Seminary
Exodo 24; 32–34: Ang Katarungan, Awa, at Mahabang Pagtitiis ng Panginoon


“Exodo 24; 32–34: Ang Katarungan, Awa, at Mahabang Pagtitiis ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Exodo 24; 32–34: Ang Katarungan, Awa, at Mahabang Pagtitiis ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 19–20; 24; 31–34: Lesson 51

Exodo 24; 32–34

Ang Katarungan, Awa, at Mahabang Pagtitiis ng Panginoon

Mural depicting prophets and events from the Old Testament and the Book of Mormon.  This part of the mural depicts Moses holding the stones of the Ten Commandments.  The Israelites can be seen in the background with the golden calf.

Paano nagtutugma ang katarungan, awa, at mahabang pagtitiis ng Tagapagligtas para pagpalain ang inyong buhay? Nang bumalik si Moises mula sa presensya ng Panginoon, nalaman niya na nilabag ng mga Israelita ang mga tipang ginawa nila at sumasamba sa isang gintong guya. Pinagdusahan ng mga Israelita ang mga bunga ng kasalanang ito, ngunit ipinakita ng Panginoon ang Kanyang katarungan, awa, at mahabang pagtitiis sa mga nagsisi at bumalik sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na ang Panginoon ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin kung paano nila nakita ang katarungan, pagmamahal, at mahabang pagtitiis (pagtitiyaga) ng Panginoon sa kanilang buhay. Maaari mo silang anyayahan na kausapin ang isang kapamilya o kaibigan tungkol sa kung paano nagtutugma ang katarungan at awa ng Panginoon upang pagpalain ang lahat ng Kanyang anak.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Panginoon ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis

Maaari kang magpakita ng larawan ng Tagapagligtas. Talakayin ang sumusunod na tanong.

  • Anong salita ang gagamitin ninyo para ilarawan ang pagkatao ng Tagapagligtas?

Anyayahan ang mga estudyante na isulat sa pisara ang salita nila. Maaari kang pumili ng ilang halimbawa at anyayahan ang mga estudyanteng sumulat ng mga salita para ilarawan kung bakit pinili nila ang katangian na iyon ng Tagapagligtas.

Upang matulungan ang mga anak ni Israel na maunawaan Siya, inihayag ng Panginoon ang ilang mahahalagang elemento ng Kanyang pagkatao.

Basahin ang Exodo 34:6–7, at alamin ang mga katangian ng Tagapagligtas.

  • Ano ang natuklasan ninyo?

Sa mga katangiang maaaring matukoy ng mga estudyante, bigyang-diin ang katotohanan na ang Panginoon ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis. Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang “hindi magagalitin” (talata 6) ay naglalarawan sa pagtitiis ng Panginoon sa atin.

Maaari mong ibahagi sa mga estudyante na pag-aaralan nila kung paano naranasan ng mga anak ni Israel ang katarungan, awa, at mahabang pagtitiis ng Panginoon. Pag-aaralan din nila kung bakit mahalagang maunawaan natin ang mga katotohanang ito tungkol sa Panginoon.

Ang mga Israelita ang pinagtipanang tao ng Panginoon

Ang sumusunod na sitwasyon ay ginamit sa buong lesson para tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano maiuugnay sa mga kabataan ngayon ang kuwento tungkol sa mga Israelita. Ginamit sa sitwasyon ang pangalang “Kylie,” ngunit maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng pangalan at dagdagan o baguhin ang mga detalye ng kuwento.

Si Kylie, isang dalagita sa inyong paaralan, ay natututo tungkol sa ebanghelyo ng Tagapagligtas at nagpasiyang gumawa ng mga pagbabagong kailangan para mabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nais niyang makipagtipan sa Diyos na sundin ang Kanyang mga utos.

Tulungan ang mga estudyante na alalahanin na matapos mailigtas mula sa Egipto ang mga anak ni Israel, dinala sila ng Panginoon sa Bundok ng Sinai upang makipagtipan sa Kanya.

Basahin ang Exodo 24:3–8, at alamin kung ano ang maaaring nadama ng mga Israelita na katulad ng nadama ni Kylie.

  • Ano ang pinakamahalaga para sa inyo?

Maaaring makatulong na ipaliwanag sa mga estudyante na ang pagwiwisik ng dugo sa ibabaw ng dambana at sa mga tao (tingnan sa Exodo 24:6, 8) ay simboliko at pisikal na representasyon na handa ang mga Israelita na maging pinagtipanang tao ng Panginoon.

Ninais ng Panginoon na pagpalain ang mga anak ni Israel ng mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:19–23). Bumalik si Moises sa Bundok ng Sinai para tanggapin ang mga tagubilin ng Panginoon para sa mga ordenansa at planong ito para sa tabernakulo.

Paglabag sa ating mga tipan at ang mga bunga nito

Basahin ang Exodo 32:1–8, at alamin ang ginawa ng mga Israelita habang nasa bundok si Moises at tumatanggap ng tagubilin mula sa Diyos.

  • Ano ang natuklasan ninyo?

Composite of images of Moses, the golden calf and the Israelites in the wilderness.
  • Sa inyong palagay, bakit napakabigat na kasalanan ang paggawa at pagsamba sa gintong guya? (Tingnan sa Exodo 20:2–7.)

Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na nilabag ng mga Israelita ang tipang kagagawa lang nila sa Panginoon.

