“2 Cronica 14–20; 26; 30: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“2 Cronica 14–20; 26; 30: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
2 Cronica 14–20; 26; 30
2 Cronica 14–20; 26; 30
Buod
Hinanap ni Haring Asa, ang ikatlong hari ng Juda, ang Panginoon sa mapayapa at mahirap na panahon. Bagama’t nanghina ang pananampalataya ni Asa kalaunan sa kanyang buhay, hindi lamang hinangad ng kanyang anak na si Jehoshafat na sundin ang Panginoon kundi tinulungan din niya ang Kanyang mga tao na bumalik sa Panginoon. Dahil dito, nang salakayin ng mga Ammonita at ng iba pa ang Juda, ang Panginoon ang nakipaglaban para sa kanila.
Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw. Ang araw-araw na pag-aaral ng salita ng Panginoon sa mga banal na kasulatan ay pundasyon sa habambuhay na masigasig at may kakayahan na pag-aaral ng ebanghelyo. Ang isang paraan upang mahikayat ang araw-araw na pag-aaral ay ang pagtatanong ng mga bagay na tutulong sa mga mag-aaral na maiugnay ang kanilang personal na pag-aaaral ng mga banal na kasulatan at pag-aaral nito na kasama ang pamilya. Makakakita ng halimbawa nito sa Lesson 91: “2 Cronica 17–20.” Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Kilalanin Siya sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kanyang Salita” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 25).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Cronica 14–16
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano na hanapin ang Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga paraan na maaari nilang hanapin ang Panginoon sa kanilang buhay.
-
Mga item na ipapakita: Ilang bagay na magkakaiba ang kahalagahan, tulad ng lapis, mahalagang takdang-aralin, cell phone, regalo mula sa mahal sa buhay, at iba pa
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022)
-
Video: “Maglaan ng Oras para sa Panginoon” (5:49) mula sa time code na 1:00 hanggang 3:29
2 Cronica 17–20
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matutuhang tukuyin ang mga alituntunin ng ebanghelyo mula sa mga banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang natututuhan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pag-aaral nito na kasama ang pamilya. Maaari silang pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang alituntuning nahanap nila at kung paano ito nakatutulong sa kanila.
-
Larawan: Isang taong nagra-rock climbing