Seminary
2 Mga Hari 6: “Ang mga Kasama Natin”


“2 Mga Hari 6: ‘Ang mga Kasama Natin,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“2 Mga Hari 6: ‘Ang mga Kasama Natin,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Mga Hari 2–7: Lesson 85

2 Mga Hari 6

“Ang mga Kasama Natin”

Noong mapaligiran ng hukbo ng Siria, ang lingkod ng propetang si Eliseo ay takot na nagsabing, “paano ang ating gagawin?” (2 Mga Hari 6:15). Pinanatag ni Eliseo ang kanyang tagapaglingkod sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya na makita ang tulong ng Panginoon. Tayo rin ay maaaring mapanatag kapag natutuhan nating makita ang tulong ng Panginoon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malaking tiwala sa palagian at mapagbantay na pangangalaga ng Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang karanasan nang pagpalain o protektahan sila ng Panginoon o ang isang taong kilala nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Makita ang pagmamalasakit ng Tagapagligtas

Upang simulan ang iyong lesson, maaari kang magdrowing ng stick figure sa gitna ng pisara.

Ang mga banal na kasulatan ay puno ng mga pangako ng Tagapagligtas para sa Kanyang mga tao na nagsisikap na maglingkod sa Kanya. Upang mailarawan sa isip ang isa sa mga pangakong ito, magdrowing ng isang stick figure sa gitna ng isang pahina sa inyong study journal at lagyan ito ng label na Ako.

Pagkatapos ay basahin ang Doktrina at mga Tipan 84:88, at idrowing sa paligid ng inyong stick figure kung paano mo inilalarawan sa isip ang mga pangako ng Panginoon.

Maaari mong anyayahan ang isang estudyante na idagdag sa drowing sa pisara ang idinrowing niya sa kanyang journal, at ipaliwanag kung bakit ganoon ang idinrowing niya. Maaaring anyayahan ang ibang mga estudyante na magdagdag ng anumang ibang bagay na maaaring nadrowing nila. Bilang alternatibo, maaaring ibahagi at ipaliwanag ng mga estudyante ang kanilang drowing sa kanilang katabi.

  • Sa palagay ninyo, paano makakaapekto sa isang tao kung nakikita niya na nangyayari ang mga pangakong ito sa kanyang buhay?

  • Bakit maaaring mahirap na makita o mahiwatigan ang mga pagpapala at proteksyon ng Panginoon sa ating buhay?

Maaaring makatulong na patotohanan na ang Ama sa Langit at ang Tagapagligtas ay aktibong nakikibahagi sa buhay ng bawat estudyante.

Pagnilayan kung gaano ninyo nakikita ang pakikibahagi ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa inyong buhay. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong study journal:

  • May nakikita ka ba na kahit isang paraan kung paano ka pinagpapala o pinoprotektahan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo? Kung oo, paano Nila ito ginagawa?

  • Ano ang sitwasyong kinakaharap mo sa iyong buhay kung saan makatutulong sa iyo na mas makita ang Kanilang mga pagpapala at proteksyon?

Habang pinag-aaralan ninyo ang 2 Mga Hari 6, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong mahiwatigan ang mga paraan kung paano kayo pinagpapala at pinoprotektahan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Banal na tulong

Maaari mong ipaliwanag ang sumusunod na impormasyon upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng 2 Mga Hari 6.

Sa panahon ng digmaan sa pagitan ng Israel at Siria, pribadong tinalakay ng hari ng Siria sa kanyang mga tagapaglingkod ang kanyang mga plano sa digmaan. Gayunpaman, paulit-ulit na inihayag ng Panginoon ang mga plano ng Siria sa propetang si Eliseo, na siyang magbibigay ng babala sa hari ng Israel. Noong matuklasan ito ng hari ng Siria, nagpadala siya ng hukbo upang dakpin si Eliseo (tingnan sa 2 Mga Hari 6:8–13).

Pumili ng epektibong paraan para mapag-aaralan ng mga estudyante ang mga sumusunod na talata upang matulungan silang matukoy ang mga alituntuning nagpapabalik-loob. Halimbawa, maaaring makatulong sa mga estudyante na mag-aral mula sa pananaw ng tagapaglingkod ni Eliseo. Maaari silang panandaliang huminto paminsan-minsan at pag-isipan kung ano ang mararamdaman nila kung sila ang nasa kanyang kalagayan. Maaari ding magbasa ang mga estudyante bilang klase o sa maliliit na grupo, kung saan magkakaibang estudyante ang magbabasa ng mga bahagi na para kay Eliseo, sa lingkod ni Eliseo, at sa hari ng Israel.

Maaaring makatulong na ipaliwanag na ang Samaria ang kabisera ng kaharian ng Israel.

Basahin ang 2 Mga Hari 6:14–23, at alamin ang mga paraan na pinagpala at pinrotektahan ng Panginoon si Eliseo at ang kanyang lingkod.

