Seminary
2 Cronica 14–16: “Kung Inyong Hahanapin Siya, Siya’y Matatagpuan Ninyo”


“2 Cronica 14–16: ‘Kung Inyong Hahanapin Siya, Siya’y Matatagpuan Ninyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“2 Cronica 14–16: ‘Kung Inyong Hahanapin Siya, Siya’y Matatagpuan Ninyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Cronica 14–20; 26; 30: Lesson 90

2 Cronica 14–16

“Kung Inyong Hahanapin Siya, Siya’y Matatagpuan Ninyo”

Jesus Christ

Maaaring hinahanap lang ng ilang tao ang Ama sa Langit at si Jesucristo kapag maayos ang sitwasyon nila. Ang iba ay maaaring nagsusumamo para tulungan Nila sa mga panahon lamang ng kagipitan. Tulad ni Asa, ang hari ng Juda, maaari nating hanapin ang Panginoon sa mapayapa at maging sa mahirap na panahon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gumawa ng plano na hanapin ang Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga paraan na maaari nilang hanapin ang Panginoon sa kanilang buhay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Paghahangad na mahanap

Maaari mong simulan ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na isipin kung paano natin hahanapin ang mga bagay na nawawala. Maaari kang maglista o magpakita ng ilang bagay na magkakaiba ang kahalagahan, tulad ng lapis, mahalagang takdang-aralin, cell phone, regalo mula sa mahal sa buhay, at iba pa. Itanong sa mga estudyante kung anong mga pagsisikap ang gagawin nila sa paghahanap ng bawat item kung mawala ito.

  • Bakit ang mga pagsisikap ninyong mahanap ang isang bagay ay depende sa kung ano ang hinahanap ninyo?

    Maaari mong isulat ang Hanapin ang Panginoon sa itaas ng pisara.

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng hanapin ang Panginoon?

Kung mahihirapan ang mga estudyante na sumagot, maaari mong itanong kung paano nila nakikilala ang isang tao at nagkakaroon ng magandang ugnayan sa kanya. Pagkatapos ay itanong kung paano nila hahangarin na makilala at magkaroon ng ugnayan sa Panginoon. Maaari mong ipaliwanag na ang salitang Hebreo para sa hanapin sa mga talata na pag-aaralan nila ngayon (2 Cronica 14:4; 15:2, 12; 6:12) ay ang darash at ang kahulugan nito ay maghanap, magtanong, bumisita, ipagpatuloy, kumonsulta, o iangkop ang sarili.

Sa inyong study journal, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilang bagay na ginawa mo o ng ibang kakilala mo upang hanapin ang Panginoon?

  • Gaano katinding pagsisikap ang ibinibigay mo upang hanapin ang Panginoon?

Sa pag-aaral ninyo ngayon, tumuklas ng mga paraan kung paano ninyo hahanapin ang Panginoon. Isulat ang anumang naiisip o nadarama ninyo mula sa Espiritu Santo.

Isang halimbawa ng paghahanap sa Panginoon

Maaari mong ibahagi o ibuod ang sumusunod na talata.

Ang mga aklat ng Cronica at Mga Hari ay sumasaklaw sa halos magkaparehong panahon. Sa 2 Cronica 14–16 at 1 Mga Hari 15, nagbasa tayo ng salaysay tungkol kay Haring Asa, ang ikatlong hari ng Juda.

Maaari mong gawin ang sumusunod na chart sa pisara upang matulungan ang mga estudyante sa susunod na aktibidad. Maaari ding gawin ng mga estudyante ang chart sa kanilang study journal.

Paano hinanap ni Asa at ng kanyang mga tao ang Panginoon

Paano sila pinagpala ng Panginoon

Paano hinanap ni Asa at ng kanyang mga tao ang Panginoon

Paano sila pinagpala ng Panginoon

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa apat na magkakaibang grupo. Sabihin sa bawat grupo na magbasa ng ibang set ng mga sumusunod na talata. Maaaring magsulat sa pisara ang isang estudyante mula sa bawat grupo ng natutuhan nila.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pag-unawa sa mga “poste” sa 2 Cronica 14:3, ipaliwanag na ang mga ito ay ang mga lugar kung saan sumasamba ang mga tao sa mga diyus-diyusan.

Basahin ang isa sa mga sumusunod na set ng mga talata, at alamin kung ano ang ginawa ni Asa at ng kanyang mga tao at kung paano sila pinagpala ng Diyos:

  • 2 Cronica 14:3–7. Sa panahon ng kapayapaan

  • 2 Cronica 14:9–13. Nang salakayin ang mga taga-Etiopia

  • 2 Cronica 15:1–9. Sa panahon ng kapayapaan

  • 2 Cronica 15:10–12, 15. Sa panahon ng kapayapaan

    Itanong ang sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na tumukoy ng isang katotohanan mula sa pinag-aralan nila. Habang nagbabahagi ang mga estudyante, idagdag ang kanilang mga sagot sa chart na nasa pisara.

  • Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga karanasan ni Asa at ng kanyang mga tao?

