Seminary
1 Samuel 17: David at Goliat


“1 Samuel 17: David at Goliat,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“1 Samuel 17: David at Goliat,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7: Lesson 74

1 Samuel 17

David at Goliat

The boy David (from the Old Testament) is bent over with his slingshot in his left hand. Goliath, in full armor, is falling back as the stone hits him. The army can be seen in the background.

Nang humayo si David para kalabanin si Goliat, si David ay “kabataan pa,” na humarap kay Goliat, “isang lalaking mandirigma mula sa kanyang pagkabata” (1 Samuel 17:33). Gayunpaman, alam ni David na sasamahan siya ng Panginoon, at malaki ang kaibhang nagawa nito. Ngayon, makahahanap tayo ng lakas sa ating mga hamon habang kinakaharap natin ang mga ito kasama si Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa sa Panginoon habang kinakaharap nila ang kanilang mga hamon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring kailangang magpakita ng tapang ang isang kabataan. Maaaring magtanong ang mga estudyante sa kapamilya o kaibigan tungkol sa mga karanasan nila na nangailangan ng tapang.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Aking Goliat

Bago magsimula ang klase, maaaring maglagay ng tape o isa pang uri ng marker sa dingding para maipakita kung gaano katangkad si Goliat (humigit-kumulang 9 na talampakan at 9 na pulgada, o 3 metro).

Ipakita ang larawan mula sa simula ng lesson.

  • Ano ang alam ninyo tungkol sa kuwento nina David at Goliat?

    Anyayahan ang ilang estudyante na tumayo at ihambing ang taas nila sa taas ni Goliat sa dingding. Hikayatin silang isipin kung ano kaya ang pakiramdam na makaharap si Goliat sa isang labanan.

    Magdrowing sa pisara ng malaking stick figure na kumakatawan kay Goliat. Lagyan ito ng label na Ating mga Hamon. Anyayahan ang mga estudyante na ilista ang mga hamon na kinakaharap ng mga kabataan sa tabi ng malaking stick figure sa pisara.

  • Ano ang ilang hamon—malaki man o maliit—na kinakaharap ng mga kabataan ngayon?

Pagkatapos maglista ng mga estudyante ng ilang hamon sa pisara, anyayahan silang magdrowing ng malaking stick figure sa kanilang study journal at lagyan ito ng label na Aking Hamon. Maaaring magsulat ang mga estudyante ng personal na hamon sa tabi ng kanilang stick figure. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang sumusunod:

Pagnilayan ang anumang hamon na maaaring nararanasan mo sa iyong buhay. Pumili ng isa na pagtutuunan ngayon. Isipin kung gaano kalaki ang kumpiyansang nadarama mo na matutulungan ka ng Panginoon sa hamong ito. Isulat ang mga naisip mo sa iyong journal.

Habang pinag-aaralan ninyo ang 1 Samuel 17, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong malaman kung paano ninyo maaanyayahan ang tulong ng Tagapagligtas sa pagharap sa inyong hamon.

Manampalataya sa halip na matakot

Upang matulungan ang iyong mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng kuwentong ito, maaari kang magbahagi ng anumang detalye mula sa sumusunod na talata na maaaring hindi naibahagi ng mga estudyante sa simula ng lesson.

Ang Israel ay nakikipagdigma sa mga Filisteo. Naghamon ang mandirigmang Filisteo na si Goliat. Sinabi niya na kung matatalo siya ng isa sa mga Israelita sa isang labanan, susuko ang mga Filisteo at magiging mga alipin ng Israel. Ngunit kung mananalo si Goliat, ang Israel ang magiging alipin ng mga Filisteo. Sa loob ng 40 araw, si Goliat ay dumarating at hinahamon ang mga Israelita sa isang labanan. Natakot si Haring Saul at ang hukbo ng Israel. Dumating si David para maghatid ng pagkain sa kanyang mga kapatid na mga kawal sa hukbo. Narinig niya na hinahamon ni Goliat ang mga hukbo ng Israel (tingnan sa 1 Samuel 17:1–25).

Basahin ang 1 Samuel 17:26, at alamin kung ano ang naging tugon ni David nang marinig niya na hinahamon ni Goliat ang mga hukbo ng Israel.

  • Ano ang pinakamahalaga para sa inyo sa tugon ni David?

Upang matulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga sumusunod na talata, maaari mong anyayahan ang tatlong estudyante na handang basahin ang mga sinabi nina Haring Saul, David, at ng tagapagsalaysay.

Basahin ang 1 Samuel 17:31–37, at alamin kung bakit napakalaki ng kumpiyansa ni David sa “Diyos na buhay” (talata 36).