Maaari mong ibahagi ang isa pang bahagi ng sitwasyong katulad ng nangyari sa mga anak ni Israel at mas nauugnay sa mga kabataan. Maaaring magbigay ng mga halimbawa ang mga estudyante kung ano ang maaaring ginawa ni Kylie para labagin ang tipang ginawa niya sa binyag na sundin ang mga utos ng Diyos.

Pagkatapos ng kanyang binyag, nagsimulang maglaan ng oras si Kylie kasama ng mga dati niyang kaibigan, at nauwi ito sa mga dating kinagawian. Sa una, parang maliit lang ang mga pagkakamaling nagawa niya. Gayunpaman, hindi nagtagal ay bumalik na siya sa dati at nakasanayang pamumuhay. Nilabag niya ang tipang ginawa niya sa binyag.

  • Ano ang maaaring nakaimpluwensya sa desisyon ni Kylie?

Ang batas ng katarungan ng Panginoon

Basahin ang Exodo 32:15–20, at alamin ang mga bunga na dinanas ng Israel dahil sa kanilang kasalanan.

  • Ano ang nalaman ninyo?

    Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na bagama’t magagamit natin ang ating kalayaan para magkasala, makatarungan ang Panginoon. Samakatuwid, hindi natin matatakasan ang mga bunga ng ating mga kasalanan. Maaaring makatulong na ipaliwanag na binasag ni Moises ang mga tapyas ng bato na naglalaman ng mga tagubilin para sa mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood (tingnan sa Exodo 32:15–19; Pagsasalin ni Joseph Smith, Exodo 34:1–2 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]). Dahil sa kanilang mga desisyon, ang mga anak ni Israel ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapalang ito mula sa Panginoon. Bumalik si Moises sa presensya ng Panginoon. Iniutos ng Panginoon kay Moises na pasimulan na lang ang mga ordenansa ng Aaronic Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:24–26). Maaari mo ring banggitin na inilagay ni Moises ang tabernakulo sa labas ng kampo (tingnan sa Exodo 33:7), na sumisimbolo sa pagkawala ng presensya ng Panginoon sa Israel.

  • Ano ang ilan sa mga espirituwal at temporal na bunga na maaaring maranasan ni Kylie sa paglabag sa kanyang tipan sa binyag?

  • Paano ipinapakita ng mga bunga ang katarungan, awa, at mahabang pagtitiis ng Panginoon?

Maaari mong ipaliwanag na, tulad ng mga Israelita, maaaring hindi makatanggap si Kylie ng mga pagpapalang nagmumula sa mga ordenansa ng priesthood. Maaari ring mawala sa kanya ang palagiang pagsama ng Espiritu ng Panginoon.

Ang batas ng awa ng Panginoon

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na tiniyak ng Panginoon sa Israel na sila ay Kanyang mga tao pa rin (tingnan sa Exodo 33:12–19).

Balikan ang Exodo 34:6–7, at isipin kung bakit maaaring mahalagang ipaalala ng Panginoon sa mga anak ni Israel na Siya ay makatarungan, maawain, at may mahabang pagtitiis.

  • Paano ipinakita ng Panginoon ang Kanyang awa at mahabang pagtitiis sa mga anak ni Israel?

  • Paano maaaring makita ni Kylie ang awa at mahabang pagtitiis ng Panginoon sa kanyang buhay?

Ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano natutugunan ng awa ng Tagapagligtas ang batas ng katarungan:

13:53
Official portrait of Elder Quentin L. Cook.  Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Kung hindi sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, mangangailangan ng kaparusahan ang walang-hanggang alituntunin ng katarungan. Dahil sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, maaaring manaig ang awa para sa mga taong nagsisi at tutulutan silang makabalik sa piling ng Diyos. Makakabuti sa atin na pagnilayan ang kamangha-manghang doktrinang ito.

Walang makakabalik sa Diyos sa sarili lamang niyang mabubuting gawa; kailangan nating lahat ang kapakinabangan ng sakripisyo ng Tagapagligtas. Lahat tayo ay nagkasala, at matatamo natin ang awa at makakapiling ang Diyos sa pamamagitan lamang ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. (“Maging Tapat sa Diyos at sa Kanyang Gawain,” Liahona, Nob. 2022, 119)

  • Anong mga bahagi ng pahayag na ito ang maaari ninyong ibahagi kay Kylie?

    icon ng seminaryAng pagtatanong na nakatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano ipinapakita ng Panginoon ang Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa sa kanilang buhay ay magpapalakas ng kanilang koneksyon sa Kanya. Ang isang paraan para gawin ito ay anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang sumusunod na tanong.

    Para sa karagdagang training, tingnan sa “Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.

  • Anong katibayan ang nakita ninyo tungkol sa katarungan, awa, at mahabang pagtitiis ng Tagapagligtas sa inyong buhay o sa buhay ng isang taong kilala ninyo?

Ipakita ang pag-unawa

Ang aktibidad na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maibuod ang kanilang natutuhan ngayon. Maaari mo silang anyayahang tapusin ang kuwento ni Kylie. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na pahiwatig na kukumpletuhin ng mga estudyante.

  • Dahil sa kanyang mga karanasan, maaaring nalaman ni Kylie na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay .

  • Dahil sa natutuhan niya tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, nagpasiya si Kylie na .

Maaari mong anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi kung paano nila maaaring tapusin ang kuwento ni Kylie sa klase. Matapos magkaroon ng pagkakataon ang mga estudynate na ibahagi ang kanilang mga sagot, maaari mong ibahagi kung paano mo nakita ang katarungan, awa, at mahabang pagtitiis ng Panginoon sa iyong buhay.