  • Ano ang hinangaan ninyo mula sa kuwento?

  • Anong mga katotohanan mula sa kuwentong ito ang maaaring mas nauugnay sa atin ngayon?

    Maaari mong ibahagi ang sumusunod na katotohanan kung hindi pa ibinabahagi ng mga estudyante ang gayon ding katotohanan sa sarili nilang mga salita: Matutulungan tayo ng Panginoon na makita ang Kanyang mga pagpapala at proteksyon sa ating buhay.

  • Sa palagay ninyo, paano nakaapekto kay Eliseo at sa kanyang lingkod na nakita nila ang mga pagpapala at proteksyon ng Panginoon?

Pagkilala sa mga pagpapala at proteksyon ng Panginoon

Upang matulungan ang mga estudyante na makita ang ilang paraan kung paano sila mapagpapala at mapoprotektahan ng Panginoon, maaari mo silang pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo para sa sumusunod na aktibidad.

Paalala: Ang mga estudyante ay bibigyan ng pagkakataong pagnilayan ang listahang ginawa nila sa aktibidad na ito sa Lesson 96: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 6.”

Gumawa ng listahan ng iba’t ibang paraan kung paano tayo maaaring bantayan at pangalagaan ng Panginoon. Ilista ang lahat ng maiisip mo sa loob ng dalawang minuto.

Pagkatapos ng dalawang minuto, maaari mo silang anyayahan na maghanap ng mga karagdagang ideya na maaari nilang isama mula sa Mosias 24:13–15; Doktrina at mga Tipan 8:2–3; 38:7o iba pang scripture passage na maaari mong imungkahi. Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Eyring.

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan ang sumusunod tungkol sa tulong ng Panginoon:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Tulad ng lingkod na iyon ni Eliseo, mas marami ang [kasama ninyo] kaysa nakikita ninyong sumasalungat sa inyo. Ang ilan na [kasama ninyo] ay hindi makikita ng inyong mga mortal na mata. Aalalayan kayo ng Panginoon at kung minsan ay tatawagin Niya ang iba para suportahan kayo. (“O Ikaw na Humaharap,” Liahona, Nob. 2008, 58)

Maaari mong anyayahan ang mga grupo na magsalitan sa pagbabahagi ng mga halimbawa mula sa kanilang mga listahan habang isinusulat mo o ng mga boluntaryo ang mga ito sa pisara. Maaari mong payagan ang mga grupo na patuloy na magbahagi hanggang sa maibahagi ang lahat ng natatanging ideya.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawang maiisip nila mula sa mga banal na kasulatan nang bantayan o pangalagaan ng Panginoon ang isang tao ayon sa mga paraan na nakalista sa pisara.

Habang tinatalakay ninyo ang mga sumusunod na tanong, maaari mong piliing ibahagi ang isang pagkakataon na nakita mo ang mga pagpapala o tulong ng Diyos sa iyong buhay.

  • Bakit mas mahirap makita ang ilan sa mga pagpapalang ito mula sa Panginoon kaya sa iba pa?

  • Kailan kayo o ang isang kilala ninyo pinagpala o pinrotektahan ng Panginoon, sa isa sa mga paraan na ito?

  • Ano ang itinuturo sa inyo ng karanasang ito tungkol sa Panginoon?

Buksan ang ating mga mata

Maaari mong tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga sumusunod na sipi at mga tagubilin.

Ipinaliwanag ni Sister Michelle D. Craig, dating miyembro ng Young Women General Presidency, kung ano ang magagawa natin kung nahihirapan tayong makita kung paano kumikilos ang Diyos sa ating buhay:

9:44
Sister Michelle D. Craig, first counselor, Young Women general presidency.  Official Portrait as of October 2018.

Maaaring may mga pagkakataon na nahihirapan kayo, tulad ng alipin, na makita kung paano kumikilos ang Diyos sa inyong buhay—mga panahon na pakiramdam ninyo ay kinukubkob kayo—kapag napapasuko na kayo dahil sa mga pagsubok ng buhay. Maghintay at magtiwala sa Diyos at sa Kanyang takdang panahon, dahil maaari ninyong buong-pusong pagkatiwalaan ang Kanyang puso. Ngunit may pangalawang aral dito. Mahal kong mga kapatid, maaari din kayong manalangin na buksan ng Panginoon ang inyong mga mata upang makita ang mga bagay na hindi ninyo karaniwang nakikita. (“Mga Matang Makakakita,” Liahona, Nob. 2020, 15)

Maaari ninyong sagutin sa inyong study journal ang sumusunod na tanong:

  • Ano ang natutuhan mo ngayon na tumutulong sa iyo na magkaroon ng tiwala na binabantayan at pinangangalagaan ka ng Panginoon?

Magpatotoo sa pagmamahal ng Panginoon at sa Kanyang kakayahang tulungan ang mga estudyante na makita ang Kanyang tulong sa kanilang buhay.