Seminary
Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon: Matutulungan Tayo ng Tagapagligtas na Mapaigting ang Katatagan ng Ating Damdamin


“Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon: Matutulungan Tayo ng Tagapagligtas na Mapaigting ang Katatagan ng Ating Damdamin,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon: Matutulungan Tayo ng Tagapagligtas na Mapaigting ang Katatagan ng Ating Damdamin,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Pisikal at Emosyonal na Kalusugan: Lesson 181

Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon

Matutulungan Tayo ng Tagapagligtas na Mapaigting ang Katatagan ng Ating Damdamin

A young boy shielding himself from flying objects.

Gaano kahusay kayong nakaaangkop sa mga hamon na may kinalaman sa emosyon na kinakaharap ninyo? Ang matitinding emosyon ay normal na bahagi ng buhay. Nadaragdagan ang kakayahan nating tapat na tiisin ang mga damdaming ito kapag umaasa tayo sa lakas at kapangyarihan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na humugot ng lakas mula sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para makayanan ang kanilang mga emosyonal na hamon.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan o magtanong sa isang kakilala nila tungkol sa mga karanasan nila sa pagharap sa mahihirap na damdamin. Kung naaangkop, maaari silang maghandang ibahagi ang karanasan sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang mga buhawi sa ating buhay

Fallen tree and rootball in yard after tornado destruction in Albany, Georgia, USA, January 2017.  (horiz)
Cutaway showing the roots of a tree growing in windy conditions.

Upang simulan ang klase, maaari kang magpakita ng isang larawan ng puno na nabunot ng mga bagyo at isang larawan ng puno na nanatiling matibay na nakatanim sa lupa. Maaari mo ring anyayahan ang isang estudyante na magdrowing ng puno sa pisara habang ang iba pang miyembro ng klase ay magdodrowing ng katulad na puno sa kanilang study journal. Sa kaliwang bahagi ng puno, maaari mong hilingin sa mga estudyante na ilista ang ilan sa matitinding emosyon na kinakaharap ng mga tinedyer.

Ang mga emosyon ay normal na reaksyon ng katawan sa mga nararanasan sa araw-araw. Kung minsan, magaan at madaling kontrolin ang mga damdaming ito, tulad ng simoy ng hangin sa tag-init. Kung minsan, nakararanas tayo ng matitinding emosyon na parang mga buhawi.

Ang mga punong tinatamaan ng mga buhawi ay kadalasang may mga ugat na lumalaki nang mas mabilis, mas makapal, at mas malalim, na nagpapatibay at nagpapatatag sa puno. Habang hinahampas ito ng hangin, lumilikha rin ang puno ng mga istruktura ng cell na nagpapakapal sa puno at mga sanga. Gayon din, ang matutuhang tumugon sa mga sandali ng matinding emosyon sa pamamagitan ng pagsunod sa Tagapagligtas ay magpapalakas sa ating kakayahang magtiis.

Bilang alternatibo, maaari mong ipakita ang paglalarawan ni Elder Andersen sa nangyayari sa isang puno na hinahampas ng hangin sa video na “Mga Espirituwal na Buhawi,” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:10, mula sa ChurchofJesusChrist.org.

15:55

Sa inyong study journal, isulat ang ilan sa mga emosyonal na buhawi na naranasan ninyo noon o kinakaharap ninyo ngayon.

Sa pagsasalita tungkol sa mga buhawi ng buhay, itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

15:55
Former Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.   Replaced September 2019.

Kayo ay lalong mas mahalaga sa Diyos kaysa sa isang puno. Kayo ay Kanyang anak na lalaki o babae. Ginawa Niyang malakas at matibay ang inyong espiritu laban sa mga pagsubok sa buhay. Ang mga buhawi sa inyong kabataan, tulad ng hanging humahampas sa isang batang puno, ay magpapaibayo sa inyong espirituwal na lakas, at inihahanda kayo sa darating na mga taon. (“Mga Espirituwal na Buhawi,” Liahona, Mayo 2014, 18)

  • Paano makatutulong ang mensahe ni Elder Andersen sa isang tinedyer na nakadarama ng hirap na dulot ng mga emosyonal na buhawi?

Maaari mong ibahagi na ang kakayahang makayanan ang mga buhawing ito ay tinatawag na katatagan ng damdamin. Maaari mong ibahagi na sa buong taon, matututo ang mga estudyante ng mga kasanayan na makatutulong sa kanila na mas mapatatag ang kanilang damdamin.

Kapag mas pinatatag natin ang ating damdamin, magkakaroon tayo ng mga naaangkop na paraan upang harapin ang matitinding saloobin at damdamin na nararanasan natin. Matututuhan nating kilalanin kung paano tayo pinalalakas ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag ganito ang nararamdaman natin at kapag hinihimok nila tayong humingi ng karagdagang tulong.

Habang nag-aaral kayo, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong matukoy ang mga paraan kung paano ninyo mahihingi ang tulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag nakararanas kayo ng mga emosyonal na buhawi.

Nangangako ang Tagapagligtas na sasamahan at palalakasin Niya tayo

Para matulungan ang mga estudyante na makakita ng halimbawa ng nagpapalakas na kapangyarihan ng Panginoon, maaari mong ibahagi ang kuwento ni Josue. Maaaring pinag-aralan na ng mga estudyante ang salaysay tungkol sa pagtawag ng Panginoon kay Josue upang pamunuan ang Israel kasunod ni Moises sa Lesson 61: “Josue 1.”

