“Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42
Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42
Buod
Si Job ay isang tapat na tao na nagtamasa ng masaganang buhay.Nawalan si Job ng kayamanan, mga anak, at kalusugan nang hindi inaasahan.Bagama’t mahirap ang mga hamong ito, nagtiwala si Job sa Panginoon, na tumulong kay Job na tingnan ang kanyang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.Lubos na pinagpala ng Panginoon si Job sa huling bahagi ng kanyang buhay.
Sikaping kilalanin ang mga estudyante—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan.Kapag naramdaman ng mga estudyante na talagang nagmamalasakit sa kanila ang kanilang titser, mas malamang na pumasok sila sa klase na handang matuto at ibahagi ang kanilang mga ideya at karanasan.Maghanap ng mga pagkakataong matanong ang mga estudyante tungkol sa kanilang mga interes bago magklase, sa oras ng klase, o pagkatapos ng klase.Maaari kang magtanong tungkol sa mga bagay na dala ng mga estudyante sa klase o mga aktibidad na kasali sila.Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano nakipag-ugnayan ang Tagapagligtas, tingnan ang “Kilala Tayo ng Tagapagligtas at Nauunawaan Niya ang Ating mga Kalagayan, Pangangailangan, at Kalakasan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 13).Para sa karagdagang pagsasanay sa pagmamasid at pagtatanong tungkol sa mga interes ng mga estudyante, tingnan ang “Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan.”
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Job 1–3; 12–13
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa panahon ng mga pagsubok.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano sila tumugon sa kanilang mga pagsubok.Hilingin sa kanila na pumasok sa klase na handang talakayin ang kanilang mga karanasan.
-
Video: “Mountains to Climb” (5:05)
Job 14; 19
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pag-asang nagmumula sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pakinggan o basahin ang mga titik ng himnong “Buhay ang Aking Manunubos.“Maaari silang pumili ng paboritong parirala mula sa himno na maaaring magdulot ng pag-asa sa isang taong dumaranas ng mga paghihirap.
-
Nilalamang ipapakita: Tanong mula sa simula ng lesson; mga tagubilin sa ilalim ng “Pag-unawa sa Pagkabuhay na Mag-uli”
-
Mga Video: “Until We Meet Again“ (3:39) mula sa time code na 0:00 hanggang 2:28 at mula 2:28 hanggang 3:39; “Dahil sa Kanya“ (2:44)
Job 21–24; 38–40; 42
Layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong tulungan ang iba na tingnan ang kanilang mga pagsubok nang may walang-hanggang pananaw.
-
Paghahanda ng estudyante: Ibigay sa mga estudyante ang tanong na “Bakit hinahayaan tayo ng Diyos na makaranas ng mga pagsubok?“Anyayahan sila na malaman ang mga sagot gamit ang sources na itinalaga ng Diyos, tulad ng mga banal na kasulatan, mga turo mula sa mga lider ng Simbahan, o kanilang mga magulang.Maaari din silang magtanong sa mga kapamilya o kaibigan kung paano nila sasagutin ang tanong.
-
Larawan: Job
-
Handout: “Pag-unawa sa mga Pagsubok”
-
Video: “Why Do Bad Things Happen to Good People?” (4:39)
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Dice na may anim na bahagi para sa bawat magkapartner na estudyante
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa dice game