Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: 1 Mga Hari 17–Esther


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: 1 Mga Hari 17–Esther,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: 1 Mga Hari 17–Esther,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Esther: Lesson 96

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

1 Mga Hari 17–Esther

A young man in the corner of a room measuring his height.

Ang pagninilay at pag-assess sa ating espirituwal na pagkatuto ay makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Nilalayon ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga layuning itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila habang pinag-aaralan nila ang 1 Mga Hari 17–Esther.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng scripture passage na makabuluhan sa kanila mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan.Hilingin sa kanila na isipin kung paano sila tinutulungan ng passage na iyon na sundin si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang pag-aaral ng klase mo ng 1 Mga Hari 17–Esther ay maaaring tumuon sa mga resultang naiiba sa mga ina-assess sa lesson na ito.Kung gayon, iakma ang mga aktibidad upang i-assess ang pag-unlad na naranasan ng mga estudyante mula sa mga resultang pinagtuunan sa klase mo.

Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong i-assess ang kanilang progreso sa mga sumusunod na aspeto:

  1. Nakadarama ng mas matinding hangaring umasa sa Panginoon para sa lakas at kaligtasan.(Tandaan: Nakabatay ang aktibidad na ito sa mga turo mula sa Lesson 74: “1 Samuel 17”; Lesson 85: “2 Mga Hari 6”; Lesson 86: “2 Mga Hari 18–20”; Lesson 95: “Esther Bahagi 2.”)

  2. Pagiging disipulo ni Jesucristo.(Tandaan: Ang aktibidad na ito ay maaaring gumamit ng anumang lesson na nakatuon sa pagpaplano o pagtatakda ng mithiin para sa pagsasabuhay.Hindi inaasahan na pinag-aralan ng mga estudyante ang bawat isa sa mga lessson na nakalista rito na may aktibidad para maging handa para sa assessment na ito.)

Espirituwal na Pag-unlad

Anyayahan ang mga estudyante na ihambing ang kanilang taas ngayon sa kanilang taas noong sila ay bata pa.

Maaari mong ipakita ang larawan sa unang bahagi ng lesson.

  • Paano maaaring ikumpara ang pagtukoy sa pagbabago ng ating taas sa pagtukoy sa ating espirituwal na pag-unlad?

  • Ano ang mga paraan kung paano natin matutukoy na umuunlad tayo sa espirituwal at nagiging higit na katulad ng Tagapagligtas?

    Habang tinatalakay ng mga estudyante ang mga tanong, maaari mo silang tulungan na mapansin na ang pagbabago ng ating taas ay hindi nakikita araw-araw, ngunit mapapansin ito sa paglipas ng panahon.Gayundin, ang ating espirituwal na pag-unlad ay kadalasang napapansin kapag sinusuri natin ang ating buhay sa paglipas ng panahon.Halimbawa, maaaring makadama tayo ng mas matinding hangaring gumawa ng mabuti (tingnan sa Mosias 5:2), maging mas palagian ang ating mga panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o mas mahalin ang ating kapwa.

    Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila sa klase sa nakalipas na ilang linggo at ang anumang espirituwal na impresyong maaaring natanggap nila.Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga entry sa journal na maaaring naisulat nila at ang mga banal na kasulatan na maaaring nabasa o namarkahan nila.Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal bago talakayin ang mga ito bilang isang klase.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo sa iyong pag-aaral ng Lumang Tipan?

  • Sa anong mga paraan nakatulong sa iyo ang mga katotohanang natutuhan at naisabuhay mo na sundin si Jesucristo?

Makadama ng mas matinding hangaring umasa sa Panginoon para sa lakas at kaligtasan

Nang pag-aralan ng mga estudyante ang Lumang Tipan, maaaring nabigyang-inspirasyon sila ng mga halimbawa ng pagpapala ng Panginoon sa mga indibiduwal na umasa sa Kanya para sa lakas at kaligtasan.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na pahayag upang matulungan ang mga estudyante na maalala ang mga huling halimbawa na maaaring napag-aralan nila.Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga sumusunod na pahayag nang hindi kasama ang mga pangalan ng mga nagsabi nito.Ilista ang mga pangalan nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod.Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na itugma ang pahayag sa kung sino ang nagsabi nito.

Kung posible, maaari ka ring magpakita ng mga larawang nauugnay sa bawat indibiduwal.

David—“Lumalapit ka sa akin na may tabak, may maliit at malaking sibat, ngunit ako’y lumalapit sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel” (1 Samuel 17:45).

The boy David (from the Old Testament) is bent over with his slingshot in his left hand. Goliath, in full armor, is falling back as the stone hits him. The army can be seen in the background.

Eliseo—“Huwag kang matakot, sapagkat ang mga kasama natin ay higit kaysa mga kasama nila” (2 Mga Hari 6:16).

Hezekias—“Magpakalakas at magpakatapang na mabuti. Huwag kayong matakot … sapagkat sa panig natin ay mayroong lalong dakila kaysa kanya.Ang nasa kanya ay isang kamay na laman, ngunit kasama natin ang Panginoon nating Diyos na tutulong at lalaban sa ating mga pakikipaglaban” (2 Mga Cronica 32:7–8).

King Hezekiah and the people are gathered at the temple. Levites and priests are also seen playing musical instruments as the people joyfully sing.

Esther—“Ako at ang aking mga babaing alalay ay mag-aayuno ring gaya ninyo. Pagkatapos ay pupunta ako sa hari bagaman labag sa batas. At kung ako’y mamamatay, ay mamatay” (Esther 4:16).

Mormon Messages: Having Courage & Trusting the Lord: Stand Up for What You Believe In

Maaari mong ipaalala sa mga estudyante ang mga aktibidad mula sa mga lesson tungkol sa mga indibiduwal na ito.Makatutulong ito sa estudyante na maalala ang mga damdamin at impresyon na maaaring nadama nila sa kanilang pag-aaral.

Maaaring alalahanin ng mga estudyante ang batong iginuhit nila para kumatawan sa isang paraan kung paano manampalataya kay Jesucristo kahit nahaharap sila sa hamon sa Lesson 74: “1 Samuel 17.“

Maaaring alalahanin ng mga estudyante ang listahan ng mga paraan kung paano tayo binabantayan at pinangangalagaan ng Panginoon sa Lesson 85: “2 Mga Hari 6.“

Maaaring alalahanin ng mga estudyante kung paano iniligtas ng Panginoon si Haring Hezekias at ang mga Judio sa Lesson 86: “2 Mga Hari 18–20.“

Maaaring alalahanin ng mga estudyante kung paano nila isinulat muli ang Esther 4:16 sa Lesson 95: “Esther Bahagi 2.“

  • Paano kayo nabigyang-inspirasyon ng mga paraan kung paano pinagpala ng Panginoon ang isa o mahigit pa sa mga indibiduwal na ito?

    Pagkatapos suriin ang mga salaysay sa banal na kasulatan, anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang sarili nilang damdamin.Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na sagutin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.Pagkatapos ng sapat na oras, maaring ibahagi sa klase ng mga handang estudyante ang kanilang mga naisip at nadama.

  • Ano ang natututuhan mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makatutulong sa iyo na umasa sa Kanila para sa lakas at kaligtasan?

  • Ano ang naranasan mo kamakailan na nagpatindi sa iyong hangaring umasa sa Ama sa Langit at kay Jesucristo para sa lakas at kaligtasan?

Pagiging disipulo ni Jesucristo

Opsiyon 1

Maaaring nagkaroon ng maraming pagkakataon ang mga estudyante sa mga lesson kamakailan na palalimin ang kanilang pagkadisipulo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.Narito ang listahan ng mga lesson na kung saan maaaring nagtakda ang mga estudyante ng mga mithiin para palalimin ang kanilang pagkadisipulo:

Sa Lesson 81: “1 Kings 17,“ inanyayahan ang mga estudyante na kumilos nang may higit na pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga salita ng Kanyang mga propeta.

Sa Lesson 84: “2 Kings 5,“ inanyayahan ang mga estudyante na gawin ang maliliit at mga karaniwang bagay na ipinagagawa sa atin ng Panginoon.

Sa Lesson 87: “2 Kings 21–23,“ inanyayahan ang mga estudyante na bumaling sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.

Sa Lesson 90: “2 Mga Cronica 14–16,“ inanyayahan ang mga estudyante na gumawa ng plano para hanapin ang Panginoon.

Sa Lesson 93: “Nehemias,“ inanyayahan ang mga estudyante na manatiling nakatuon sa gawaing ibinigay sa kanila ng Ama sa Langit.

Sa Lesson 95: “Esther, Bahagi 2,“ inanyayahan ang mga estudyante na kumilos nang may tapang upang magawa ang kalooban ng Panginoon.

Mapanalanging pag-isipan kung aling mga plano o mithiin ang maaaring nagawa ng mga estudyante sa mga lesson na ito para palalimin ang kanilang pagkadisipulo kay Jesucristo.Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na suriin ang kanilang mga pagsisikap na gawin ang kanilang mga plano at mithiin.Maaaring makita ng mga estudyante ang kanilang mga tagumpay at muling mangako o magpatuloy sa kanilang plano.Ang sumusunod na graphic ay maaaring makatulong sa mga estudyate na magpatuloy sa pagsisikap na makamit ang kanilang mga mithiin.

Opsiyon 2

Maaaring gamitin ang sumusunod na prompt at graphic upang matulungan ang mga estudyante na makilala at tumugon sa mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo.

Isipin kung ano ang nahikayat kang gawin nitong mga nakaraang linggo dahil sa pahiwatig ng Espiritu Santo.Ang mga pahiwatig na ito ay maaaring dumating sa iba’t ibang sitwasyon, kabilang ang tahanan, simbahan, o seminary.Para sa bawat pahiwatig na naramdaman mo, isipin kung nasaan ka sa sumusunod na diagram.Isulat ang mga naisip mo sa iyong study journal tungkol sa kung ano sa palagay mo ang susunod mong mga hakbang upang sundin ang mga pahiwatig na natanggap mo.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na tahimik na magnilay at magsulat sa kanilang journal.Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong talakayin sa mga estudyante ang ilan sa mga sumusunod na tanong.

  • Ano sa palagay ninyo ang ilan sa mas mahihirap na hakbang sa prosesong ito?

  • Sa anong mga paraan tayo makakakuha ng lakas mula kay Jesucristo upang madaig ang mga balakid na ito sa ating pagkadisipulo?