Seminary
Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19: Buod


“Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19

Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19

Buod

Iniutos ng Panginoon sa mga Israelita na magtayo ng naililipat na tabernakulo, o templo, sa ilang. Bilang bahagi ng kanilang pagsamba sa tabernakulo, nagsagawa ang mga Israelita ng mga pag-aalay ng hayop. Ang tabernakulo at ang ordenansa ng sakripisyo ay simbolikong nagtuturo ng tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

icon ng seminaryMaghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo. Habang pinag-aaralan ninyo ng mga estudyante mo ang mga materyal sa linggong ito, hanapin ang makapangyarihang simbolismo na nagpapatotoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong matuto mula sa Espiritu Santo habang pinagninilayan nila kung ano ang maaaring kumatawan sa mga simbolong ito. Matatagpuan ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 52: “Exodo 25; 35–40.” Upang marami pang matutuhan, tingnan sa “Maghanap ng mga Simbolo na Nagpapatotoo kay Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 7).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Exodo 25; 35–40

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangarin na sambahin ang Panginoon sa Kanyang templo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang Gospel Library o temples.ChurchofJesusChrist.org upang maghanap ng mga larawan ng mga templo o video na nauugnay sa templo. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang nadarama nila tungkol sa templo ng Panginoon. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano sila natutulungan ng mga makabagong templo na maalala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

  • Handout:Ang Tabernakulo sa Lumang Tipan

  • Mga Video:The Tabernacle” (7:18); “Welcome to the Washington D.C. Temple” (11:46)

  • Nilalamang ipapakita: Gamit ang tape o tali, gumawa sa sahig ng silid-aralan ng diagram ng sinaunang tabernakulo kagaya ng nasa handout sa lesson

  • Mga Larawan: Makabagong templo; mga partikular na silid sa loob ng mga templo

Levitico, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pasasalamat kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang payo na ibibigay nila sa isang taong nahihirapang maunawaan ang ginawa ni Jesucristo para sa kanila. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na tanungin ang isang kapamilya o kaibigan kung ano ang maipapayo niya.

  • Mga Video:Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?” (12:44) mula sa time code na 0:00 hanggang 0:34; “Always Remember Him” (5:27)

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong na sasagutin sa study journal sa simula ng lesson

  • Mga Larawan: Isang paglalarawan ng isang hayop na iaalay sa tabi ng larawan ng Tagapagligtas na nakapako sa krus

  • Handout:Sinaunang Sakripisyo: Isang Simbolo ni Jesucristo

Levitico, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga sakripisyong magagawa nila upang maging mas katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gawin ang isang bagay na sa palagay nila ay magiging mabuting sakripisyo para sa Panginoon. Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ang pagbabayad ng ikapu o mga handog-ayuno, pagsasakripisyo ng oras upang tulungan ang isang taong nangangailangan, o pagsasakripisyo ng ilang minuto ng tulog para pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano nakaaapekto ang sakripisyong ito sa kanilang ugnayan sa Panginoon.

  • Larawan: Pie chart

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin na gagabay sa mga pag-aaral ng mga estudyante sa bahaging may pamagat na “Pagsunod sa batas ng sakripisyo sa ating panahon”; mga tagubilin para sa aktibidad sa study journal sa katapusan ng lesson

  • Video:Pasanin ang Ating Krus” (14:47) mula sa time code na 3:23 hanggang 3:49

I-assess ang Iyong Pagkatuto 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang paglago na naranasan nila sa pag-aaral nila ng Lumang Tipan kamakailan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan na umunlad sila sa espirituwal na aspeto nang pag-aralan nila ang Lumang Tipan ngayong taon. Maaari mong imungkahi na rebyuhin nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan sila na mapansin ang kanilang pag-unlad at pagkatuto.

  • Mga Larawan: mga propeta sa Lumang Tipan tulad nina Enoc, Noe, at Moises; tinapay; kasalukuyang propeta