Seminary
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6: Unawain ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman


“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6: Unawain ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6: Unawain ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Mga Hari 16–25: Lesson 89

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6

Unawain ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage at Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

Profile of a Young Woman in bright sunlight.

Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na itayo ang kanilang buhay sa saligan na si Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan pa. Hikayatin sila na gumamit ng diksyunaryo upang hanapin ang mga salita sa passage. Ang Doctrinal Mastery app ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na resource. Makikita ng mga estudyante ang listahan ng mga doctrinal mastery passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Unawain

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagtalakay sa ginagawa ng mga estudyante kapag hindi nila nauunawaan ang mga scripture passage.

  • May nabasa na ba kayong banal na kasulatan at nalito kayo sa ibig sabihin nito—maaaring kahit pagkatapos ninyong basahin ito nang mahigit sa isang beses?

  • Paano kayo tutugon kapag nangyayari ito sa inyo?

  • Sa palagay ninyo, bakit nalulugod ang Ama sa Langit at si Jesucristo kapag sinisikap nating maunawaan ang banal na kasulatan?

Tulungan ang mga estudyante na makita na normal lamang na hindi maunawaan ang lahat ng bagay sa mga banal na kasulatan. Ipaliwanag na sa paglipas ng panahon at sa pagsasanay gamit ang mga kasanayan sa pag-aaral ng banal na kasulatan, huhusay ang ating kakayahan na maunawaan ang mga banal na kasulatan.

Magpakita ng listahan ng mga doctrinal mastery passage na pinag-aralan ng mga estudyante sa Lumang Tipan. Sabihin sa mga estudyante na pumili ng passage na gusto nilang maunawaan nang mas mabuti. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na gawin ang isa sa mga sumusunod na aktibidad.

Aktibidad A: Mga cross-reference

Maghanap ng iba pang mga banal na kasulatan na maaaring magdagdag sa iyong pag-unawa sa doctrinal mastery passage. Maaari ka ring tumukoy ng doktrinang itinuro sa passage at maaari mong gamitin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan upang makahanap ng mga banal na kasulatan na nagtuturo pa ng tungkol sa doktrinang iyon. Maaari mong iugnay o i-cross reference ang iba pang mga banal na kasulatan na mahahanap mo sa iyong doctrinal mastery passage.

Maaari mo ring itala sa iyong study journal o sa Gospel Library kung paano nakatulong sa iyo ang paggamit ng resources na ito para mas maunawaan ang doctrinal mastery passage.

Aktibidad B: Bigyang-kahulugan ang mga salita

Tumukoy ng mga salita sa doctrinal mastery passage na hindi mo nauunawaan. Hanapin ang mga kahulugan ng mga salitang iyon sa magagamit na resources. Maaari mong tingnan ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan o ang isang pangkalahatang diksyunaryo. Itala ang mga kahulugang matutuklasan mo sa iyong study journal, sa mga margin ng iyong banal na kasulatan, o sa Gospel Library. Basahin muli ang scripture passage gamit ang mga kahulugang nahanap mo.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung paano nila higit na naunawaan ang isang doctrinal mastery passage. Maaari kang magtanong ng gaya ng:

  • Paano ninyo higit na naunawaan ang doctrinal mastery passage dahil sa mga cross-reference na nahanap ninyo?

  • Paano nakatulong sa inyo ang pagbibigay-kahulugan sa mga salita na makita ang mga banal na kasulatan na ito sa ibang paraan?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang mga kasanayang ito sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan o pag-aaral ng mga banal na kasulatan kasama ang pamilya.

Matutuhan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Ang pagbabalik-aral sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay maihahanda ang mga estudyante na ipamuhay ang mga ito sa isang sitwasyon sa tunay na buhay. Pumili ng isang aktibidad mula sa “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery,” na matatagpuan sa appendix. Maaaring makita ng mga estudyante ang mga paglalarawan ng mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Walang natutuhang bagong doctrinal mastery passage ang mga estudyante mula sa Josue 24:15. Ang sumusunod na aktibidad ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang nilalaman na pinag-aralan nila kamakailan, kung saan maaaring kasama ang 1 Samuel 3:4–10 o 1 Mga Hari 19:9–13. Upang maisama ang mga doctrinal mastery passage, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tumukoy ng mga doctrinal mastery passage mula sa ibang aklat ng banal na kasulatan na makatutulong sa sitwasyong ito. Kabilang sa mga halimbawa ang Santiago 1:5–6; 2 Nephi 28:30; at Doktrina at mga Tipan 8:2–3.