Nasa isang mahirap na posisyon si Josue nang tinanggap niya ang mga tungkulin ng propeta at pinuno ng militar na responsable para sa pagtatatag ng bagong bansa kasunod ng pamumuno ni Moises.

  • Ano sa palagay ninyo ang mga emosyong mararamdaman ninyo kung kayo ang nasa sitwasyon ni Josue?

Basahin ang Josue 1:1, 5–9, at alamin ang ipinangako ng Panginoon kay Josue habang hinaharap niya ang mga hamon na ito.

  • Ano ang matututuhan natin na makatutulong sa atin na harapin ang mga hamon ng buhay?

Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanan tulad ng habang buong tapang nating sinusunod ang Panginoon, sasamahan at palalakasin Niya tayo.

Para matulungan ang mga estudyante na maramdaman ang kapangyarihan ng katotohanang ito, maaari mong ipanood ang iba pang bahagi ng mensahe ni Elder Andersen sa “Mga Espirituwal na Buhawi,” mula sa time code na 1:33 hanggang 2:12 mula sa ChurchofJesusChrist.org, o ibahagi ang kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya mula sa “Mga Espirituwal na Buhawi,” na may time code na 4:12–4:48.

15:55
15:55

Kumpletuhin ang mga sumusunod na prompt sa inyong study journal sa ilalim ng inyong drowing ng puno.

  • Ilarawan ang inyong kakayahang makayanan ang mga emosyonal na hamon. Anong mga emosyon sa tingin ninyo ang mahusay ninyong nakakayanan? Ano ang mahirap pa rin para sa inyo?

  • Ilarawan ang inyong kakayahang tumanggap ng tulong mula sa Panginoon para sa mga emosyong ito. Anong mga tagumpay ang nakamit ninyo? Ano na ang nasubukan ninyo na hindi gumana gaya ng inaasahan ninyo?

Makatutulong sa atin ang pagninilay ng banal na kasulatan para madama ang lakas ng Panginoon

Basahin ang Josue 1:8, at muling alamin kung ano ang tutulong kay Josue na sundin ang Panginoon.

  • Ano ang nalaman ninyo?

    Maaari mong ipaliwanag na noong harapin ni Josue ang kanyang mga hamon, sinabihan siya ng Panginoon na pagnilayan o pagbulay-bulayan ang mga banal na kasulatan (“aklat ng kautusan”) araw at gabi (tingnan sa Josue 1:8). Maaari mong ipaliwanag na ang isang paraan kung paano tayo makahahanap ng emosyonal na lakas sa Panginoon ay sa pamamagitan ng pagninilay sa mga banal na kasulatan.

  • Paano makatutulong ang pagninilay sa mga salita ng Panginoon para madaig ng isang tao ang mga emosyonal na hamon?

Habang tinitingnan ang listahan ng mga emosyon sa pisara, maghanap ng isa o mahigit pang mga scripture passage na maaaring makatulong sa isang taong nakadarama ng mga emosyong ito.

Makahahanap ang estudyante ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagtingin sa mga doctrinal mastery passage o sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, na naghahanap ng mga salitang tulad ng “aliw, kapanatagan,” “kapayapaan,” “lakas,” o “pag-asa.” Makatutulong din ang artikulong “12 Talata sa Banal na Kasulatan Kapag Nadarama Mo …” (Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2024, 41). Habang nagbabahagi ang mga estudyante ng mga banal na kasulatan, ilista ang banal na kasulatan sa kanang bahagi ng puno sa tabi ng emosyong pinili nila. Ang sumusunod ay ilang halimbawa na maaaring ibahagi ng mga estudyante.

Nahihirapan: Isaias 40:28–31.

Natatakot: Juan 14:27

Malungkot: Apocalipsis 21:3–5

Kinalimutan: Lucas 12:6–7

Pinanghinaan ng loob: Isaias 43:1–2, 5

Nag-iisa: Doktrina at mga Tipan 68:6

Pagnilayan ang Kanyang salita

Para matulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagninilay-nilay ng mga banal na kasulatan kapag nahaharap sa matitinding emosyon, ipakita ang sumusunod.

Pumili ng isang emosyon na nakalista sa pisara na inyong nararamdaman ngayon o naramdaman noon. Basahin ang banal na kasulatan sa tabi ng emosyon at pagnilayan ang mga salita ng talata sa pamamagitan ng pagtatanong sa inyong sarili ng mga tanong na katulad nito:

  • Anong mga salita o parirala ang makatutulong kapag ganito ang nararamdaman ko?

  • Ano ang ipinauunawa sa akin ng banal na kasulatang ito tungkol sa pagmamahal at kapangyarihan ng Panginoon?

    Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang emosyon na pinili nila, ang banal na kasulatan na kanilang pinagnilayan, at kung bakit nadama nila na ang pagninilay-nilay sa mga salita ng Panginoon ay makatutulong sa kanila na makahanap ng higit na katatagan ng damdamin sa Kanya.

  • Kailan ninyo nahanap o ng isang kakilala ninyo ang kapanatagan o lakas ng Ama sa Langit at ni Jesucristo mula sa pagninilay-nilay sa isang scripture passage?

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sarili mong karanasan sa nadama mong kapanatagan o lakas ng Panginoon mula sa isang scripture passage. Anyayahan ang mga estudyante na patuloy na umasa sa mga banal na kasulatan para tulungan silang madama ang kapangyarihan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag nararanasan nila ang mahihirap na emosyon.