Gamit ang sariling mga salita ng mga estudyante, tulungan sila na matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod:

  • Kapag hinahanap ko ang Panginoon nang aking buong puso, bibigyan Niya ako ng kapahingahan (2 Cronica 14:7; 15:15)

  • Kung hahanapin ko ang Panginoon, matatagpuan ko Siya (2 Cronica 15:2)

Sa pagbabahagi ng mga estudyante, maaari kang magtanong pa upang matulungan sila na pag-isipan kung ano ang maaaring ibig sabihin ng ilan sa mga salita o parirala. Halimbawa, maaari mong itanong, “Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng mahanap ang Panginoon?” o “Ano kaya ang mangyayari kung bibigyan tayo ng kapahingahan ng Panginoon?”

Para sa mga turo na maaaring makatulong sa mga ito o sa iba pang mga tanong, tingnan sa bahaging Karagdagang Resources.

Paghahanap at pagkakatagpo sa Panginoon

Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng mga koneksyon sa buhay ni Asa at sa kanilang sariling buhay. Maaari mong palitan ang label ng kasalukuyang chart sa pisara ng Paano ko hahanapin ang Panginoon sa kaliwang column at Paano ako pagpapalain ng Panginoon sa kanang column. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na gawin ang sumusunod sa mga grupo o nang mag-isa.

Bukod pa sa ginawa ni Asa at ng kanyang mga tao, magdagdag ng mga paraan kung paano mo maaaring hanapin ang Panginoon sa kaliwang column ng iyong listahan. Ang mga paraan na ito ay maaaring magmula sa sarili mong karanasan, sa mga halimbawa sa mga banal na kasulatan o kasaysayan ng Simbahan, o sa mga mensahe mula sa mga lider ng Simbahan.

Maaaring idagdag ng mga estudyante ang kanilang mga halimbawa sa kaliwang column sa pisara.

Kung sa palagay mo ay makatutulong ang mga sumusunod na aktibidad sa mga estudyante na matukoy ang mga makabuluhang paraan ng paghahanap sa Panginoon, maaari mong gawin ang alinman o ang dalawang paraan:

  • Ituon ang mga estudyante sa bahaging “Mga Paanyaya” ng bawat isa sa mga pangunahing bahagi ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022). Kabilang sa mga pangunahing bahagi ang “Tutulungan kayo ni Jesucristo,” “Mahalin ang Diyos, mahalin ang inyong kapwa,” at iba pa.

  • Panoorin ang “Maglaan ng Oras para sa Panginoon” mula sa time code na 1:00 hanggang 3:29 (makikita sa ChurchofJesusChrist.org). Habang nakikinig ang mga estudyante kay Pangulong Russell M. Nelson, sabihin sa kanila na tukuyin ang mga paraan kung paano natin mahahanap ang Panginoon.

5:49

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga balakid na maaari nilang kaharapin habang sinisikap na gawin ang mga bagay na ibinahagi pa lamang nila. Upang magawa ito, maaari mong itanong ang mga sumusunod.

  • Ano ang maaaring makagambala sa atin sa paghahanap sa Panginoon?

  • Ano ang tumutulong sa inyo na mahanap ang Panginoon sa kabila ng mga panggagambala?

    Maaari mo silang anyayahan na markahan ang pariralang “siya’y matatagpuan ninyo” sa 2 Cronica 15:2. Upang matulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na mahahanap natin ang Panginoon, itanong ang sumusunod.

  • Paano kayo napagpala ng Panginoon o ang isang kakilala ninyo nang hanapin ninyo Siya?

Pagkatapos magbahagi ng mga estudyante, hikayatin sila na isulat ang kanilang mga naiisip sa kanang column ng chart. Maaari mong patotohanan na ang mga pagpapalang ibinahagi ng mga estudyante ay maaaring katibayan na natagpuan nila Siya.

Paggawa ng plano

Tulungan ang mga estudyante na kumilos ayon sa isang bagay na nadama o natutuhan nila sa lesson. Para magawa ito, hikayatin sila na pag-isipan ang mga impresyong maaaring natanggap nila mula sa Espiritu sa buong oras ng klase. Gayundin, sa lesson 87, binalikan ng mga estudyante ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan bilang paraan upang mas mapalapit sa Panginoon. Kung makatutulong, maaari nilang suriin ang progreso ng kanilang mga mithiin at pagpasyahan kung nais din nilang gamitin ang kanilang mga mithiin sa plano na ito.

Pumili ng isang bagay na magagawa ninyo upang hanapin ang Panginoon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal. Planuhin kung paano mo maisasama ang aksiyong ito sa iyong buhay.

  • Sa iyong palagay, bakit maaaring makatulong ang aksiyong ito sa iyo na mas mahanap ang Panginoon sa iyong buhay?

  • Anong mga hamon ang maaari mong kaharapin sa pagsisikap mong magawa ito?

  • Anong mga partikular na hakbang ang magagawa mo upang magawa ito sa kabila ng mga hamong ito?

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarili mong patotoo tungkol sa mga pagpapala ng paghahanap sa Panginoon.