Gamitin o iangkop ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Sa isang class meeting ng Young Women kamakailan, napakinggan ni Kelly ang pagbabahagi ng maraming dalagita ng mga personal na karanasan nang gabayan sila ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Masaya si Kelly para sa kanila, ngunit hindi niya nararamdamang nakatatanggap siya ng personal na patnubay mula sa Espiritu Santo. Pakiramdam niya ay mayroon siyang mahahalagang desisyon na gagawin at kailangan niya ng patnubay mula sa langit.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring mahirap para kay Kelly na matukoy ang personal na paghahayag?

    Maaaring maglista ang mga estudyante ng iba’t ibang indibiduwal na mahihingan ni Kelly ng tulong. Kabilang sa mga halimbawa ang isang magulang, isang lider ng Simbahan, isang kapatid, o isang kaibigan. Papiliin ang bawat estudyante ng papel na gagampanan. Sabihin sa kanila na maghandang tulungan si Kelly na maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman gamit ang papel na iyon na kanilang gagampanan.

    Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupo ayon sa mga pinili nilang papel na gagampanan. Upang maiwasan ang malalaking grupo, maaari kang gumawa ng maraming grupo na may magkakaparehong papel na gagampanan.

  • Ano ang maibabahagi ninyo kay Kelly? Paano ninyo siya hihikayating gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?

    Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante, sabihin sa kanila na maghanap ng mga partikular na pahayag mula sa talata 5–12 ng bahaging Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari din nilang pag-aralan ang “Kilalanin na ang Paghahayag ay Isang Proseso” sa bahaging “Paghahanap ng mga Sagot sa Iyong mga Tanong” ng Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library.

    Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong din sa mga estudyante na maghanda ng sagot.

  • Ano ang magagawa ni Kelly upang makakilos nang may pananampalataya upang makatanggap ng patnubay mula sa Diyos? Paano maaaring makatulong sa kanya ang paggawa nito?

  • Ano ang maaaring nalalaman na ni Kelly tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang Plano, at sa kung paano Siya makipag-ugnayan sa Kanyang mga anak? Paano ninyo matutulungan si Kelly na maipamuhay ang kaalamang ito sa kanyang kasalukuyang sitwasyon?

  • Anong banal na kasulatan, pahayag mula sa isang lider ng Simbahan, o iba pang resources ng ebanghelyo ang maibabahagi ninyo kay Kelly? Sa inyong palagay, paano makatutulong sa kanya ang resource na ito?

    Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante para maghanda ng sagot, anyayahan ang isang estudyante na gumanap bilang si Kelly. Sabihin sa kanya na piliin ang uri ng tao na hihingan niya ng tulong. Anyayahan ang mga estudyanteng pumili sa papel na ginagampanan na iyon na ibahagi ang inihanda nila. Halimbawa, kung ang estudyanteng kumakatawan kay Kelly ay nagsabi na hihingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang, ang mga estudyanteng naghanda na sumagot bilang isang magulang ay maaaring ibahagi kay Kelly ang inihanda nila.

    Kung may oras pa, ulitin ang aktibidad nang may ibang estudyante na gaganap bilang si Kelly. Maaaring pumili ang estudyanteng ito ng ibang papel na gagampanan upang maibahagi ang kanilang mga inihandang sagot.

    Pagkatapos ng pagsasadula, maaari mong itanong ang mga sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na maiproseso ang natutuhan nila.

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa pagtanggap ng banal na patnubay sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang isang sitwasyong kinakaharap nila. Sabihin sa kanila na gumawa ng isang bagay ngayon upang maipamuhay ang isa o mahigit pang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyong iyon. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kung paano tutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga estudyante sa mga personal na hamon nila kung hihingi sila ng patnubay sa Kanila.