magsanay sa pagtukoy sa mga katotohanang mula sa Diyos sa mga salaysay sa banal na kasulatan at pagkonekta ng mga katotohanang ito sa kanilang buhay.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga salaysay na napag-aralan na nila mula sa Lumang Tipan at sa Mahalagang Perlas ngayong semestre. Hilingin sa kanila na pumasok sa klase nang handang magbahagi kung paano nila kukumpletuhin ang sumusunod na pangungusap: “Gusto ko ang salaysay tungkol sa dahil itinuturo nito sa akin na .”

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagtukoy sa mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga banal na kasulatan

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong maghanap at magbahagi ng iba’t ibang katotohanan ng ebanghelyo. Makatutulong na ipaalala sa mga estudyante na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan ng ebanghelyo. Ipaliwanag na ang pagkatuto kung paano mahanap at maipamuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Para simulan ang lesson, maaari mong itanong sa mga estudyante kung paano nila pupunan ang mga patlang sa pangungusap sa ibaba. Kung makatutulong ang isang visual na paalala ng ilan sa mga salaysay na napag-aralan ninyo, maaari kang magpakita ng mga larawang tulad ng nasa ibaba. O sabihin sa mga estudyante na tingnan ang mga larawan sa Lumang Tipan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], na makikita sa Gospel Library sa ilalim ng “Mga Video at Larawan.”

Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap gamit ang napili ninyong salaysay sa banal na kasulatan:

“Gusto ko ang salaysay tungkol sa dahil itinuturo sa akin nito na .”

The Old Testament prophet standing beside an altar.  Abraham's son Isaac is strapped to the altar.  Abraham is holding a dagger in the air as he prepares to sacrifice Isaac. An angel is appearing before Abraham and commanding him to not sacrifice his son.
Joseph's brothers talking away his coat of many colors.
The Old Testament prophet Moses standing with his arm extended toward the Red Sea. Moses is commanding the Red Sea to part to allow the Israelites to escape the Pharoah of Egypt.

Habang nagbabahagi ang mga boluntaryo sa klase, maaari nilang isulat sa pisara ang mga katotohanang matutukoy nila. Ang mga katotohanang ibabahagi nila ay maaaring ipahayag bilang doktrina, gaya ng “Tayo ay mga anak ng Diyos” (tingnan sa Moises 1:1–7). O maaaring ipahayag ang mga ito bilang mga alituntunin na magagamit, gaya ng “Kung handa tayong pamunuan ng Diyos, daragdagan Niya ang ating kakayahang isakatuparan ang Kanyang gawain” (tingnan sa Moises 6:31–36). Maaari mo ring sabihin sa mga estudyanteng magbabahagi na ipaliwanag kung bakit mahalaga sa kanilang buhay ang katotohanang isinulat nila.

icon ng seminary Bilang titser, sikaping huwag magbigay ng sarili mong sagot sa komento ng bawat estudyante. Makatutulong na sabihin sa klase na ibahagi ang natutuhan nila mula sa komento ng iba pang estudyante. Makatutulong ito sa mga estudyante na matuklasan ang sarili nilang mga saloobin at nadarama sa pamamagitan ng impluwensya ng Espiritu Santo. Para sa karagdagang pagsasanay tungkol dito, tingnan sa “Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro [2022].

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong ipaliwanag na may mahalagang pagkakaiba ang pagkagusto sa isang salaysay ng banal na kasulatan at ang paghahanap ng nauugnay na katotohanan mula sa Diyos sa salaysay na iyon. Ipaliwanag na kapag mapanalangin nilang hinangad ang patnubay ng Espiritu sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan, tutulungan sila ng Ama sa Langit na mahanap ang mga katotohanang pinakamahalaga sa kanila.

Matapos magbahagi ang mga estudyante, sabihin sa kanila na pagnilayan ang kanilang mga pagsisikap na makatukoy ng mga katotohanan sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na pahiwatig.

Isulat ang mga sagot ninyo sa mga sumusunod na tanong sa inyong study journal.

  • Ang personal mo bang pag-aaral ng banal na kasulatan ay tumutulong sa iyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Bakit o bakit hindi?

  • Gaano ka kadalas tumigil sandali sa iyong pag-aaral ng banal na kasulatan para matukoy ang mga katotohanan na sa palagay mo ay nais ng Ama sa Langit na pagtuunan mo?

  • Hinahangad mo bang maunawaan kung paano naaangkop sa iyong buhay ang mga salaysay sa banal na kasulatan?

Habang pinag-aaralan ninyo ang mga salaysay mula sa Exodo 15 at 17 ngayon, bigyang-pansin ang mga inspiradong kaisipan at damdamin mula sa Espiritu. Maghanap ng mga impresyon na makatutulong sa inyo na mas maunawaan ang inyong personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.

Pagtukoy sa mga katotohanan ng ebanghelyo mula sa Exodo 15, 17

Sa bahaging ito ng lesson, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong tumukoy at maghanap ng mahahalagang katotohanan mula sa salaysay tungkol sa pangangalaga ng Panginoon sa mga Israelita sa ilang.

icon ng seminary Maaari mong pagpartner-partnerin ang klase. Bumuo ng magkakaparehong bilang ng magkakapartner para pag-aralan ang bawat isa sa mga salaysay sa handout. Maaari mong isama ang mga estudyanteng walang gaanong karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa mga estudyanteng mas may karanasan dito.

Tiyaking mabibigyan ng sapat na oras ang magkakapartner para makapag-usap at makapaghanda. Maaari kang maglakad-lakad sa paligid at tulungan ang mga estudyante na maaaring mangailangan ng kaunting patnubay.

Matapos ang sapat na oras ng pag-aaral, pagtalakay, at paghahanda, bigyan ng pagkakataon ang mga magkakapartner na ibahagi ang natutuhan nila. Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maaaring makapagbahagi ang mga estudyante depende sa magagamit na oras:

  • Magbabahagi ang bawat magkapartner sa isang magkapartner na may pinag-aralang ibang salaysay. Pagkatapos ay magpapalitan ulit para magbahagi sa isang magkapartner na nag-aral ng natitirang salaysay.

  • Magsasama muna ang magkakapartner at magbabahagi sa ibang nag-aral ng parehong salaysay. (Maaari nitong mabigyan ang mga estudyante ng mga karagdagang ideya tungkol sa sarili nilang salaysay.) Pagkatapos ay magsasama-sama ang mga estudyante at magbabahagi sa mga grupo na may anim na miyembro, na ang bawat magkapartner ay nag-aral ng ibang salaysay.

  • Magpapalitan ang magkakapartner sa paglalahad ng inihanda nila sa buong klase.

Gawing personal ang lesson

Para tapusin ang lesson, maaari kang gumamit ng mga pahiwatig na tulad ng sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na gawing personal ang natutuhan nila.

Isulat sa inyong study journal ang mga saloobin ninyo tungkol sa sumusunod:

  • Ano sa iyong palagay ang nais ng Ama sa Langit na maalala mo mula sa lesson na ito? Bakit?

  • Paano mo magagamit ang kasanayan sa pagtukoy sa mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan sa iyong personal na pag-aaral ng banal na kasulatan? Paano maaaring makaapekto sa iyong karanasan sa banal na kasulatan ang paggamit ng kasanayang ito?

Maaari mong anyayahan ang mga boluntaryo na magbahagi ng ilang bagay na isinulat nila sa kanilang study journal.

Maaari ka ring maghanap ng mga pagkakataon sa mga darating na lesson upang anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanang natutuhan nila mula sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.