Seminary
Esther, Bahagi 1: Dahil a Pagkakataong Ganito


“Esther, Bahagi 1: Dahil sa Pagkakataong Ganito,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Esther, Bahagi 1: Dahil sa Pagkakataong Ganito,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Esther: Lesson 94

Esther, Bahagi 1

Dahil sa Pagkakataong Ganito

Mormon Messages: Having Courage & Trusting the Lord: Stand Up for What You Believe In

Naisip mo na ba kung bakit ka inilagay ng Ama sa Langit sa lugar na ito, sa panahong ito, at kung anong gawain ang ipapagawa Niya sa iyo?Maaaring may mga katulad na tanong ang isang naulilang babaeng Judio na nagngangalang Esther.Ang pagkabihag ni Esther sa Persia ay naglagay sa kanya sa posisyong tulungan ang Panginoon sa pagliligtas ng Kanyang mga tao, ang mga Judio.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy kung paano tayo inilalagay ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon para tulungan Siya na maisakatuparan ang Kanyang gawain.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pagnilayan kung paano maisasakatuparan ng Ama sa Langit ang Kanyang gawain sa pamamagitan nila sa klase na ito sa seminary o sa kanilang ward o branch, paaralan, lungsod, o pamilya

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Banal na plano

A woman moving a piece on a chessboard

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng chessboard at mga chess piece o larawan ng isang chessboard.Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang nalalaman tungkol sa larong chess.Kung kinakailangan, ipaliwanag na nilalaro ang chess sa pamamagitan ng paglipat ng mga chess piece sa mga estratehikong posisyon upang manalo sa laro.Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano sa palagay nila ang mga katangian ng isang mahusay na manlalaro ng chess.Kung hindi ito babanggitin ng mga estudyante, maaari mong ibahagi na maagap na pinaplano ng mga bihasang manlalaro ang kanilang mga estratehiyang magpapanalo sa kanila habang nagpapatuloy ang laro.Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano maaaring maging parang larong chess ang ating buhay, na ibinabahagi ang paliwanag ni Elder Rasband.

Itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait (as of June 2016) of Elder Ronald A. Rasband of the Quorum of the Twelve Apostles.

Ang buhay natin ay parang chessboard at inililipat-lipat tayo ng Panginoon—kung tumutugon tayo sa mga espirituwal na paramdam.Kung ating pagninilayan, makikita natin ang Kanyang impluwensya sa ating buhay.(“Sa Banal na Plano,” Liahona, Nob. 2017, 55)

  • Sa palagay ninyo, bakit maaaring mas madaling mapansin ang impluwensya ng Diyos sa ating buhay kapag ginugunita natin ang nakaraan, sa halip na isipin ang tungkol sa kasalukuyan?

Ipinapakita ng salaysay tungkol kay Esther kung paanong ang impluwensya ng Diyos sa buhay ni Esther ay naglagay sa kanya sa posisyon para maisakatuparan ang Kanyang gawain.Sa lesson na ito, pag-aaralan ninyo ang unang bahagi ng salaysay na ito.Habang nag-aaral kayo, mapanalanging hilingin na tulungan kayo ng Espiritu Santo na matukoy kung paano kayo maaaring inilalagay ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon para tulungan Siya na maisakatuparan ang Kanyang gawain.

Dahil sa pagkakataong ganito

Matapos sakupin ng mga taga-Persia ang Babilonia, maraming Judio ang nanatili sa Persia, kabilang si Esther at ang kanyang tagapag-alaga, si Mordecai.Hindi nasiyahan ang hari ng Persia na si Ahasuerus sa kanyang asawang si Vasti at pinaalis niya ito (tingnan sa Esther 1:1–12).Dahil naghahanap ng bagong magiging asawa, ipinatawag ni Ahasuerus ang lahat ng kababaihan ng Persia para iharap sa kanya (tingnan sa Esther 2:1–4).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kuwento tungkol kay Esther, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo para pag-aralan ang isa sa mga sumusunod na scripture block.Anyayahan ang mga grupo na ibuod sa klase ang bahagi ng kuwento na itinalaga sa kanila.Maaari kang mag-isip ng isang interesanteng paraan kung paano maibubuod ng mga estudyante ang kanilang salaysay.Maaari silang magdrowing sa isang papel ng isang simbolo upang kumatawan sa kuwento (halimbawa, isang korona o belo na pangkasal, isang singsing ng maharlika, isang espada, o isang umiiyak na emoji).Maaaring isadula ng mga estudyante ang kuwento habang isinasalaysay ito ng iba.

Basahin ang passage na itinalaga sa inyo at alamin ang mahihirap na sitwasyong kinaharap nina Esther at Mordecai.

Esther 2:5–11, 15–17

Esther 3:1–13

Esther 4:1–9

Habang nagbabahagi ang mga estudyante, bantayan ang oras para hindi gumugol ang mga estudyante ng masyadong mahabang oras sa pagbubuod ng mga salaysay na ito.