Upang matulungan ang mga estudyante na maisalarawan ang mga talatang ito, maaari mong ipanood ang video na “David and Goliath” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:20 o “The Lord Will Deliver Me” mula sa time code na 0:47 hanggang 1:59. Makikita ang dalawang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:36
3:30
  • Ano ang natutuhan ni David tungkol sa Panginoon na nagbigay sa kanya ng kumpiyansa na labanan si Goliat?

    icon ng seminary Kapag tinulungan mo ang mga estudyante na ipahayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob gamit ang kanilang sariling mga salita, lalalim ang kanilang pag-unawa sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta. Ang isang paraan para magawa ito ay magbigay ng mga kasunod na tanong pagkatapos magbahagi ng paliwanag ang isang estudyante. Ang sumusunod na tanong ay isang halimbawa.

    (Para sa karagdagang pagsasanay tungkol sa pagtulong sa mga estudyante na maipahayag ang mga nagpapabalik-loob na alituntunin, tingnan ang “Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

  • Paano tayo matutulungan ng natutuhan ni David tungkol sa Panginoon habang kinakaharap natin ang ating mga hamon?

Ang isang alituntunin na maaaring ipahayag ng mga estudyante gamit ang sarili nilang mga salita ay na kapag umaasa tayo sa Panginoon, tutulungan Niya tayong harapin ang ating mga hamon.

Pag-asa sa Panginoon

Basahin ang 1 Samuel 17:38–51, at alamin ang mga paraan kung paano umasa si David sa Panginoon nang harapin niya si Goliat. Maaari ninyong markahan ang mahahanap ninyo.

Kung nagbasa ang mga estudyante ng mga sinabi ng iba’t ibang tao sa kuwento, maaari nila itong patuloy na gawin sa mga talatang ito. Maaari kang magdagdag ng isa pang estudyante para sa bahagi ni Goliat.

Maaari mo ring tapusin ang isa sa mga sumusunod na video: “David and Goliath” mula sa time code na 1:20 hanggang 2:36 o “The Lord Will Deliver Me” mula sa time code na 1:59 hanggang 3:23.

2:36
3:30
  • Paano ipinakita ni David na umaasa siya sa Panginoon?

Maaaring magkakaiba ang isagot ng mga estudyante, tulad ng pag-alis ni David ng baluti ng hari at pinili ang mga bato at isang tirador bilang sandata (talata 39–40) o nang magpatotoo siya tungkol kay Jesucristo (talata 45–47). Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano ipinakita sa bawat kilos ni David kung paano siya umasa sa Panginoon.

Pagharap sa ating mga hamon

Maaaring magpakita ng limang bato o magdrowing sa pisara ng limang bato (tingnan sa 1 Samuel 17:40). Ang mga batong ito ay maaaring kumatawan sa mga paraan kung paano tayo makakaasa sa Panginoon habang kinakaharap natin ang ating mga hamon. Maaari mong pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo ang mga estudyante para sundin ang mga tagubilin sa ibaba. Maaari nilang ilista ang kanilang mga sagot sa pisara sa tabi ng mga bato.

Pumili ng isa sa mga hamon na nakalista sa pisara sa ilalim ng Ating mga Hamon.

Tumukoy ng limang paraan na partikular sa hamong pinili ninyo kung saan makakaasa ang isang tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang kinakaharap niya ang hamong ito. Talakayin kung bakit ninyo pinili ang bawat isa sa mga paraang iyon.

Anyayahan ang mga handang estudyante na magbahagi ng kanilang tinalakay.

  • Paano kayo natulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo o ang isang kakilala ninyo na harapin ang isang hamon?

  • Ano ang ginawa ninyo o ng taong iyon para matanggap ang Kanilang tulong?

Pinatotohanan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano tayo matutulungan ni Jesucristo habang kinakaharap natin ang mga hamon:

14:11
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006.Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008.Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Kung nakatayo ang Tagapagligtas ngayon dito, ipapahayag Niya ang Kanyang walang-hanggang pagmamahal sa inyo, ang Kanyang lubos na tiwala sa inyo. Sasabihin Niya sa inyo na kaya ninyong gawin ito. Kaya ninyong bumuo ng isang kalugud-lugod at masayang buhay dahil si Jesucristo ang inyong lakas. (“Si Jesucristo ang Lakas ng mga Kabataan,” Liahona, Nob. 2022, 12)

  • Ano ang nalalaman ninyo tungkol kay Jesucristo na makatutulong sa pagharap sa inyong mga hamon nang may higit na tiwala sa Kanya?

Pagharap sa ating personal na Goliat

Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.

Pag-isipan ang personal na hamon na isinulat mo kanina sa iyong journal. Humingi ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo para tulungan kang pumili ng kahit isang paraan kung saan makakaasa ka sa Panginoon para maharap ang hamong iyon.

Magdrowing ng isa o mahigit pang bato sa iyong study journal. Isulat sa tabi o sa loob ng bato kung ano ang gagawin mo at kung paano mo ito gagawin.

Anyayahan ang mga handang estudyante na magbahagi.

Magpatotoo tungkol sa kakayahan at hangarin ng Tagapagligtas na tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga hamon. Ipahayag na nagtitiwala ka sa kakayahan ng iyong mga estudyante na mahaharap nila ang kanilang mga hamon kasama si Jesucristo.