Seminary
Esther: Buod


“Esther: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Esther: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Esther

Esther

Buod

Matapos sakupin ng mga taga-Persia ang imperyo ng Babilonia, pinayagan ang ilang Judio na bumalik sa Jerusalem.Nanatili ang iba pang mga Judio sa Persia.Noong panahon ng paghahari ni Haring Ahasuerus, isang babaeng Judio na nagngangalang Esther ang napiling maging reyna.Hindi sinabi ni Esther sa hari na siya ay Judio.Gumawa si Haman, isa sa mga tagapayo ng hari, ng plano na patayin ang lahat ng Judio sa kaharian.Nagpakita ng tapang si Esther at inilagay sa peligro ang kanyang buhay upang humarap sa hari at ibunyag ang masamang balak ni Haman, na nagligtas sa kanyang mga tao.

icon ng seminaryBigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo.Habang sinisikap nating ipamuhay ang ebanghelyo ng Tagapagligtas, hindi lamang tayo sumusunod sa mga alituntunin; sinusunod natin si Jesucristo.Siya ang perpektong halimbawa ng lahat ng alituntunin ng ebanghelyo.Kapag tumuon tayo sa perpektong halimbawa ng Tagapagligtas, binibigyan natin ng pagkakataon ang Espiritu Santo na magpatotoo tungkol kay Jesucristo at bigyang-inspirasyon ang iyong mga estudyante na sumunod sa Kanya.Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Bigyang-diin ang Halimbawa ni Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 6).Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 95: “Esther, Bahagi 2.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Esther, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy kung paano tayo inilalagay ng Ama sa Langit sa mga sitwasyon para tulungan Siya na maisakatuparan ang Kanyang gawain.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pagnilayan kung paano maisasakatuparan ng Ama sa Langit ang Kanyang gawain sa pamamagitan nila sa klase na ito sa seminary o sa kanilang ward o branch, paaralan, lungsod, o pamilya

  • Mga Video:Pray for Eyes to See as He Sees” (6:26) mula sa time code na 2:23 hanggang 4:54; “Mga Sagot sa Panalangin” (12:39) mula sa time code na 2:16 hanggang 4:32

  • Nilalamang ipapakita: Isang chessboard at mga chess piece o isang larawan ng chessboard

Esther, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na kumilos nang may tapang na gawin ang kalooban ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang halimbawa tungkol sa isang pagkakataon na nagpakita ng tapang ang isang taong kilala nila para gawin ang kalooban ng Panginoon

  • Mga Video:Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti” (16:18) mula sa time code na 5:29 hanggang 6:22; “For Such a Time as This” (13:44) mula sa time code na 5:12 hanggang 9:41 at 11:10 hanggang 13:44; “Courage” (3:18)

  • Nilalamang ipapakita: Isang larawan ni Jesucristo; isang larawan ni Esther

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga layuning itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila habang pinag-aaralan ang 1 Mga Hari 17–Esther.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng scripture passage na makabuluhan sa kanila mula sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan.Hilingin sa kanila na isipin kung paano sila tinutulungan ng passage na iyon na sundin si Jesucristo.

  • Nilalamang Ipapakita: Ang graphics na ginagamit upang matulungan ang mga estudyante na suriin ang kanilang mga mithiin.