  • Ano sa palagay ninyo ang nadama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo tungkol sa mga pangyayari sa mga talatang ito?Tungkol kay Mordecai?Tungkol kay Esther?

Basahin ang Esther 4:10–14, at alamin kung paano tinulungan ni Mordecai si Esther na makita ang impluwensya ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon ng kanyang buhay.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang tanong na “sinong nakakaalam na kung kaya ka nakarating sa kaharian ay dahil sa pagkakataong ganito?“ (talata 14).

Nagpatotoo si Elder Rasband na naiimpluwensiyahan ng Diyos ang mga kalagayan ng ating buhay upang maisakatuparan ang Kanyang gawain.

Alam kong ililipat tayo ng Panginoon sa tila chessboard na iyon para gawin ang Kanyang gawain.Ang tila nagkataon lang, sa katunayan, ay may patnubay ng mapagmahal na Ama sa Langit, na kayang bilangin ang mga buhok sa bawat ulo.Kahit ang maya ay hindi mahuhulog sa lupa kung hindi itutulot ng ating Ama.Ang Panginoon ay nakatuon sa maliliit na detalye ng ating buhay, at ang mga pangyayari at oportunidad ay maghahanda sa atin upang iangat ang ating mga pamilya at ang iba habang itinatayo natin ang kaharian ng Diyos sa lupa. …

Maaari tayong ilagay ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon na may partikular na layon.Ginawa Niya ito sa buhay ko, at ginagawa Niya ito sa buhay ninyo.(“Sa Banal na Plano,” Liahona, Nob. 2017, 55–56)

  • Anong mga katotohanan ang matututuhan natin tungkol sa Ama sa Langit mula sa salaysay nina Esther at Elder Rasband?

Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga tugon, magsulat ng isang katotohanan sa pisara gamit ang mga salita ng mga estudyante tulad ng Inilalagay tayo ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon kung saan maaari tayong makatulong sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain.

Tandaan: Pag-aaralan sa Lesson 95 ang katapangan ni Esther na humarap sa hari para iligtas ang kanyang mga tao: “Esther, Bahagi 2.“

Pagkilala sa patnubay ng Ama sa Langit

Maaaring kapaki-pakinabang na banggitin na ang pagsasakatuparan ng gawain ng Panginoon ay kadalasang hindi madulang karanasan.Maaaring ito ay maliit ngunit makabuluhan pa rin.Para sa ilang halimbawa ng maliliit ngunit makabuluhang karanasang ito, maaari mong ibahagi ang kuwento ni Sister Michelle Craig sa “Mga Matang Makakakita“ mula sa time code na 2:23 hanggang 4:54 (Liahona, Nob. 2020, 16) o ang kuwento ni Elder Brook P. Hales sa “Mga Sagot sa Panalangin,“ mula sa time code na 2:16 hanggang 4:32.Makikita mo ang mga video ng mga kuwentong ito sa ChurchofJesusChrist.org.

6:27
12:39
  • Paano nagbigay ang Panginoon sa inyo o sa isang taong kilala ninyo ng pagkakataon na maging kasangkapan sa Kanyang mga kamay?

    Maaari kang magbahagi ng karanasan tungkol sa isang pagkakataon na nahiwatigan mo ang mga pagkakataong ibinigay sa iyo ng Ama sa Langit upang tumulong na maisakatuparan ang Kanyang gawain.

    Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano sila inilagay ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon upang maisakatuparan ang Kanyang gawain, maaari mo silang bigyan ng oras na tahimik na pag-isipan ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong.Maaari nilang isulat ang kanilang mga naisip sa kanilang study journal.

  • Sa palagay mo, paano ka maaaring inilalarawan ng pahayag ni Mordecai sa talata 14?

Kung sa palagay mo ay kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tulong upang mahiwatigan ang mga pagkakataong ito sa kanilang buhay, maaari mong ipakumpleto na lang sa mga estudyante ang sumusunod na aktibidad.

Sa iyong study journal, isulat ang pangalan ng isang tao sa iyong buhay (pamilya, paaralan, simbahan, o iba pang lugar).Pagkatapos ay sagutin ang kahit isa lang sa mga sumusunod sa iyong study journal.

  • Anong katibayan ang nakita mo na nagpapakita na inilagay ng Ama sa Langit ang taong iyon sa iyong buhay “dahil sa pagkakataong ganito?“(Esther 4:14)?

  • Kailan mo nakitang inilagay ka ng kamay ng Ama sa Langit sa mga partikular na tao o sa ilang partikular na sitwasyon “dahil sa pagkakataong ganito?“(Esther 4:14)?

Kung naaangkop, maaari mong anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi sa klase kung ano ang isinulat nila.Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa anumang espirituwal na impresyon na maaaring nadama nila sa lesson.