“1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7
1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7
Buod
Hinarap ng mga Israelita ang mga Filisteo sa digmaan, at hinamon sila ng higanteng si Goliat. Natakot si Haring Saul at ang kanyang hukbo na harapin si Goliat. Nang dumating si David sa lugar ng labanan para maghatid ng mga pagkain sa kanyang mga kapatid na nasa hukbo, narinig niya ang hamon ni Goliat. Nagboluntaryo si David na kalabanin si Goliat. Nasasandatahan ng kanyang pananampalataya sa Diyos, isang tirador, at limang bato, tinalo ni David si Goliat. Pagkaraan ng ilang taon, kinailangang tumakas ni David mula kay Haring Saul patungo sa ilang. Habang nasa ilang, naging mabait si David at ang kanyang mga tauhan sa isang lalaking nagngangalang Nabal. Nang tumanggi si Nabal na tumulong sa kanila, naghangad si David na maghiganti. Namagitan ang asawa ni Nabal na si Abigail para sa kanyang asawa at napalubag ang loob ni David.
Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Nang magturo ang Tagapagligtas, nagtuon Siya sa mga katotohanang nagtuturo sa Kanyang mga tagapakinig sa Kanya at sa Kanyang Ama. Kabilang sa mga halimbawa ng mga katotohanang nagpapabalik-loob ang pagtuon sa plano ng Ama sa Langit, sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, at sa mga utos na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa. Kapag itinuro natin ang mga simpleng katotohanang ito ng ebanghelyo, tinutulungan natin ang iba na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at magbalik-loob sa Kanya. Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Ang Tagapagligtas ay Nagturo ng mga Katotohanang Humahantong sa Pagbabalik-loob at Nagpapalakas ng Pananampalataya” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 22). Makakakita ng isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 74: “1 Samuel 17.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Samuel 17
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na umasa sa Panginoon habang kinakaharap nila ang kanilang mga hamon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring kailangang magpakita ng tapang ang isang kabataan. Maaaring magtanong ang mga estudyante sa kapamilya o kaibigan tungkol sa mga karanasan nila na nangailangan ng tapang.
-
Mga Materyal: Tape o isa pang uri ng marker para ipakita ang taas ni Goliat
-
Larawan: David at Goliat
-
Mga Video: “David and Goliath” (2:36) mula sa time code na 0:00 hanggang 1:20 at mula sa time code na 1:20 hanggang 2:36; “The Lord Will Deliver Me” (3:23) mula sa time code na 0:47 hanggang 1:59 at mula sa time code na 1:59 hanggang 3:23; “Si Jesucristo ang Lakas ng mga Kabataan” (14:11) mula sa time code na 13:00 hanggang 13:24
-
Mga item na ipapakita: Limang bato
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin sa pagtatapos ng lesson
1 Samuel 25
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila matutulungan ni Jesucristo na patawarin ang iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin, panoorin, o pakinggan ang “Putong na Bulaklak sa Halip na mga Abo: Ang Nagpapagaling na Landas ng Pagpapatawad” ni Sister Kristin M. Yee (Liahona, Nob. 2022, 36–38). Maaari nilang pag-aralan ang buong mensahe o mga bahaging pinili mo. Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga natutuhan nila tungkol sa pagtanggap ng tulong ng Tagapagligtas na patawarin ang iba.
-
Larawan: Isang larawan ni Jesucristo
-
Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson
-
Video: “Ang Apat na Regalong Inihahandog ni Jesucristo sa Inyo” (15:03) mula sa time code na 6:42 hanggang 7:18
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 5
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na pumili at simulan ang pagsasaulo ng isang doctrinal mastery scripture passage. Ang Doctrinal Mastery app ay maaaring makatulong na resource. Matatagpuan ang isang listahan ng mga passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
-
Nilalamang ipapakita: Listahan ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan sa ngayon
-
Video: “Bullying—Stop It” (10:23) mula sa time code na 0:00 hanggang 6:50 at mula sa time code na 6:51 hanggang 10:23