“2 Mga Hari 16–25: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“2 Mga Hari 16–25: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
2 Mga Hari 16–25
2 Mga Hari 16–25
Buod
Dahil nilabag nila ang kanilang mga tipan sa Panginoon at tinanggihan ang Kanyang mga lingkod na propeta, kinastigo at ikinalat ng Panginoon ang kaharian ng Israel, o ang Hilagang Kaharian. Sinakop ng hukbo ng Asiria ang Hilagang Kaharian at binihag ang sampung lipi ng Israel na karaniwang naninirahan sa Kaharian. Nagresulta ito sa tinatawag na nawawalang sampung lipi. Nang tangkaing sakupin ng mga taga-Asiria ang Jerusalem, hiniling ni Haring Hezekias sa kanyang mga tao na magtiwala sa Diyos. Iniligtas ng Panginoon ang Juda sa pamamagitan ng pagwasak sa hukbo ng Asiria. Kalaunan, pinamunuan ng isa pang matwid na hari na si Josias ang Katimugang Kaharian. Natagpuan niya ang aklat ng kautusan at tinulungan niya ang kanyang mga tao na mamuhay alinsunod sa mga kautusan ng Panginoon. Pagkatapos ni Josias, pinamunuan ng masasamang hari ang Katimugang Kaharian. Winasak ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem at binihag ang mga naninirahan dito.
Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo. Nang magturo ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga talinghaga, hinayaan Niya na matuklasan ng mga mag-aaral kung paano personal na nauugnay sa kanila ang mga turo. Inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na maghanap ng personal na kaugnayan sa Kanyang mga turo. Matutulungan natin ang mga mag-aaral na matuklasan ang kaugnayan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maikonekta ang Kanyang ebanghelyo sa kanilang buhay. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang “Tinulungan ng Tagapagligtas ang mga Tao na Makahanap ng Personal na Kaugnayan sa Kanyang Doktrina” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 23) Ang halimbawa ng kung paano ito gawin ay matatagpuan sa Lesson 86: “2 Mga Hari 18–19.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Mga Hari 18–19
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang tiwala na tutulungan sila ng Panginoon na harapin ang kanilang mga hamon.
-
Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumunta sa klase na handang magbahagi ng isang karanasan kung kailan nadama nila ang suporta ng Diyos sa panahon ng pagsubok.
-
Handout: “Isang Halimbawa ng Pagtitiwala sa Panginoon”
-
Mga Video: “Heavenly Father Knows Me” (3:18); “Perfect Love Casteth Out Fear” (19:11) mula sa time code na 13:07 hanggang 13:57
2 Mga Hari 21–23
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na bumaling sa Panginoon sa pamamagitan ng personal na pag-aaral ng banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang kanilang mga mithiin para sa personal na pag-aaral ng banal na kasulatan at ang kanilang mga pagsisikap na basahin ang mga nakatalagang kabanata sa Lumang Tipan. Hikayatin silang patuloy na kamtin ang kanilang mga mithiin o mapanalanging gumawa ng mga kinakailangang pagbabago upang magtagumpay.
-
Item na ihahanda: Maglagay ng bookmark sa Biblia sa 2 Mga Hari 22:8 at itago ang Biblia sa silid-aralan.
-
Video: “Josiah and the Book of the Law” (12:25) mula sa time code na 7:02 hanggang 8:37 at mula sa time code na 8:37 hanggang 10:20
2 Mga Hari 17; 24–25
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang pagkalat ng Israel upang matukoy ang mga katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Mga Kaisipan na Dapat Tandaan: “Si Cristo’y Sasambit, ‘Halina’t Magbalik’” mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Lumang Tipan 2026. Sabihin sa kanila na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga ideya o tanong tungkol sa pagkalat ng Israel.
-
Handout: “Isang Halimbawa ng Pagtitiwala sa Panginoon”
-
Mga item na ihahanda: Lagyan ng label na Hilagang Kaharian (Israel), Katimugang Kaharian (Juda), Asiria, Ang Amerika, at Babilonia/Persia ang iba-ibang bahagi ng silid-aralan. Gumawa ng mga label na hahawakan ng mga estudyante: Mga Nawawalang Lipi, Mga Samaritano, Si Lehi at ang kanyang pamilya, Daniel, Shadrac, Meshac, Abednego, Ezekiel, Ezra, at Nehemias.
-
Nilalamang ipapakita: “Ang Kaharian ng Israel at ang Kaharian ng Juda sa Isang Sulyap”
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 6
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga doctrinal mastery passage at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na gusto nilang mas maunawaan pa. Hikayatin sila na gumamit ng diksyunaryo upang hanapin ang mga salita sa passage. Ang Doctrinal Mastery app ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na resource. Makikita ng mga estudyante ang listahan ng mga doctrinal mastery passage sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).
-
Nilalamang ipapakita: Listahan ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante.